KELLY POV
"Grabe!! Ang lakas naman ng ulan!"
" May bagyo daw narinig ko kanina sa t.v nung bumaba ako. Dito nga daw ang sentro ng bagyo kaya mas makakadanas tayo nang mas malakas na hangin at hagupit ng ulan. Natatakot tuloy ako. Kasi signal number 3 na tayo. "
Dinig kong usapan ng magkapatid nang maalimpungatan ako dahil sa sobrang lamig ng pakiramdam ko.
Hindi ko naman maidilat yung mata ko dahil alam kong puro muta iyon sa kakaiyak ko kagabi.
Nang maisip ko ang tungkol sa kagabi ay agad hinanap ng kamay ko ang recorder na hawak ko kagabi bago ko makatulog.
Wala na rin yung mga rosas sa kama ko at malinis na ang kwarto nang maidilat ko nang konti ang mga mata ko.
" Paano yun? Alam ko uuwi na sila Kuya sa Manila ee.. E di hindi sila matutuloy dahil nga sa bagyo."
" Syempre. Hindi ko papayagang bumiyahe yan kahit na sabihin nating kaya niya. Manatili nalang muna sila dito ni Kelly, dahil sigurado naman na 2 or 3 days makakalabas ma yang bagyo na yan."
Nang marinig ko yun ay may kung anong tuwa ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung para saan iyon.. Pero ang ispin kong hindi pa ko makakauwi at mag stay pa ko dito, iyon ang nagpasaya sakin.
Bumangon ako saka ko kinusot yung mga mata ko.
" Good morning, Ate Kelly!" Bati sakin ni Mabel.
Binati ko rin naman silang dalawa saka ako tumayo para maghilamos.
" Kelly? Bakit naka dress ka? Saan ka nagpunta kagabi? "
Shems!!
Oo nga pala!! Hindi ako nakapagpalit dahil sa pagiging emosyonal ko.
" Ah.. Sinukat ko kagabi.. Nakalimutan ko nang tanggalin."
" Pero umiiyak ka kagabi diba? O nananaginip lang ako?? May kumakanta pa nga ee.. Parang boses ni kuya. Kaso di ko naman inintindi dahil antok na antok ako. Letseng Caloy yan e nilasing ako! Pati yung Best friend mo ate Kelly! Ang lakas uminom! Hinamon pa si Ate e akala naman niya uubra siya! Ayun! Lasing agad ang gaga!"
Kwento niya saka siya natawa.
Hindi na ko nagsalita dahil wala naman akong sasabihin. Buti at di na niya naalala pang magtanong uli about doon. Ngumiti lang ako sakanila pagkalabas ko sa kwarto saka dumiretso sa kama ko at nagpunas nang mukha.
" Teka nga pala, Ate?? Kahapon ko pa di nakikita si Kuya? Nasaan ba yun? "
" Natutilog daw sabi ni Paul diba?"
" Natutulog? Aba!, dumayo ng batangas para matulog buong araw? Saka... Bakit ba parang laging tulog nalang yun? May iniiwasan ba siya satin? O baka naman may kaalitan sa isa satin? "
" Hindi naman nagtatanim ng galit yun. Saka alam ko... Iniiwasan niya si Loiuse kasi dikit nang dikit sakanya. Kaya siguro ayaw lumabas."
" Ahh... Kerengkeng pala yung babaeng yun! Akala ko naman kasi, buntis si Kuya kaya laging natutulog. Haha"
Hindi ko tuloy naiwasang matawa rin aa birong iyon ni Mabel.
" Ikaw Ate Kelly? May alam ka ba kung bakit laging natutulog si Kuya at ayaw lumabas? Bukod dun sa baka buntis siya saka yung kay Loiuse ha. Haha."
" Baliw.. Puro ka kalokohan. Wala akong alam. Hindi naman kami nagkakausap mula nung napaaway siya dahil sakin. Siguro si Loiuse nga lang yung dahilan.. Sabi nga ni Ate Tanya."
Di ko na naiwasang mapayuko nang matingin ako kay Ate Tanya na parang may iba siyang tingin sakin na ibang iba ang ibig sabihin.
Don't tell me na may alam siya?
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomansaIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...