PART 25

26 3 0
                                    

KELLY POV

Nandito ko ngayon sa sala. Kasama ko sila ate Tanya at Mabel. Yung tatlong lalaki kasi, wala. Hindi namin alam kung saan nagpunta.

May bibilhin lang daw pero hanggang ngayon ay di pa bumabalik.

Kinakabahan ako, pero nilalabanan ko. Narinig ko kasi na.. Nakalaya na pala yung bumugbog kay Nilo. Natatakot akong baka mamaya ay magkaroon nang engkwentro sa pagitan nila at magkagulo.

Wag naman sana.

" Ilang days daw tayo doon, Ate?" Pagbabasag sa katahimikan ni Mabel.

" Di ko alam e. Pero siguro pag nag enjoy... Magtagal diba?. "

" Tama! Naku! For sure! Magagamit ko na yung two piece ko! At yung sunblock ko!" Sabi ni Mabel kaya napatingin kaming dalawa sakanya.
" Asar kayo makatitig ha!"

Natawa naman kami sa sinabi niya.

" Nga pala Kelly.. Bakit parang di ka ata mapakali?" Tanong ni Ate Tanya.

" Ah... Wala Ate. May iniisip lang ako."

" wag mo nang isipin yun! In 5 seconds nandyan na yun!" Sabi ni Mabel at hindi ko maintindihan yun.

Sino ba ang tinutukoy niya? Si Nilo?

" 1 "

" 2 "

" 3 "

" 4 "

" 5 "

Bilang nilang dalawa ng pasalitan. Pagkasabi nila ng bilang na yun ay may narinig akong isang sasakyan na huminto sa labasan. Hindi iyon tricycle dahil hindi naman malakas ang ugong nun, smooth lang pero dinig ko.

" I told ya!" Sabi ni Mabel saka lumabas dala dala yung mga gamit niya.

Teka!! Paano nilang nalaman yun? May Powers ba sila?

" Tara na. Nandyan na sila." Aya sakin ni Ate Tanya.

" Sige susunod na ko, Te." Sabi ko saka siya lumabas. Ako naman ay sinimulan kong kuhanin ang gamit ko.

Hindi naman mali tong pagsang ayon kong sumama sakanila diba? Hindi porket ganito ang itsura ko at pinagdaraanan ko, ay hindi na ko pwedeng makibagay at makisaya sakanila.

Tama lang talaga ang desisyon kong sumama sakanila. Less stress.

" Tulungan na kita. Akin na." Sabi ni Nilo na hindi ko napansin na pumasok sa loob ng bahay.

Hindi na naman ako nagpumilit pa at ibinigay ko na agad sakanya saka ako nagpasalamat.
Ngiti lang ang ibinigay niya sakin.

Paglabas namin ay nakita ko ang isang van. Teka?? Iyon ba ang sasakyan namin?

Malamang diba!?

" Inarkila niyo?" Tanong ko sakanya. Habang inilalock niya ang pintuan ng bahay.

" Hindi. Kay Paul yan. Kaya lang kami nagtaggal dahil hinintay pa namin yung driver na makasakay ng bus papauwi. " paliwanang niya.

" Ha? Bakit?"

" Yung driver nila Paul ang nadala ng van na yan dito. At ang utos ng Mama ni Paul. Sumama siya satin, pero lokoloko tong si Paul. Kinausap niya na wag sumama."

" E baka naman mapahamak yung driver? Kawawa naman. Baka mawalan ng trabaho." Sabi ko sakanya.

Sa pagkakataong ito ay tapos na siyang mag lock ng pinto. Kaya nakatingin siya sakin habang dala dala na niya yung gamit ko, at gamit niya.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon