PART 27

31 3 0
                                    

NILO POV

Kararating lang namin ngayon sa resort na sinasabi ni Paul na pagmamay ari nila. Walang tao.. Maganda ang view. Okay lang to para sakin. Kasi hindi naman,ito yung typical na resort na kailangan maraming tao.

Bahay to ng Lola niya pero resort yung tawag nila dahil sa malapit ito sa dagat at parang resort talaga ang ayos nito.

May malaking gate sa pagpasok mo, then napakaluwang ng view. Saka ka lang makakarating dun sa mismong bahay na aakalain mong mansion..

Sa likod pa ng bahay matatagpuan ang beach pero kaakit akit na siyang puntahan sa pagpasok palang.

Pwede naman nilang pagkagastusan to ah.. Mas kikita pa nga sila dito sa palagay ko. Kasi, maraming mga magagandang tanawin, maaliwalas naman ang paligid.

" Kuya Paul.. Sigurado ka bang walang pumupuntang ibang tao dito para magswimming or outing? Sayang yung place kasi... Ang ganda ganda. Pero itinatago niyo lang." Tanong ni Caloy na halatang halata na namamangha rin sa lugar tulad ko.

" Si Lolo kasi ang may gusto niyan. Dahil sa pagmamay ari namin itong lupang ito, minabuti niyang gawing ganito para saming pamilya. "

" Pero sayang pa rin... Pwede mo tong gawing business kasi, pagpasok mo pa lang maganda na... Tapos parang intense pa yung dating nung beach kasi nasa likod bahay siya. Diba Kuya Nilo?"

Tumango lang ako kay Caloy at pinagmasdan ko ulit yung paligid.

Ang ganda talaga.

Gusto ko kapag ikakasal ako... Dito ko ikakasal.

" Tara? Pumunta na tayo sa assign room natin. Magsama sama nalang tayo sa isang room para masaya, boring kasi kung mag hihiwalay hiwalay pa diba? Pero yung girls magkakasa sila. Hinatid na sila doon ni Lola." Sabi ni Paul kaya sumunod na kami sakanya.

Hindi ko alam ang pakiramdam ko ngayon. Masaya ako. At hindi ko maipaliwanag sa pamamagitan ng pagsasalita.

" Mamaya na tayo magbalik doon, Guys. Maaga pa naman. Saka mas magandang pumunta doon kapag gabi na or kaya naman ay sa kasikatan ng araw." Sabi ni Paul samin habang naglalakad kami pabalik sa loob ng bahay.

Sinilip muna kasi namin yung beach bago namin ayusin ang mga gamit namin.

Pagbalik namin sa loob ay nakasalubong namin ang Lola niya.

" Oh? Mga Iho... Ipalagay niyo na muna yung nga gamit niyo sa kwarto niyo at sabayan niyo na tong mga binibining kumain." Sabi nito habang inuudyok kaming kumain.

Ngumiti naman ako sa Lola niya saka kami sumunod. Nagugutom na rin kasi ako dahil sa haba ng binyahe namin.

Siguro kung hindi kami na'traffic at kung hindi ako tumambay ng kay tagal tagal sana maaga kaming nadating dito.

Habang papalapit sa lamesa ay
Pinipilit ko namang wag matingin kay Kelly dahil nahihiya ako. Ano kaya iniisip niya tungkol doon sa L.A nayun.
Wala pa kong naiisip na palusot at ibang meaning nung L.A na sinabi ko.

" Hindi ka ba pagod at inaantok Nilo?" Tanong ni Ate sakin pagkaupo ko sa tabi niya.

" Hindi. Sanay naman ako sa puyatan diba?" Sagot at Tanong ko habang walang tinginan. Kaharap ko kasi si Kelly ngayon at isang maling move ng mata ko, makikita ko siya.

" Pero hindi ibig sabihin nun, hindi mo na kailangang magpahinga. You need to take a rest. " sabi ng isang boses sa harap ko. Hindi ko pa rin siya tinitingnan pero alam kong si Kelly yun.

" Oo nga Kuya. Tama si Ate Kelly. Mamahinga ka muna bago ka mag enjoy. Baka mamaya kung kelan nasa kalagitnaan tayo ng kasiyahan saka ka babagsak dahil sa puyat mo." Pagsang ayon ni Mabel.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon