KELLY POV
Para kaming mga natutulog na mantika. Para kaming yelo na unti unting nalulusaw. Para kaming binunutan ng malaking tinik at habang inaalis iyon ay sobrang bigat sa pakiramdam. Daig pa namin ang sinaksakan ng anestisya para lang piliting wag masaktan.
Hindi pa rin namin matanggap na ang isa sa mga kaibigan namin ay wala na.Bakit? Bakit kailangang mangyari ito sayo Caloy?
Ang aga pa para sa isang tulad mo ang ganitong pangyayari. Hindi mo dapat sinapit ang ganitong bagay.Mga walang puso at awa ang gumawa sa iyo nang ganito. Sinusunog na sana ang kaluluwa nila sa impyerno.
Mga hayop sila!
Dalawang araw nang nakaburol si Caloy, dalawang araw na rin hindi makausap ng maayos si Mabel. Iniintindi nalang namin siya dahil sobrang sakit talaga sa part niya yun.
Laging umiiyak at ayaw kumain. Ganun din ang mga magulang ni Caloy. Buti nalang at nandito sila Ate Tanya para umasikaso sakanila.Alam ko naman ang pakiramdam nang ganoon, dahil namatayan na rin ako. Nakakalungkot at nakakawalang ganang kumain talaga ang pakiramdam.
Biruin mo, yung taong lagi mong kasama.. Pinapatawa't kinukulit ka, ngayon wala na. Sino nga ba ang gaganahan sa buhay?
Pero, nagtataka ko. Sa mga araw at gabing nagdaan ay may napansin ako. Si Paul at Nilo, ay hindi nagpapansinan.
Bakit?May problema ba silang dalawa? Bakit kailangan nilang mag iwasan? Hindi ba dapat ay pag usapan nila iyon? Lalo na ngayon at kailangan nilang magkaisa dahil hindi pa rin nakikita ang gumawa nito kay Caloy at sa dalawa pa nitong kasama na napatay din.
Ayon sa mga magulang ni Caloy, madalas daw itong nagtatago. Lagi raw itong hinahanap ng mga lalaking kasama niyang binawian din nang buhay.
Pero, yun nga daw.. Nagkita kita daw siguro kaya, nangyari ang aksidente. Pero kung ano ang dahilan ng pumatay sakanila ay wala pang nakakaalam." Kumain ka muna."
Tumabi sakin si Loiuse at may dalang pagkain. Tumutulong din kasi kami dito na mag asikaso ng mga bisita. Hindi pa rin kasi dumadating yung kapatid ni Caloy na nasa ibang bansa daw.
Hindi naman kami nagrereklamo sa pagtulong namin, dahil parang kapatid na rin ang turing namin kay Caloy.
Tawagin nalang natin ito na... Malasakit.. Malasakit hanggang nandito siya sa lupa." Kawawa naman yung lokalokang yun noh? Kahit hindi kami magkasundo niyan. Alam ko mabait siya. Naaawa ako sakanya pati sa nobyo niya."
Tiningnan ko lang siya at hindi na ko sumagot.
" Nga pala, Bes. War ba si Nilo at Paul? Di sila nagpapansinan e.. O baka mali lang ako nang interpretasyon?"
" Di ko rin alam. Ewan ko sakanila. Kung kelan tumanda saka pa mga nagkaalitan."
" Sabagay, mahirap talagang kausapin si Paul kung may tampuhan talaga sila. Matigas ang puso niyan. Huh! Btw! May narinig ako! Kayo na ni Nilo?"
Sa boses niya ay para siyang nang aasar na kinikilig. Kaya ako naman ay di ko na napigilan ang magsilay ng ngiti sakanya.
" Ikaw ha! Kerengkeng ka! Kelan pa naging kayo? Di ka man lang nagsasabi! Haha..."
" Baliw! Wala pa kami sa ganun."
" Ahe! Doon din papunta yun! Ano ka ba?! Wala ka na namang ibang hahanapin kay Nilo e.. Mabait, gwapo, matyaga, maalalahanin, at higit sa lahat. Perpektong tao sa paningin mo! Pero, bes.. Paano si Joshua? "
Hindi ko maiwasang mainis nung itanong niya yun. Ang totoo kasi ay hindi pa natatanggal ang buong pagmamahal ko kay Joshua. May malaking parte pa rin sa puso ko ang natitira para sakanya. Mahal ko pa rin siya, yun ang isinisigaw ng puso ko, pero kung ipipilit nang utak ko... Si Nilo ang sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...