KELLY POV
Nakahiga lang ako dito sa hospital bed. Nababagot na ko dahil halos oras oras ay inaantay ko si Nilo na dumalaw sakin pero hindi man lang niya ko dinadalaw.
Ang sabi nila Ate Tanya at Paul ay may tinatrabaho daw sa bahay na importanteng bagay.
Pero.. Bakit napakabagal naman niyang asikasuhin iyon at hanggang ngayon ay di pa rin niya tapos?
Ilang araw na ko dito pero hindi ko pa rin siya nakikita. Ang huling silay ko sakanya ay nung araw nang operasyon ko, at pagkagising ko kinabukasan ay wala na siya.May masamang kutob ako pero ayaw ko lang talagang isipin.
Ayaw kong isiping napahamak at nalagay siya sa panganib.
Hindi ko kakayaning mawala ang taong mahal ko.Pero bakit ganoon? Kung kailan naging kami na, ay saka siya naging ganito sakin?
Hindi ko talaga siya maintindihan. Ibang iba ang kilos niya ngayon, hindi tulad noong dati na kahit hindi ko siya naiintindihan sa mga sinasabi niya at kinikilos niya ay lagi siyang nasa tabi ko kahit anong mangyari.
Naiinis man o natutuwa ako. Naguguluhan man o naliliwanagan.
Sa kapahamakan man o sa kaligtasan ay nandyan siya.. Pero ngayon ay ni Anino niya wala akong makita.Bakit ganoon? Nagsisinungaling lang ba talaga sila Paul sakin para di ako mag alala sa boyfriend ko?
Hindi!
Hindi pwede yun!
Hindi pwedeng may mangyaring masama sakanya!
Mahal na mahal ko siya at ayaw kong mawala siya sakin ng tuluyan, hindi ko kaya!Dahil kung mangyari iyon ay hindi ko alam ang mangyayari sakin. Pipiliin ko nalang sigurong mabaliw kesa mabuhay ng normal. O di kaya'y sundan siya kung saan siya nagpunta.
Wala akong ibang option! Dahil
Hindi ko na rin talaga babalikan pa ang nakaraan ko dahil siya na talaga ang mahal ko.
Pinatunayan niya yun sa sandaling panahong pagsasama namin.
Feeling ko rin ay lagi akong ligtas kapag kasama ko siya. Pinagtatanggol niya ko kahit lagi siyang seryoso minsan.
Pinapatawa niya ko sa mga maliliit na bagay.
Hindi niya ko sinukuan at lagi siyang tumutupad sa pangako.
At higit sa lahat.. Minahal niya ko kahit na pangit ang itsura ko, bagay na ikinagusto ko sa kanya.Tapos, ay itatapon ko lang yun at babalik ako kay Joshua?
No way!
Kahit siya ang first love ko ay hindi na magbabago ang isip ko.
Hindi ko na talaga siya mahal, at pinatunayan ko na yun.
100 % sure na ko doon. Wala nang pag aalinlangan.
Alam ni Ate Tanya at Ate Kim ang tungkol doon dahil sinabi ko yun sakanila. Pati nga si Kuya Ryan at Paul ay alam din dahil naki'isyoso sila saming pag uusap noon.
Si Loiuse nalang talaga ang walang alam tungkol dito.Nasaan ka na kaya? Hanggang ngayon ay di ka pa rin nakikita.
Sana'y walang nangyaring masama sayo. Sana ay ligtas ka.Haay!
Dalawin mo naman ako dito, Nilo!
Mahal na mahal kita, Nilo.
At miss na miss na rin kita.
Alam mo kung gaano kita ka'mahal diba? Alam mo rin na wala na sa buhay ko si Joshua kaya please... Kung ano man ang ikinagalit mo at ayaw mong pumunta dito ay sorry na. Pag usapan natin. Magpakita ka lang.Nang isipin ko yun ay napatingin ako sa t.v napag alaman kong mamayang hapon, pasado alas dos ay darating ang bagyo.
Binalaan na agad ng pagasa ang metro manila na maghanda dahil daw signal number 3 ito, at kasama pa ang mga lugar sa gitnang luzon at kalapit nitong mga lugar.
Sana naman po ay mabilis umalis ang bagyong ito para hindi na makapinsala pa.Kasama ko ngayon dito si Ate Kim at Kuya Ryan. Katulad ko ay nanunuod din sila ng balita pero tahimik lang sila habang sweet na nakaupo at magkaakbay.
Hindi ko tuloy maiwasang maingit!
Nasan ka na ba kasi, Nilo!Pagdating nga nila kanina ay tsismis na agad ang dala nila.
Kaya natatawa tawa ako.Ikinukwento nila sakin ang nangyaring kababalaghan kay Digna kagabi.
Lasing daw kasi ito kasama yung isa niyang kaibigan at nag inuman daw ng brandy at wine, kaya kung ano ano daw ang nakikita. Pinagtatawanan na nga lang daw nilang dalawa dahil para daw talagang tanga kung makatili at makatakbo. Tapos daw ay hinimatay kaya daw nataranta sila Manang Coring at ang iba pang nasa bahay.

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomantizmIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...