JOSHUA POV
Nandito ko ngayon sa Airport. Para sana sunduin si Ate Kim na kapatid ni Kelly.
Oo.
Nagsinungaling ako kanina sa kanya. Gusto daw kasing isurprise ng Ate niya si Kelly kaya nakisakay nalang ako sa gusto niya. Wala namang mawawala e.. Mapapasaya pa namin siya.
Ang alam kasi ni Kelly ay mamayang gabi pa uuwi si Ate Kim pero ang di niya alam, ay ngayong hapon na din.
Haha... Panigurado mag iiyakan yang dalawa na yan at magiging madrama.
Naghintay lang ako dito sa tapat ng kotse ko. At nakasandal.
Sinubukan kong tawagan si Kelly pero cannot be reach.
Inulit ko ulit dahil baka hindi lang niya narinig. Pero tatlong beses na.. Wala pa rin.Kinakabahan ako. Ano nangyari sayo Kelly?. Bakit ayaw mong sumagot?.
Huh?!!
" Wag kang mag isip ng masama!. Malay mo, natutulog lang!" Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Pagkabitaw ko ng mga salitang yon ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya napangiti ako sa pag aakalang si Kelly yon... Pero bigo ako... Si Ate Kim pala.
" Hello, Ate Kim?." Pangunguna ko.
" Asan ka, Joshua?. Nandito na kami sa labas. " sabi niya sa kabilang linya. Kaya ang ginawa ko ay lumingap lingap ako at Ayun!!. Nakita ko siya... May kasamang isang lalaki at isang babae.
" Nakita na kita , Ate!. Puntahan ko nalang kayo. Ibaba ko na yung tawag." Sabi ko saka ko ibinaba at iiling iling na tinungo ang kinalalagyan nila.
Ewan ko, pero may kung ano sa sistema ko ang nagsasabing... May.... Haay!! Ewan ko!. Ayaw kong mag isip ng masama!.
Pagkalapit ko ay nagyakap kaming dalawa ni Ate Kim. Close din kasi kami bago siya umalis.. But don't get me wrong.. Malapit lang talaga kami sa isa't isa.
" kamusta ka na ?!. Haha. Salamat sa pagsundo ha!. "
" Wala yun.. Ikaw pa ba, Ate!. E parang kapatid na rin kita!." Sabi ko.
" Haha.. O.. By the way... This is Ryan.. My Boyfriend. And this is Francine his Sister."
" Hi. Nice to meet you..." Medyo maarteng sabi ni Francine. Nginitian ko nalang siya saka nakipag kamay.
" Nice to meet you, Bro!" Bati ko kay Ryan. Saka siya nakipagkamay at bumati din sakin.
" And... That's all!!. Tara na!. I'm so excited to see my sist'er!!" Sabi niya at medyo may pagkamalanding pagbibigkas sa salitang Sister!.
Natawa nalang si Ryan ng mapatingin ako sakanya. Kaya nakitawa nalang din ako. Saka niyaya silang pumunta sa sasakyan ko.
Buti nalang at naisipan kong umuwi kanina bago pumunta dito sa Airport. At buti nalang din maling susi ang nadampot ko, kung hindi susi ng Van! Naku! For sure kung tamang key ang nadampot ko, hindi kami magkakasya sa kotse ko.
Pagkalagay nila ng mga gamit nila sa compartment ng Van ay biglang nag ring ang cellphone ko.
Manang??
Bakit tumatawag si Manang...
" Hello?."
" Gghhnvjdalgffffc akgf! Nbfgg?!!!" Mabilis na sabi ni Manang at puro sigawan ang naririnig ko sa paligid niya kaya hindi ko maintindihan.
Nakita ko naman na lumapit sakin si Ate Kim at sinasabing, Tara na daw. Pero sumenyas ako na saglit lang at inintay niya ko.
" Manang!! Huminahon nga po kayo!. Hindi ko po kayo maintindihan e!. Ano po ba nangyayari dyan?! At bakit po parang nagkakagulo?! Si Kelly po? Nasan? Kanina ko pa po siya tinatawagan e.. Ayaw sumagot." Sunod sunod na tanong ko din..

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...