KELLY POV
Nang pumasok si Nilo dito sa kusina ay sinadya ko talagang wag siyang kausapin. Ewan ko. Pero, naiilang ako sa mga kinikilos niya nitong nagdaang araw.
Alam kong wala naman akong dapat ibigay na malisya doon, ako lang talaga itong makitid ang utak at kung ano ano ang iniisip.
Ayaw ko namang iwasan siya kasi wala namang kwentang bagay ang dahilan. Pero, the way he talk to me kasi, parang i felt something that i can't explain.
Alam kong ke panget panget ko ngayon para umarte nang ganoon, pero hindi ko rin kasi masisisi ang sarili kong makaramdam at mag isip.
Sana lang talaga, mali ako. Sana hindi lang kakapalan ng mukha ang naiisip ko at bumabagabag sa isip ko.
" Huy. Kanina pa ko nagkekwento. Nakikinig ka ba?" Gulat akong tanong ni Ate Tanya kaya parang tanga akong nagulantang at umo'oo sakanya.
Nang sabihin ko yun ay nagtuloy lang siya sa pagkwento. Nakikinig naman ako, pero hindi gaanong ka'focus.
Iniisip ko kasi, kung.... Kamusta na sila Ate.. Si Mama... Si Papa... Saka si Joshua.
Naiisip kaya nila ko?
Haay!!Sabagay! Bakit ko nga pala tinatanong pa sa sarili ko.. E ang alam nga pala nila, ako yung nandun na kasama nila.
' Hayaan mo, Kelly. Maghintay ka lang. Darating din yung panahon na makikilala ka nila. ' bulong ko sa sarili ko.
....
Kinagabihan, gumising ako. Pasado 11 na ng gabi para gumising nang ganitong alanganin. Pero, sinikap ko talagang magising dahil gagawa kami ng maraming leche flan ni Ate Tanya. At ako ang gagawa nun.
Naalala ko tuloy nung mga araw na pinagluluto ko si Joshua ng Leche Flan. Ayaw ko sanang isipin yun dahil alam kong magiging malungkot na naman ako pero... Wala e... Naalala ko na naman siya.
" Umiiyak ka ba?" Tanong ni Ate Tanya.
" Hindi, Ate. Napisikan lang nung hinahalo ko." Sabi ko sakanya. Nakita ko naman siyang tumango at nagpatuloy sa paghuhugas mung mga lanyera.
Naghahalo kasi ako nung pula nung itlog. Kailangan kasi pino yun para mas masarap kapag kinain na siya.
" Kelly, may itatanong sana ko sayo. Pero, wag ka sanang magagalit?"
" Ano yun, Ate..."
" Paano kung sa pagbalik nila, hindi ka nila tanggapin dahil sa kalagayan mo. Ano gagawin mo?"
" siguro.... I'll tell everything to them. "
" Paano kung sabihin nilang.... Gawa gawa mo lang?"
" ewan ko. Di ko alam, Ate. Ang hirap. Sobrang hirap. Alam mo yun... Yung tipong gustong gusto mo nang sumabog, pero hindi mo kaya. Yung... Gustong gustong mo nang bumigay dahil sa hirap pero di mo magawa... Kasi.... Alam ko, may nakakapitan pa ko kahit papaano... Kaya kahit mahirap.. I'll do my best to hold on tight. Pero kapag nawala yung mga kinakapitan ko... Siguro... Unti unti ko na ring pakakawalan ang higpit nang pagkakahawak ko."
" Yan ang wag mong gagawin. Ang sumuko. Dahil kapag sumuko ka. Talo ka. At hindi ka na pwede pang bumalik sa dati dahil wala ka nang tiyansa, kaya kung ako sayo... Wag na wag kang bibitaw. Darating yung time na... Ma'spread yung katotohanan through your voice."
Hindi ko na siya sinagot pa at ngumiti nalang ako. Ayaw ko na kasing magsalita pa dahil baka mahaluan ng luha ko ang hinahalo ko. Yumuko nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Pamaya maya ay nagulat na naman ako sa tanong niya.
" Pogi ba si Joshua?" Tanong niya kaya napangiti nalang ako.
" Naku! Alam ko na ang ibig sabihin ng mga ngiting yan! May pictures ka ba niya?"

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomansaIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...