PART 26

29 3 1
                                    

KELLY POV

" Kelly... Gusto kong sabihin na.... L.A."

L.A?? Anong L.A?

Los Angeles?

L.A Tenorio?

Anong L.A?

" Matagal ko nang gustong sabihin yun, pero... Di ko kaya. Sorry." Dagdag niya.

Gusto ko sanang sumagot at tanungin kung ano yun pero hindi pwede baka masira yung moment niya.
At baka mapahiya pa siya dahil sa akala niyang tulog ako pero hindi naman.

Ano bang L.A yun? Si Tenorio kaya yun? Pero paano naman masasabing gusto niyang sabihin yun sakin ??

Walang connect!!

Baka naman Los Angeles??

Ay ewan!!

Hinintay ko ulit siyang magsalita pero hindi na siya nagsalita.
Kaya sa di ko namalayan, nakagawa na pala ako ng tulog ko.

Nagising nalang ako dahil naramdaman ko na nakahinto yung sasakyan. Kaya idinilat ko yung mata ko...

Pagkadilat ko ay wala si Nilo sa tabi ko. Tiningnan ko yung mga kasama namin at nandun sila... Natutulog pa rin.

Saan nagpunta si Nilo?

Tumingin ako sa labas at nakita kong nasa gasoline station kami.
Hinanap ng mata ko si Nilo pero di ko siya nakita.

Nakaramdam naman ako ng sakit ng pantog kaya napagdesisyunan ko na lumabas at tumungo ako sa banyo. Hindi naman nila ko iiwanan lalo na si Nilo.

Nang naghilamos ako para kako mahimasmasan yung pagkatao ko, ay nagbalik yung L.A. na sinabi niya.

Anong L.A ba kasi yun? Iyon lang ang paulit ulit kong tanong habang naghahalo halo ang mga salitang pwedeng maging sagot sa iniisip ko.

Paglabas ko ng banyo ay dumiretso ko agad sa sasakyan, pero pagbukas ko noon, ay wala pa rin si Nilo.

Saan ba nagpunta yung lalaking yun? Akala ko ba nagmamadali sila dahil baka maabutan kami ng traffic.

Isinara ko yung pinto nung sasakyan at inayos ko yung balabal ko saka ako tumungo sa isang gasoline boy para magtanong.

" Ahmm... Magandang gabi.. Magtatanong lang sana ko kung nakita mo ba yung lalaking nagmamaneho nitong sasakyan namin?" Tanong ko doon sa lalaki.

" Ay.. Opo. Nandun po siya nakaupo po doon " sagot nito at itinuro yung gawing kanan kung saan mayroon upuan pero medyo madilim.

" Ahh.. Sige. Salamat."

Ano naman kaya ang ginagawa niya doon?

Teka! Baka umiihi ito e sabihin e sinisilipan ko pa.

Makabalik na nga lang sa loob ng sasakyan.

Pabalik na sana ko ng biglang parang hinila ko ng paa ko para pumunta roon sa gawi noon.

Wala na kong nagawa. Kaya sinunod ko nalang ang mga paa ko.

Pagkadating ko roon, ay nakita ko siya na nakaupo, kaya ang ginawa ko ay nilapitan ko siya at tumabi ako sakanya.

" nandito ka lang pala. " pangunguna ko kaya napatingin siya sakin.

" Bakit sumunod ka pa dito? Saka paano mo nalaman na nandito ko?"

" E nawawala ka e... Kaya hinanap kita, sabi nung gasoline boy nandito ka daw kaya pumunta ko dito." Sabi ko sakanya.

" Bumalik ka na doon. Susunod na rin ako. Malamok dito."

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon