NILO POV
Kanina pa ko nakaupo mag isa dito kasama ko ang gitara ni Paul. Nasa beach kasi sila at nagtatampisaw roon, habang ako nakaupo dito sa terrace kasama sina Kelly at Loiuse, pero hindi naman nila ko pansin dahil nagkekwentuhang silang dalawa, kung tungkol saan? Ewan ko? Pero ang alam ko lang... Tungkol doon sa aksidente niya.
Yung totoo?? Nakikita pa ba nila ko?
Akala ko kanina magiging maayos na kami, akala ko.. Mapapalapit na ko sakanya ng husto, pero hindi pa pala. Dahil may asungot na dumating dito, at saktong magkakilala pa sila!
At hindi lang yun! Magbestfriend pa sila!
Paano kaya makakalimutan ni Kelly yung mga gusto niyang kalimutan kung ipapakwento at ipapaalala lang ng babaeng ito ang lahat ng iyon.
" E sino yung sinasanto nila doon? Yung pinapagamot nila?" Dinig kong tanong ni Loiuse.
Hindi ko narinig yung sinagot ni Kelly, peeo kung ako ang tatanungin sa kung ano ang ideya ko sa sagot niya... Malamang sasabihin niya hindi siya sigurado kung si Gina yun.
Tama ba?? Gina nga ba?? Ay!! Ewan!
Huminga ko ng malalim saka ko ipinuwesto ang mga daliri ko sa strings ng gitara. Hindi ko naman intensyon na istorbohin sila dahil malayo sila sakin, kaya ko lang naririnig yung sinasabi ni Loiuse dahil malakas ang boses niya at rinig dito.
Sinimulan kong tumugtog habang ako ay nakapikit. Tinutugtog ko yung ginawa kong kanta, pero hind naman ako kumakanta sa pagkakataong ito, puro sounds lang ang ginagawa ko.
Gusto ko lang marelax kahit papaano. Matagal ko nang hindi nagagawa ang ganito. Akala ko nga hindi lo na alam ang pagtugtog ng gitara dahil halos ilang taon din akong walang practice. Pero, tama pala talaga yung kasabihan na, basta nasa puso mo kahit maalis sa isipan mo maalala at maaalala mo pa rin lahat kahit anong mangyari.
KELLY POV
" E kelangan mo silang puntahan doon, at sabihin mong ikaw ang tunay na Kelly."
" Gusto ko, kaso wala akong pera, yung mga papeles ko wala na rin. "
" E ano gagawin mo dito? Tatanga ka? Habang yung Syota mo inaagaw na ng iba??"
Nang sabihin ni Loiuse sakin yun, ay parang may nagbalik sa alaala ko.
Yung mga pangyayari nung una. Yung sinabi ng matanda sakin ..
Ahas??
Si Digna kaya yung tinutukoy ng matanda? Si Digna kaya ang aagaw sakin ng lahat ng meron ako?
" Hey! Are you listening to me or not?" Tanong muli sakin ni Loiuse kaya nawala yung iniisip ko. Napatango nalang ako sakanya saka ko muling ibinalik ang isip ko sa naiisip ko kanina.
Kilala ko si Digna... Hindi niya gagawin ang ganoon sakin. Baka hindi naman siya... Baka naman nagkakamali lang ako ng hinala.
Nang naisip ko ang mga bagay na yan ay lalong kumabog ang dibdib ko, pero sa di ko alam na dahilan, mas lalo pa kong nabwiset at parang nagalit kay Loiuse ng sabihin niya ang mga ito na nagpagising din sa kanina ko pang imahinasyon.
" He's nice. I think he is good." Sabi niya sakin.
Wait?? Sino ba ang tinutukoy niya? Si Joshua?
" He is Nilo right? I like him, i think."
Wala naman akong karapatang magalit o makaramdam ng kahit na ano sa sinabi niya pero di ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng pag ka inis sa sinabi niya.
Single naman si Nilo, mabait, gwapo, madiskarte, masipag at kung ano ano pang magagandang katangian ay meron siya... Na sa tingin ko ay mayroon din naman si Loiuse kahit papaano. Single din naman itong si Loiuse at sa tingin ko pwede nilang hanapin ang isa't isa, pero bakit parang ayaw ko!
" Ah.. Nagkakamali ka. Tingnan mo mukhang aso yan. Mabaho pa ang paa niyan. Masungit. Saka... Matakaw." Panlalaglag ko kay Nilo. Baka kasi sakaling ma yurn off si Loiuse diba?
