Dalawang araw ang lumipas mula ng makaalis ang inakala ng lahat na si Kelly.
Nadala na rin ni Joshua ang nakuha niyang ebidensya na pwedeng makapagturo sa mga gumawa ng krimen. Hinihintay nalang ang magiging kalalabasan para malaman kung kaninong finger prints ang nandon.
Lagi ring hindi mapakali si Joshua dahil sa pangamba niya. Lagi siyang natatakot lalo na ngayong hindi niya katabi ang mahal niya.
Sa pagiging malungkutin ni Joshua ay halos wala na siyang ibang kinakausap kung hindi ang pinsan niyang si Lambert at ang mga tawag na galing kay Kim.
" Insan, Wag mo na munang isipin si Kelly.. Sigurado ko, magiging matagumpay ang operasyon niya sa Steaks. "
" Ano? Anong Steaks?" Naguguluhang tanong ni Joshua.
" Yung... Pinuntahan nila.."
" Gago!. States! Tanga! Ginawa mong putahe!" Wala sa mood na sabi ni Joshua.
" Pinapatawa lang naman kita e, ikaw kasi, masyado kang seryoso. Tingnan mo... Mas gwapo na ko sayo.." Sabi ni Lambert kaya medyo natawa si Joshua
" Tingnan mo!. Napatawa kita!. Haha.. Ikaw naman kasi, Insan. Huwag kang magpakalunod sa lungkot. Ang dapat mong gawin... Magkalunod sa Pagasa na gagaling at babalik si Kelly dito at magpakalunod sa pagiging masaya, dahil alam mong may pag asa pa kayong magsama ulit. Diba?. "
" Alam mo, Tama ka.. Pero, hindi mo kasi alam yung nararamdaman ko e.. Lalo na kapag naaalala ko yung.... Sinabi nung matanda... Nagkatotoo.. Paano kung lalong magkatotoo yung sinabi niya na, mawawala ako sa buhay niya."
" Gago!. Maniwala daw ba sa hula!. Insan, yung mga weird na bagay, hindi dapat pinaniniwalaan. Alam mo kung ano ang dapat pinaniniwalaan?. Ito. ( turo sa puso ), Ito. ( turo sa utak ) at sa Panginoon."
" Paano ko maniniwala kung ang laman mismo ng utak ko at puso ko ay puro negative." Walang ganang sabi ni Joshua
" E di si God ang isipin mo.. Because God's always thinking possitive sides of ours."
" Sabagay." Sagot ni Joshua habang nakayuko at nalulungkot pa rin.
" Anak." Isang boses na umalingawngaw sa pag uusap nila.
" Bakit po, Dad?. May iuutos po ba kayo?"
" Wala naman.. Naisip ko lang na... Ayaw ko palang nakikita ang anak ko na nakasimangot, nalulungkot at natatakot. "
" Ano po ibig sabihin mo, Dad?" Tanong nito sa Ama.
" Nakahanda na ang Flight mo mamaya. Pinapayagan na kitang pumunta sa States.. " nakangiting sabi ng ama ni Joshua kaya nagliwanag ang mukha ni Joshua sa tuwa.
" Dad?. Totoo? Hindi ka nagbibiro? Sure ka?" Tanong nito.
" Oo!. Sure na su---" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla siyang niyakap ng kanyang anak dahil sa tuwa.
" Salamat po, Dad!. Maraming maraming salamat!"
" Wag ka munang magpasalamat dahil may kundisyon ako..." Sabi ng ama niya na nagpabago ng aura niya.
" Ano?"
" Kasama dapat tong pinsan mo para may magbabantay sayo. "
" yun lang naman pala, Dad e!. Okay na okay sakin!" Sabi nito saka yumakap ulit.
" Mag impake na kayo.. Sige na.. Baka malate kayo sa flight niyo.. 4 hours nalang oh.. "
" Salamat talaga, Dad. I love you." Sabi nito saka ngumiti sa ama.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
DragosteIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...