DIGNA POV
Paninindigan ko talaga na ako si Kelly. Wala nang makakapigil sakin. Mananatiling sikreto to. Mananatiling akin ka lang Joshua. Mananatiling akin lang ang mundo mo.
Hindi ko naman gustong mangyari to, pero nagpapasalamat ako na kahit muntikan na kong mamatay ay maganda pa rin ang kinalabasan nito. Naangkin ko na yung buhay ni Kelly, na sakin pa si Joshua.
Kung sino ka mang magnanakaw ka na gumawa sakin nito. Dalawa lang ang masasabi ko sayo.
Putang Ina mo! At maraming salamat sayo.
Naiintindihan ko kung bakit gusto nilang bumalik dito sa lecheng pilipinas na to. Gusto nila kong bigyan ng hustisya? Haha. Salamat sa inyo dahil kahit di niyo ko kilala talaga inaasikaso niyo ko.
Pero sana. Patay na talaga ang totoong Kelly. Ayaw kong magkaroon ng karibal. Akin na siya at hindi na siya maaagaw pa ng iba pa kahit na ang tunay na Kelly ka pa.
Dadaan ka sa mga kamay ko bago ka manalo.
Gusto kong matawa dahil paniwalang paniwala sila sakin. Gusto ko ring matawa dahil pare parehas silang naguguluhan sa kinikilos ko.
Talagang sinasadya ko yun, dahil alam kong hindi naman nila malalaman ang totoo dahil sa sobrang lakas ng pagsabog noon at hindi na nakalabas pa si Kelly alam kong lasog na ang buto noon at nasunog na. Kahit walang pruweba alam kong wala siyang ligtas doon.
Haha...
Ang tanga rin nila para maniwala na kinuha nang dalawang lalaki ang matalino at magandang si Digna?
Hahaha!! Mga abnormal! Nasa harap niyo ang hinahanap niyo hahaha..
Pero nakaka tuwa na may malasakit pa silang hanapin ako para mabigyan ng hustisya.
Haay!! Nakaka enjoy umacting. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang play ako. At ang character ko ay isang magaling at mapagpanggap na bida. Hahaha..
Pagkadating namin sa bahay nila Joshua ay hindi na ko nakipag daldalan pa sakanila dahil na iinis ako sakanila. Ang dami nilang guatong ikwento ko at ang dami nilang tanong. Nakakarindi!
Kaya kinabukasan, pagkagiaing ko ay di ko maiwas mangngiti. Dahil parang ako na talaga si Kelly kung gawin nilang prinsesa at alagaan nila.
Unang araw ko ulit ito sa pilipinas kaya tinawagan ko ang kaibigan kong si Denise. Sinabi kong magkita kami. Noong una ay natakot at nagulat pa siya dahil ang alam daw niya ay patay na ko. Pero sabi ko sakanya na wag ipagsasabi at magkita nalang kami saka ko ikekwento ang lahat. Wala namang nakakakilala sakanya kahit sino sa mga kasama ko dito. Hindi ko rin naman nababanggit sakanila na may kaibigan ako sa labas nang bahay ni Kelly noon. Ang alam nila katulad ako ni Kelly. Walang kaibigan at si Joshua lang ang laging kasama. Huh! Ikumpara ba naman ako sa babaeng yun!
Haha nakakatuwa. Welcome sa bored na bansang to! Sana matapos na yung imbestigasyong gusto nilang malaman para makabalik na ng France! Mas maganda doon, mas malamig. At pag nanatili ako roon, ay gagaling akong mag english. Saka magiging mayaman pa ko nang husto dahil lahat nang gusto ko makukuha at mabibili ko.
" Kelly. Umaga na. Bumaba ka na para makapag breakfast ka."
O diba! Infairness! Dati ako ang nagsisilbi sakanila. Ngayon ako ang pinagsisilbihan nila. Haha. Ibang iba talaga ang pagkatao mo Kelly. Nakaka enjoy maging ikaw! Haha.
" sige! Bababa na ko, Manang! "
Pagkababa ko ay nakita ko silang nagtatawanan at nagsisimula nang kumain kaya lumapit ako sakanila at naupo sa tabi ni Joshua.

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...