" Ha?? Ee... Okay lang yun... Saka gusto ko kasi sa lalaki sanay tumugtog ng gitara. Saka... Mababago naman yung mga pangit na bagay na meron siya kapag nakasama na niya ko."
" Hindi! I swear you, Loiuse... Hindi siya ganoong klaseng tao. Mahirap pakisamahan yan.."
" pero sabi mo sakin a while ago ba mabait siya diba?" Nagtatakang tanong niya sakin habang nag aalinlangang iyuro ang daliri sa nakaupong si Nilo at sakin.
" Yes... Pero nagbago nga siya nitong nagdaang araw."
" Ay basta! i like him whatever he is! Okay?" Sabi niya na parang bulate. Hinawakan pa yung kamay ko habang pinupunit niya ang sariling labi niya.
" Ikaw bahala ka... Bilang bestfriend mo na matagal nawalay sayo e... Concern lang naman ako sayo." Sabi ko sakanya baka sakaling magback out siya.
" Dont worry, bes... " nakangiting sabi niya na parang punong puno talaga ng paghanga kay Nilo.
Wala naman akong gusto sakanya... Lilinawin ko lang.
Siguro kaya ganito lang ako dahil concern ako kay Nilo... siguro dahil na rin sa.......
Sa....
Wala namang masamang bagay ang meron kay Loiuse ee..
Ahhh...
Baliktarin ko...
Concern lang ako kay Loiuse kasi alam ko na si Nilo ay.....
Ay....
haay!! Hindi ko alam! Wala naman silang kapintasang dalawa ee pero bakit parang ayaw ko silang magkamabutihan.
Kung iniisip niyo man na may gusto ako sakanya.... Hindi ko alam.
May Joshua ko na nakatanim sa puso ko. At alam kong hindi ko siya kayang palitan kaya hindi ako nagkakagusto kay Nilo. Okay?
" May gusto ka ba kay Nilo, bes?" Isang tanong na nagpalakas ng tibok ng dibdib ko. Napatingin ako kay Loiuse.
Naninigas ako ngayon. Hindi ko maibuka yung bibig ko kahit gusto kong umangal. Nakatingin lang ako sakanya habang ganun din siya sakin.
" Bes? Narrinig mo ba ko? Ano ba? Lutang ka masyado ha! Alam kong iniisp mo si Joshua pero wag ka namang magpakabaliw no! "
" Ha?? Hindi .... May iniisip lang ako." Sabi ko sakanya habang medyo kinakabahan pa.
" uulitin ko yung tanong ko... May gusto ka ba kako kay Nilo?"
" Ahh..... Wa--- wala! Bakit naman ako magkakagusto sakanya, diba? Alam mo namang may Joshua ko diba?"
" akala ko lang kasi. Kung makapigil ka kasi sakin dyan kanina.. Kaya akala ko... You have a crush on him. "
" Hindi ah!. Malabo yun, bes." Pagtanggi ko sakanya habang iniiwas ding tumingin sakanya.
" Tulungan mo ko mapalapit sakanya ha. At tutulungan din kitang magpaliwanag kay Joshua ng totoong nangyari pagdating niya dito sa pilipinas. Okay ba yun, bes?"
Tumango nalang ako saka ngumiti sakanya.
Yumakap siya sakin. Ginantihan ko naman siya.
Ngayon ay nasisilayan ko si Nilo na tumutugyog ng gitara niya habang nakangiti. Hindi ko naririnig iyon dahil malayo sakin. Pero... Nagbibigay siya sakin ng kakaibang impact.
Naalala ko na naman tuloy yung L.A..
Lintek!
Ano ba yung nararamdaman ko! Bakit naguguluhan ako! Alam kong may mahal ako at may minamahal ako, at alam kong si Joshua lang yun! Pero, bakit ganoon?
Bakit iba rin yung pakiramdam ko sa twing may sasabihin at ipapakitang kilos si Nilo sakin. At bakit parang ayaw ko siyang mapunta sa iba. Bakit ayaw kong mapalapit siya kay Loiuse!
No! Ayaw ko nang ganito! Hindi ako namamangka sa dalawang ilog. Ayaw ko nang ganitong sitwasyon. Si Joshua ang mahal ko at wala nang iba.
Okay?
Okay!!
.....

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomansaIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...