JOSHUA POV
Magdidilim na nang magising ako.
Ewan ko pero, ngayon lang ako nakatulog nang maayos mula nang patayin nang hayop at walang konsensya kong ama si Lambert.
Ang sakit talaga ng mata ko dahil sa kaiiyak sa pagkawala ni Lambert, sinabayan pa to nang hindi mapigilang pag-iyak habang nililibing siya kahapon.Wala pa rin kasi akong tulog dahil pagkauwi ko kahapon galing sa libing ni Lambert ay kumuha lang ako ng konting gamit at umalis na ko. Buti na nga lang at di ako nakita ng kung sinoman sakanila at buti nalang din hindi nawala ang lahat ng ebidenaya na itinago ko sa drawer ko.
Balak ko na sanang dumiretso dito kagabi kaso naisipan kong dumaan muna sa isang bar para makapaglasing.Pasado alas tres na ko nang lumabas sa bar na pinuntahan ko. Dumiretso ko agad sa kotse ko at binalak na umalis na, Pero naisip kong mamahinga muna para di ako maaksidente, kaya umidlip muna ako sa kotse ko, dahil sobrang sakit na din talaga ng ulo ko, at ng mata ko.
Hindi naman kasi ako sanay sa inuman, pero nilunod ko ang sarili ko.
Problemado lang kasi kaya ko nagawa, pero kung hindi naman ay hindi ko naman gagawin ang magpakalasing.Biruin mo.. Yung taong iniisip mong mahal mo.. Impostor pala. Tapos yung pinagtabuyan at di ko pinaniwalaan noon ay siya pala ang ang matagal ko nang hinahanap.
Tapos yung Ama ko... Kriminal pala.
Kapatid ko hindi ko kilala.
Pinsan ko pinatay ng Ama ko.Putsa!
Sino bang hindi mababaliw?!Ala sais na nang umaga nang magising ako dahil sa isang tawag sa cellphone ko. Tiningnan ko iyon sa pag aakalang importante, pero nainis lang ako nang makita ko kung sino ang tumatawag, kaya binalibag ko yun sa likod, sa Passenger seat.
Ayaw ko talagang marinig o makausap ang isang impostorang katulad niya. Sana'y lamunin man lang siya ng konsensya niya sa mga pinag gagagawa niya. Bahala siya sa buhay niya. Manigas siya!
Pero habang papunta kong Nueva Ecija ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi maiyak sa pagkawala niya. At hanggang ngayon ay kay bigat sa pakiramdam.
Pero tama siya, kailangan kong kayanin ang lahat.
Kailangan kong kumilos para wala nang sunod na mapahamak." Oh? Gising ka na pala? Halika dito sa labas at ipinagluto ka ni Loiuse. Naamoy ko rin kasi kaninang amoy kang alak kaya, maligo ka na rin after nandoon na ang damit mo sa banyo at may tuwalya na rin doon. Saka pansin konh ang laki ng eyebags mo oh. Masyado mong pinabayaan ang sarili mo, Tol. Halika kumain ka muna."
Pag anyaya sakin ni Kuya Romano noong nakita niya kong nakaupo sa kama nang pumasok siya.Akala ko ay hindi ko siya mapipilit na tulungan ako. Akala ko ay mabibigo ako. Buti nalang at hindi iyon nangyari. Mabait pa rin ang Diyos sakin at tama nga si Lambert, hindi ako mapapahiya sa gagawin kong paglapit sa kapatid ko dahil tutulungan ako nito.
Hindi na ko sumagot sa sinabi niya sahalip ay sumunod nalang ako sakanya. Bukod sa turingan namin ni Lambert bilang magkapatid ay ngayon ko lang naramdaman talaga ang feeling na may Kuya na nag aaruga at concern sakin. Sa aming dalawa kasi ni Lambert ay ako ang mas matanda, mas malawak lang ang isipan niya kaya palagi akong nababara at napapahiya. Bagay na ginagawa nalang naming biro, para maiwasan ang pag aaway.
" Marami akong damit dyan, sa tingin ko naman ay kasya sayo ang mga iyon."
Paglabas ko ay nakita ko agad ang dami ng pagkain na nakahain sa hapag.
" Naku, may baon ako, Kuya. Konti nga lang pero.. Kaya yan. Lalaban ko nalang pagkatapos kong gamitin. Saka hindi naman ako magtataggal dito, tatapusin ko lang yung misyong dapat kong tapusin."
" Ano ka ba? Kapatid mo ko. Kaya hindi ko ipagdadamot ang gamit na meron ako, Okay? Feel at home ka lang. Saka wag kang mahiya sakin, Tol. Nasa likod mo lang ako kahit anong mangyari. Kakampi mo ko. Tutulungan kita, dahil naniniwala ako sayo. "

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...