KELLY POV
Makapal na ang mukha kung sa makapal. Pero, bumalik ako sa bahay nila Ate Tanya. Wala naman kasi akong ibang mapupuntahan.
Hiyang hiya ako sa sarili ko. Hiyang hiya ako sa nakamit ko. Ewan ko! Pero parang pinaglalaruan ako ng mundo.
Parang kahapon lang, kasama ko sila, kausap... Ngayon... Umaasa nalang na sana, mangyari ulit yun.
Hindi ko alam kung, ano ba yung kasalanan ko sa Diyos at ginaganito niya ko. Hindi ko alam kung may nagawa ba ko.. O may kamalasan lang talaga ang buhay ko.
Iyak lang ako ng iyak habang nag iisip kung paano sila makakausap at makikita habang si Ate Tanya ay nakasuporta at nakaalalay sakin. Ramdam ko sakanya ang awa, kaya lalong hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha.
Ganun lang ang ginawa ko hanggang sa makauwi ulit sa bahay nila. Pag pasok namin ay huminto kami ni Ate Tanya dahil nakita namin na naghaharutan at nagtatawanan yung magkapatid.
Buti pa sila... Masaya...
Ako??.
Kailan kaya ulit sasaya??
Sa pagtayo naming iyon ay napatingin samin si Nilo at napatulala sa nakita niya.
" Kelly?" Hindi makapaniwalang usal ni niya ng makita niya kaming dalawa ni Ate Tanya na nakatayo sa may pintuan. Ganun din si Mabel na tumingin pa sa Kuya niya.
" A---akala ko ba??" Nagtatakang tanong niya pero di ako sumagot. Sahalip, si Ate Tanya ang sumagot." Dito muna siya satin. Magulo yung nangyari e.. Wag muna nating pag usapan para sakanya... Para... Hindi muna siya makaramdam na mag isa lang siya." Paliwanag ni Ate
Nakita ko naman na tumango si Nilo gayun din si Mabel..
" So, It means... Dito muna titira si Ate Kelly?" Nakangiting tanong ni Mabel na para bang tuwang tuwa pa habang parang inaasar si Nilo, pero syempre hindi ako nagpahalata na nakita ko yun.
" Oo, Mabel. At kung Okay lang sayo.. Sa Kwarto mo muna siya matul---"
" Hindi!. Sa kwarto ko na!"
" Ha?!" Sigaw ni Ate Tanya at ni Mabel. Pati ako ay nagulat sa narinig ko pero wala ako sa mood para makisabay sakanila.
" Ang ibig kong sabihin... Doon na siya sa kwarto ko.. Tapos ako.. Dito nalang sa Sala. Tutal pare parehas naman kayong babae, kaya kailangan bilang prinsipe ng bahay na to... Alagaan ko yung mga prinsesa ko. Diba?" Paliwanag niya habang nakatingin sakin at nakangiti.
" Ahh!. Yun naman pala e!"
" Ako nalang dito.. Tutal.. Ako naman yung pasikip dito sa bahay niyo.. Saka.. Wag kayong mag alala.. Magtatrabaho ako at tutulong dito para naman sa mga---" Pag singit ko dahil ayaw kong maging sagabal sa kanila pero hindi ko na natapos dahil sa nagsalita muli si Nilo.
" Hindi. Hindi mo kailangang gawin yun.. Bisita ka dito... At ang bisita hindi dapat pinagtatrabaho.. Saka wag mo kong alalahanin.. Sanay akong matulog dyan sa Sala. Saka, mainam na rin yan para sakin... Para kapag uuwi ako galing pasada tuloy tulog na ko. Diba, Mabel? " medyo natatawang sabi niya sakin. Saka ikinumpirma kay Mabel
" Ay! yes na yes ang sagot dyan!. " pag sang ayon nito.
Ewan ko, hindi ko alam sa sarili ko pero bigla nalang akong yumakap sakanya.
Siguro dahil na rin sa kabaitan niya/nila. Kasi, bihira na sa panahon ngayon ang katulad nila.
Kaya kahit papaano, kahit puro kamalasan ang inabot ko.. Nagpapasalamat pa rin ako dahil may mga taong handa pa rin akong tulungan. At yun, ang masasabi kong... Swerte sakin. Ang magkaroon ng mabubuting kaibigan.

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...