PART 18

40 3 0
                                    

KELLY POV

" Oh? Gising ka na pala. " Bungad sakin ni Ate Tanya paglabas ko ng kwarto. Nagmamadali siyang pumunta sa kusina.

Bakit? May ano?

Sinundan ko naman siya. Maliit lang naman ang bahay kaya pagkagaling mo ng sala ay kusina na agad ang itutungo mo.

" May ano, Ate? Bakit parang aligaga ka?" Tanong ko sakanya saka pumunta sa lababo para maghilamos.

" May lakad daw kayo ni Nilo. Kaya nagpaluto sakin ang loko. E pinagbigyan ko na at nakakaawa naman. " sabi niya kaya natigil ako.

Humarap ako sakanya na basa ang mukha saka nagtanong.

" E nasaan siya?" Tanong ko habang pinupunasan ng dahan dahan ang mukha ko ng tuwalya.

" Inutusan ko lang magbayad sa bayan. Baka kasi maputulan tayo ng kuryente, mahirap na. Pero, parating na rin siguro yun kani kanina pa siya wala e." Paliwanag niya habang ako ay umupo sa upuan.

" E bakit daw kailangan pa ng ganyan? Outing ba?" Tanong ko kaya natawa siya.

" Ewan ko ba sa lalaking yun. Ang gusto e ipagluto ka pa dahil dadalhin ka ata sa burol. "

" Burol?" Pag uulit ko.

" Oo. Naku! Tahimik doon at masarap ang simoy ng hangin. Doon nga kami naglalaro nung mga bata palang kami e. Yun nga lang.... Nakakamatay ang katahimikan doon. Wala kasing masyadong nagpupunta doon. " Paliwanag niya kaya medyo nangiti ako.

Maganda pala doon e. Makakapag isip ako ng matiwasay. Kapag pala kailangan kong mapag isa pwede akong pumunta doon. Kaso? Hindi kaya delikado para sakin ang magpunta doon mag isa kung sakali man?

" Maligo ka na kaya? Kasi yung sasama sayo kanina pa nakapag bihis. Atat na atat magpunta sa burol. Haha" sabi niya sakin, hindi ko naman binigyan ng kahit na anong malisya ang pagiging maaga sa pag gayak ni Nilo. Inisip ko nalang na, baka gusto rin niyang magpunta doon.

Haay!!

Palaisip ka kasi ng kung ano ano Kelly e. Paano mapapanatag ang isip mo kung... Kung ano ano ang pinag iiisip mo!

" Sige, Ate. " sabi ko sakanya saka tumayo pero hindi pa man nakakalayo ay may naalala ako.

" Ay, Ate. Paano nga pala yung leche flan? Diba sabi mo tayong dalawa ang magdadala nun?" Tanong ko sakanya.

May umorder kasi sakanyang kakilala niya at umorder ng saksakan ng dami. Ewan ko! Pero masaya kong na'appreciate nung babaeng yun yung ginawa ko.

" Ano ka ba? Ako nalang ang magdadala o kaya makikisuyo ako kay Caloy para dalhin doon, tutal may tricycle din naman siya babayaran ko nalang siya. Sige na. Wag mo nang alalahanin yun." Sabi niya kaya nginitian ko nalang siya at kumuha na ko ng damit na pinahiram nila sakin sa kwarto ko saka ako lumabas ulit at pumasok sa banyo.

Habang naliligo ako ay nakapa ko ang mukha ko na minarkahan na ng sunog. Magspang na ito hindi tulad ng dati na makinis. Pangit na ko hindi katulad ng dati na kahit hindi pagkaguluhan atleast may maipagmamayabang akong mukha sa tao.

Nang maalala ko ang nangyari sakin ay naalala kong bigla ang ahas na sinasabi ng matanda.

" Anong ahas ang sinasabi niya? " bulong ko sa sarili ko na wari'y may kausap.
" Anong tamang term na tanong kaya ang pwedeng gamitin? Ano? O.... Sino?" Dagdag ko, kaya napatulala ako habang ang tubig ay ipinapatak ko sa sarili ko sa pamamagitan ng tabo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako. Pantalon saka simpleng t-shirt lang. Kay Ate Tanya lahat ng suot ko. Hindi kasi kasya sakin yung kay Mabel kahit sabihing maliit kaming parehas.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon