PART 21

30 3 0
                                    

KELLY POV

Pagkagising ko agad kong iniligpit ang pinaghigaan ko.

Medyo tanghali na rin kasi kaya binilisan ko ang kilos ko para makatulong naman kahit papaano sa mga gawaing bahay.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko yung bestfriend ni Nilo. Kumakain siya.

" Uy, Good Morning. Halika! Kain ka na." Bati at anyaya niya sakin ng makita niya ko.

Ngumiti lang ako saka ako dumiretso sa lababo para maghilamos at mag toothbrush.

Habang ginagawa ko ang ganoong bagay ay bigla siyang nagsalita.

" Wala si Nilo, namasada na siya. Si Mabel naman kasama yung boyfriend ata niya yun. At si Labidabs ko, nasa karinderia na." Sabi niya kahit di ko naman tinatanong.

Hindi nalang ako sumagot at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

" Nga pala, Kelly. Ahmmm... Pasensya na sa nangyari kahapon, nagulat lang kasi ako kaya ako napasigaw. Pero hindi ko naman intensyon na matakot sayo. Nagulat lang talaga" paliwanag niya.

Sakto namang natapos ako sa paghihilamos ko at pagsisipilyo kaya nagsalita na ko. Baka sabihin nito, kababae kong tao tapos bastos akong makitungo sakanya

" Okay lang yun. Wag mo nang isipin yun. Nakakagulat naman talaga yung mukha ko e." Sabi ko sakanya.

" Pero hindi naman ganyan ang itsura mo noon diba? Hmm... I mean, Naikwento na kasi sakin ni Mabel ang nangyari kung bakit ka napunta sa lugar na to. Wag mo sanang masamain kung magtatanong ako?"

" Ano ba yung itatanong mo?"

" Ahmm... Maganda ka ba dati. What i mean is... Nung hindi pa nangyayari yung aksidente."

" Ayaw kong magsalita about sa itsura ko, wala akong litrato ko noon na pwede kong ipakita." Sabi ko sakanya. Ayaw ko kasing magbigay ng opinyon about sa itsura ko noon, baka kasi mamaya sabihin kong maganda ko e matawa pa siya dahil sa baka isipin niyang makapal ang mukha ko.

" Pero feeling ko... Maganda ka. "
" Wag mong palakihin ang ulo ko." Biro ko sakanya.

" totoo nga! Hindi ka naman magugustuhan---" sabi niya pero di niya tinuloy at hinawakan niya ang bibig niya.

Tiningnan ko naman siya nang nagtataka saka ako nagtanong.

" Ano kamo? "

" Ahhmm.. Wala. Wala. Sabi ko kumain ka na. Tapos na ko e, sige bye. Sa labas lang muna ko." Sabi niya habang nag mamadaling naghugas ng kamay saka lumabas.

" Anong nangyari dun?" Tanong ko sa sarili ko saka ako naupo sa upuan sa may lamesa.

Ano yung sinasabi niya kanina? Actually, hindi ko masyadong narinig e... Pero sa pagkakaintindi ko... "Hindi ka naman magugustuhan?" Tama ba? Yun nga ba yung sinabi niya o yun lang yung pagkakarinig ko.

Ang weird naman niya. May topak ata tong lalaking to e.

Iiling iling nalang akong kumuha ng pinggan saka ako kumain. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang lahat ng pwede kong iligpit saka inurong ang mga pwedeng urungin.

Ngayon ay nagwawalis naman ako nang maulinigan ko ang ugong ng tricycle ni Nilo. Ewan ko sa sarili ko kung bakit may pintuan naman pero sinilip ko siya sa awang ng bintana na natatakpan ng kurtina.

Magkasama sila ni Paul. Mukhang masaya silang parehas dahil nagtatawanan sila.

Naku! Palapit na sila! Saglit..

Agad agad akong kumilos at nagwalis sa gilid kung saan ako nakatayo para di ako mahalata.

" Haha Gago ka pare! Puro ka kalokohan." Bungad na sabi ni Paul nang makapasok sila sa pintuan.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon