PART 72

24 1 5
                                    

LOIUSE POV

Ang tatanga naman nung mga nagpunta dito! Bakit hindi man lang nila ko pinuntahan dito! Kanina pa ko nagwawala dito para lang mapansin nila at matulungan pero hindi nila yun nagawa!

Sino ba sila at kay tatanga nila!

Ilang araw na kong nakaposas dito, nakatali ang paa at may pasak ng tela ang bibig ko dahil maingay daw ako. Ahhh!!...
Ang baho baho ko na at nanlilimahid na ko sa dumi at pawis, hindi pa rin ba nila ko papakawalan?

Ano ba kasalanan ko?! 
Masama bang makinig sa usapan ni Nilo at Carol na yun?
Bakit kailangang kidnap'pin ako!

Wala naman akong ginagawang masama ee.. Bakit nila ko ginaganito!

Kelly! Nilo! Paul!
Tulungan niyo ko dito!
Hindi ko kilala yung taong kumidnap sakin! Pero tulungan niyo ko please!

Asa naman akong marinig nila ko! Diba?!

Ahhh!! Ayaw ko na!

Sino ba kasi ang pasimuno nito! At ako pa ang napili nilang pahirapan! Nananahimik ako e.

Sino ba mga nakaaway ko?

Wala naman e.. Bukod kay Doktora na nilait ko---

Nanlaki ang mata ko nang maisip ko ang doktorang iyon! Posible kayang siya talaga ang nagpa'kidnap sakin!

Hayop siya!

Siguro kaya niya ginagawa ito ay dahil sa nahahalata ko ang baho niya!

Kailangan ko siyang pigilan sa plano niya! Kailangan kong mabigyan ng babala si Kelly!

" O. Kumain ka muna!"
Sabi sakin nung lalaking gwapo nga! Na'ngingid'nap naman! Turn off!!

"Jfnccfufsmvbj!"
Sabi ko sakanya dahil hindi ko maibuka ang bibig ko.
Ang gusto ko lang namang iparating ay hindi ako makakakain dahil nakaposas ako at nakabusal ang bibig ko.

Tanga netong lalaking to! He does'nt state the obvious!

" Ano kamo?" Tanong niya.
Pero ang ginawa ko ay iwinagwag ko yung nguso ko saka yung posas ko kaya naintindihan niya.

" Buti naman at naintindihan mo ko!" Sabi ko sakanya pagkatanggal niya nung busal sa bibig ko.

" Kumain ka na." Sabi niya sakin saka siya tumayo at balak umalis na.

Aba! Paano ko kakain e nakaposas ako!

Ay tanga netong lalaking to!

" Tanga ka ba?! Paano ko makakain kung nakaposas ako?!"

" Hindi ko pwedeng tanggalin yan! Gumawa ka nang paraan."

" Wow ha! Kinid'nap niyo ko! Tapos ako papahirapan niyo! Leche kayo ha!"

" Oo na! Oo na! Sige na! Susubuan kita!"
Sabi niya at kinuha niya yung pinggan saka tumabi sa tabi ko.

" Pwede ba? Naka boxer shorts ka nalang, naka hubad ka pa! Pwede bang magdamit ka muna? Naasiwa ako sayo!" Sabi ko sakanya saka ko siya inirapan.

" Huh! Diyos ko! Ang daming arte! Pinagluto mo na nga! Susubuan mo na nga para makakain! Tapos uutusan ka pa sa pananamit mo!"

" E bakit kasi nakahubad ka?!"

" E bahay ko to e! Ikaw lang ang nakikitira dito?"

" Wow! Hindi ako nakikitira dito! Kayo ang nagdala sakin dito nang hindi ko alam ang dahilan niyo! Mga kidnappers!"

" napag utusan lang ako. Di ako kidnapper!"

" Kahit na! Kung sabihin na patayin mo ko! Papatayin mo ko?!"

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon