PART 68

22 1 1
                                        

DIGNA POV

Alam ko yung isyu dito sa bahay, na ayaw nila Tito Enrico na makatuluyan ng anak niya si Kelly. Kaya ang ginagawa ko bilang ako si Kelly ngayon sa paningin nila, ay nagpapa impress ako. Lahat talaga ay ginagawa ko at sinusubukan ko para lang matuwa siya sakin.
Ayaw kong ayawan ako ng daddy niya lalo na't alam kong mabilis at madali lang pala itong mauto.

Wala si Joshua ngayon. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta ng daddy niya, pero ang alam ko ay sa opisina nila. Yun ang nadinig ko kagabi. Pero di ko sigurado..
Hinahanda na daw niya si Joshua sa paghawak ng kompanya dahil ipapamana na daw niya ito sakanyang kaisa isang anak.

Natutuwa naman ako dahil, hindi talaga nasayang ang mga pagod ko sa pagpapalusot at pagpapanggap dahil may pinuntahan na ang lahat ng ito.

Haay!! Ang sarap ng buhay ko! Yung alam kong, akin na si Joshua, at ang lahat ng sakanya, na hindi naaagaw pa ng iba at kung sino pa! 

Buti nalang talaga at hindi na bumabalik yung mga bwiset na yun. Natakot nila ko noong gabing pumunta sila dito. Buti nalang at di pa rin naniwala si Joshua sakanila.
Yung bwiset namang kapatid ni Kelly, muntikan na kong ibuking! Buti nalang at ayaw ni Joshua maniwala at magtiwala sa mga taong yun. Haha.

Ako pa rin ang nagwagi sa huli! Haha.
Napakasaya ko nga kasi... May nangyari na samin ni Joshua, at di magtatagal ay alam kong may mabubuo na saming pagmamahalan at lalo na sa nangyari samin nung isang araw.

Ang problema ko nalang ay kung paano patatahimikin yung Mika na yun para tigilan na kami ni Joshua, dahil si Kelly ay napatahimik ko na. Hindi na siguro babalik yun dahil sa nasaktan na siya dahil hindi siya pinili at pinaniwalaan ng pinakamamahal niya.

" Ate Kelly? " biglang sabi ni Francine habang may dala dala siyang illustration board, pencil at iba pang material na sa tingin ko ay ginagamit pang drawing.

Nagpatay malisya muna ko at hindi nagpahalata na nakikita ko yung hawak niya.

" Oh?" Walang ganang sagot ko dahil sa totoo lang ay wala talaga akong oras makipag usap sakanila. Napipilitan lang talaga ko dahil nga ayaw ko mag mukhang masama sa paningin nila.
Alam ko naman at nakikita ko na mabait sila pero, ayaw ko pa rin sakanila. Hindi ko naman sila kaano ano.

" Nasabi sakin ni Ate Kim na sanay ka daw mag drawing saka mag painting? Pwede mo ba kong idrawing? Landscape lang naman e.. Kahit anong subject basta landscape."

" Ha?" Gulat kong tanong sakanya. Nabigla talaga ko sa nirerequest niya.

Hindi ko kaya yun!

" Sige na, Ate Kelly. Please... "

" Ahh... Wala ako sa mood e, hindi ko rin matatapos at mapapaganda yan..." Pagpapalusot ko pero hindi effective.

" Sige na, Ate. Ngayon lang ako hihingi ng favor sayo e.. Hayaan mo! Kapag ikaw naman ang humingi ng favor.. Gagawin ko para sayo! Sige na.. Please.." pagmamakaawa niya. Ano ba yan! Parang bata na ewan!

Anong gagawin ko! E hindi naman ako sanay mag'drawing! Saka?? Anong landscape ba yung sinasabi niya?

Di ko gets!

Tang'na! Bakit ba kasi hindi ako tumanggi agad! Dapat pala tinarayan ko na to e! Kaso magtataka na naman sila.

Ano ba yan! Nakakainis!

" Francine? Ako nalang ang magdo'drawing para sayo. Mukhang hindi kasi kaya ng Ate Kelly mo ang magdrawing."

Hindi ko alam kung pasasalamatan ko o mabibwiset ako kay Lambert sa sinabi niya. Alam ko kasing mayroon siyang ibig ipinahihiwatig doon.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon