PART 41

28 1 4
                                    

KELLY POV

" Kelly?? Alam kong hindi mo ko gusto. Silence means yes. I understand naman."

Hindi na ko sumagot sa sinabi niya dahil hindi ko alam ang isasagot ko at ipapakita ko sakanyang ekspresyon.

" Kelly... Wag ka sanang lalayo lalo na't alam mong may gusto ko sayo. Wala naman akong intensyon na... Agawin ka kay Joshua... Kasi alam kong mahal mo siya... "

" Hindi naman yun ee.. Natatakot kasi ako..."

" Natatakot na?"

" Natatakot akong umamin sa sarili ko kung ano yung nararamdaman ko. "

" Bakit? May nararamdaman ka na rin ba sakin?"

" Hindi ko alam... Ayaw kong sabihin sa sarili ko na meron.. Dahil hindi lang ako yung mahihirapan at masasaktan sa oras na maamin ko yun, kung hindi pati ikaw. Pari si Joshua."

" Sanay akong masaktan, Kelly. Saka kahit naman hindi mo sabihin sakin yun, okay lang... Kasi alam mo? Masaya ko na ikaw yung nagbibigay ng inspirasyon sakin. Kahit walang sukli, okay lang. Kahit masaktan, okay lang din. Kasi alam ko naman na... Mahal kita "

" Ano ba!! Bakit ba ginugulo mo yung utak ko!... "

" Hindi kita ginugulo... Ikaw yung gumugulo sa utak mo. Just let me love you, hindi ako maghahanap ng kapalit, Kelly. Basta alam kong mahal kita at alam kong alam mo na yun ngayon, okay na ko dun.. Hindi ako naghahanap ng kapalit. Hindi rin kita pepwersahing mahalin mo rin ako pabalik. Kelly... Pero please... Wag mo kong lalayuan... Yun ang hindi ko kaya ee.. Kahit saktan mo ko nang harapan okay lang, kasi wala naman akong karapatan na magalit e.. Kasi hindi naman tayo.. Kaya kong tanggapin lahat yun, Kelly. Basta hayaan mo lang ako. " Sabi niya at sa di ko alam na dahilan niya ay may tumulong luha sa mga mata niya.

Hindi ako nagsalita pero nakatitig lang siya sakin.
Gustuhin ko mang magsalita pero hindi ko kaya.. Kaya ang ginawa ko ay niyakap ko nalang siya.

Nang gawin ko yun ay naramdaman ko ang higpit ng yakap niya sakin..

Hindi ko alam kung paano mag uumpisa ulit sa panibagong bagay na nalaman ko sakanya. Pwede kasing may mabago sa mga kilos namin. Pwede akong makagawa ng mga kilos ko na pwede niyang mahalata na umiiwas ako kahit hindi naman.
Pwede ring.... Mahulog ako sakanya ng husto..

" Kelly... L.A" sabi niya habang nakayakap sakin. Nang marinig ko yun ay agad ko siyang tinaggal sa pagkakayakap ko ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.
" Bakit? May nasabi ba ko sayo?"

" Ano yung L.A? Siguro pwede mo nang sabihin sakin ngayon yun kasi may bagay ka na rin namang naamin sakin diba?"

Hindi ko na nga naisip na baka nanloloko siya dahil alam kong hindi siya ganong tao. Sa tingin ng mga mata niya kanina alam kong nagsasabi siya ng totoo. Kaya hindi na ko nangamba pa, dahil sa pinapakita palang niya sakin at sinasabi alam ko nang iyon ang ibig niyang sabihin, ngunit di niya masabi at ako naman ay di ko mapansin.

" Di na kita pahihirapan mag isip. Sasabihin ko ma sayo yung ibig sabihin nun..." Nakangiting umpisa niya saka niya hinawakan yung pisngi ko, na ikinagulat ko ulit.

Ano ba! Lagi nalang akong nagugulat at nabibigla!

" Kelly, Ang L.A. na sinasabi ko... Ng ibig sabihin nun ay.... MAHAL KITA."

Paano namang naging L.A yun? Ee M.K. yun!

" Niloloko mo ko e! Ano nga yung totoo?"

" Mahal nga Kita yung ibig sabihin nun! Kung gusto mo nang paliwanag... Ganito yun... Mahal Kita... Kinuha namin ni Paul yung last letter. "

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon