NILO POV
" ewan ko sayo, Pare! Napakatanga mo!" Galit na sita sakin ni Paul.
" Bakit ba kasi? Kanina ka pa tanga ng tanga sakin ha! Ano ba problema mo?" Nagtataka kong tanong habang pinipigilan din ang sarili kong huwag mainis.
Paano naman kasi, bigla nalang gumaganun. Asar!
" E Paano naman kasi... Ginagawan na nga kita ng paraan para masolo mo siya at para makapag bonding kayo ng husto tapos... tapos... Ay basta! napakatanga mo! Bibigyan mo pa siya ng pagkakataon kung sakaling makita nga niya yung lalaki. E paano kung mangyari yun? Magkita sila? E di hindi siya kasama satin? Napakatanga mo!" Nang gagagalaiting paliwanag niya.
" E baliw ka pala! Sino ba nagsabi sayong ilapit mo ko sakanya? Saka sino ba nagsabi sayong gusto ko siyang masolo? Wala naman diba? Saka... Matagal na niyang gustong makasama ang pamilya niya." Sabi ko sakanya.
" oo nga! Nandun na nga ako sa point na yun! Pero pare... Bestfriend kita! At ang gusto ko... Maging masaya ka kahit sa sandaling panahon lang..." Sabi niya pero di na ko sumagot.
" Nakikita ko kasi sa mga mata mo na.... May gusto ka sakanya... Kahit hindi mo sabihin sakin ng diretso. Alam ko. At nararamdaman ko, Danilo. " dagdag niya." Hindi nga pwede. May boyfriend siya at ayaw kong manira ng ibang relasyon. Okay?"
" So, inamin mo rin na may gusto ka nga sakanya! Pare! Iba na takbo ng panahon ngayon sakanya! Posibleng may mabago---"
" Pero malaki rin ang posibilidad na walang mabago." Pagputol ko sa sasabihin niya.
" Bakit ba lagi ka nalang kontra pagdating dyan sa ikaliligaya mo? Ayaw mo bang maging masaya?" Tanong niya sakin.
" Masaya naman ako ha."
" Masaya? Gago! Masaya ka dahil sa nararamdaman mo ngayon! Kasi tinatago mo sa sarili mong nagmamahal ka! Pero kapag yang mga pinaggagagawa mong yan ang dahilan para mawala sayo ang kaisa isang kasiyahan mo! Ewan ko nalang kung saan mo pa makukuha yang mga sinasabi mong yan!"
Tatay ba kita? Kung makapangaral ka ha?
Hindi ko nalang ulit siya pinansin dahil nasasaktan at natatauhan din ako sa mga sinasabi niya.
Alam kong mali ang mang agaw ng pagmamahal ng iba. Alam kong mali ang magmahal ng taong may mahal na at may nagmamahal na sakanila, pero hindi ko naman mapipigilan ang puso ko.
Paulit ulit ko nang sinasabi ito. Pero di ako magsasawa...
Sa loob ng halos isang buwan na kasama ko siya, bigla nalang nagbago ang paniniwala ko pagdating sa pagmamahal.Pero, ayaw ko pa rin maging dahilan ang ganitong sitwasyon para masira ko ang isang tiwalang binigay sakin ni Kelly.
Nangako ako sakanya na tutulungan ko siya hanggang sa huli. Hanggang sa makita niya ang pamilya niya at si Joshua. At syempre... Ang pangakong tulungan siya sa pagpapaliwanag na siya si Kelly kung hindi man siya makilala ng mga ito.
Kaya... Sorry. Dahil sa pagkakataong ito, isasantabi ko ang lahat lahat ng pwede kong ikaligaya para sa sarili ko, alang alang sa ikaliligaya at ikasasaya ng taong minamahal ko nang hindi ko alam kung saan nagsimula, at kung bakit ko siya minahal agad agad.
" Matulog na tayo."
" Ay ewan ko sayo! Sana lang talaga magkaroon siya ng amnesia para hindi na niya maalala yung taong yun. At para makaporma ka na ring torpe ka!" Sabi niya saka tumayo sa kinauupuan niya.
" Dami mong alam."
" Dami mong anggal at palusot, Abnormal ka!" Habol na sagot niya saka tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...