DIGNA POV
Pagkadating ko ay narinig kong nag uusap si Joshua at Lambert. Hindi naman nila ko napansin dahil wala naman sila sa isipang darating ako at di nila nakita ang aking pagdating. Nanatili ako dito sa pinto habang bukas ang aking mga tenga.
" Nasan si Kelly?" Tanong ni Lambert kay Joshua habang kumakain.
Timawa talaga to kahit kailan. May lamesa naman sa dining hindi doon kumain kung saan saan pa naglalakad para kumain. Pinagmamalaki pa ata na lagi siyang busog. Palamunin lang naman nila Joshua.
" Lumabas. Nagpunta sa Mall. Sabi ko sasamahan ko na pero sabi wag na daw at kaya niya."
" E diba dati, gustong gusto niyang kasama ka niya pag mag mo'mall siya? E bakit ngayon parang nag iba na??"
" Ayaw na nga niyang maging mabait diba?"
" Ay ewan! Kung naniniwala ka sa sinasabi niya ako hindi. May kakaiba talaga dyan kay Kelly mula nang maoperahan siya."
Bwiset na lalaking to. Talagang nagsusumbong ka pa kay Joshua. Di ka naman kakampihan niyan kung akala mo.
" Yun din naman ang nakikita ko. "
Nang sabihin niya yun ay nagulat ako. Hindi ko inaasahang masasaktan ako. Naghihinala na pala talaga siya. Pero.. Kinausap ko na siya tungkol dito dati, pati si Kim. Pero bakit ganun?? Di sila marunong makuntento sa sinabi ko at hanggang ngayon ay naghihinala sila sakin.
" pero pinaniniwala mo ang sarili mo na kailangan talaga niyang magbago? Para saan? Para makalimutan niya lahat? Unbelievable!! Pati pag eenglish kailangan kalimutan? Pati yung bahay nila sa France kailangan kalimutan kung saan yun at kung ano ang address? Pati pagsama sama mo at pangingielam mo sa kanya sa kahit na private man o public na mga bagay o lugar na pwede niyang puntahan iniiwanan ka na ngayon. Para saan? Haay! Naku! Hula ko talaga... May tinatago siya kaya ganyan siya!... May tinatago siya dahil parang tanga lang yung excuse niya, pero kung kapanipaniwala? baka ipanalo ko pa siyang best actress sa Oscars! "
" Alam mo Insan. Yung sinasabi ko sayo last time, yung tungkol doon sa ahas na konektado sa sinasabi nung lalaki, sa sinasabi ni Kelly noon? Yung kinuwento ko sayo? "
Nang marinig ko yun ay kumabog ng husto ang dibdib ko. Tama siya! Yun yung kinuwento samin ni Kelly n ayaw paniwalaan ni Joshua, maging kami naman. Napakahirap kasing paniwalaan at napakahirap hulaan kung anong ibig sabihin ng ahas na yun.
Pero ngayon... Alam ko na ang ibig iparating ng matandang manghuhula. Isang tao iyon. At ako yun.Pero, ano yung tinutukoy nubg lalaki ? Ako rin kaya ang tinutukoy niya? So, kung ako ang tinutukoy niya... May alam talaga sila! May alam talaga sila nung babae!
Bakit ngayon ko lang naalala ang isipin ang tungkol doon! Bakit kailangang makalimutan ko yun! Sa dami ng pwede kong makalimutan bakit iyon pa!
" Oo nga no. Hindi kaya?? Si Kelly?"
" Ewan ko. Ayaw ko! At hindi siya yun. Naniniwala ako na yung Kelly'ng kaharap natin ay siya talaga at di isang..... Isang..."
" Impostor? Insan paano kung impostor nga siya? At ang tunay na Kelly ay Patay na? Posible kayang?? Siya si Digna at nagpapanggap lang siya? "
" Insan naman! Nagpapatawa ka ba? Paanong magiging si Digna yan. E ang sabi ni Kelly si Digna tinangay ng dalawang lalaki."
" Exactly! Marahil nagsisinungaling siya dahil gusto niyang maagaw ang lahat ng meron si Kelly. At ngayon.. Dahil sunog ang mukha niya at di makilala noon, sinabi niyang siya si Kelly pero ang totoong Kelly ay patay na o kaya yung sinasabi niyang dinampot ng dalawang lalaki. Insan madaling magsinungaling kasi alam niyang wala tayong alam! Pero ikaw kasi, kahit katotohanan o kasinungalingan na, pinaniniwalaan mo! At take note! Agad agad pa!"
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomantiekIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...