NILO POV
Malignant Brain Tumour.
Haha!
Gusto kitang tawanan dahil sa dami ng taong pwede mong bigyan ng punyetang sakit na yan ay ako pa ang napili mo!!
Punyetang buhay to!
Kaya pala may sira minsan ang paningin ko. Laging masakit at hindi maipaliwanag ang kirot ng ulo ko. At kaya pala lagi akong nabubuwal.
Iyon pala ang sintomas noon.
Sabi sakin ng doktor, meron pa daw maglalabasan na sintomas na hindi ko gugustuhin.
Sabi ko agapan niya, kaso.. Malabo raw. Oo. Maagapan niya pero babalik naman daw.
Alam kong walang nabubuhay sa Cancer. Kaya wala na kong pag asa.
Kanina nung ipagtabuyan ako ni Kelly, akala ko sakit ng puso ang mararamdaman ko, pero hindi e. Nang itulak niya ko bigla nalang bumalik ang sakit ng ulo ko. Sobrang sakit.
Mas masakit pa sa pakikipag hiwalay niya sakin.
Ayaw kong magpakita kay Kelly. Nahihiya ako. Ayaw kong malaman niya ang lagay ko.
Ayaw kong balikan niya ko dahil lang sa kinakaawaan niya ang lagay ko.
Pero..
Alam kong hindi pa naman kami hiwalay, pero kailangan kong lumayo sakanya kung sakaling magkita kami. Ayaw kong malaman niya ang tungkol dito.
Gagaling ako. Gagaling ako nang hindi niya nalalaman na nagkasakit ako.
" Ahem! Ahem! Ahem!!"
Mga paulit ulit na lumalabas sa bibig ko at parang ibig kong masuka. Kanina pa to, pero di ko iniinda. Alam kong kapag isinuka ko ito nang tuluyan ay isa na namang sintomas ito.
Ayaw ko na! Nahihirapan na ko! Ayaw kong maging pingkolyo. Gusto ko gagalaw ako sa buhay ko.
Haay!!
Nandito na ko sa bahay. Pumayag naman ang doktor na umuwi ako, basta daw bumalik ako sakanya every week at kapag mayroon akong naramdaman.
" Nilo. Matulog ka na." Sabi sakin ni Ate pero nginitian ko lang siya.
Kinuha ko yung gitara ko saka ko inilabas ang wallet ko.
Siguro.. Dapat ko nang matapos yung kanta ko bago pa man ako lubusang mawala sa katinuan.
Pinatugtog ko yung gitara gamit ang mga daliri ko.
Sinadya kong habaan ang intro noon dahil para sakin ay napakasakit ng naririnig ko.
Gusto ko lang maramdaman ang mas masakit na pakiramdam para maisulat ko ang lirikong isusunod ko sa naputol kong kanta para mapaganda ko ito lalo.
Inisip ko si Kelly, yung nangyari kanina. Hiwalay na kami.
Yung sakit ko.
Si Mabel.
Yang Tatlong yan ang pinaka masakit sakin ngayong mga panahong to.
Kaya inisip ko sila.
Kumuha ko ng ballpen at papel saka ako nagsulat.
Ewan ko pero mabilis tumakbo ang utak ko para makapag isip ng tamang liriko doon.
Nanlalabo ang paningin ko pero wala akong pakielam.
Tatapusin ko itong kanta ko.
Nasasaktan ako e..
Kaya.. Kailangan kong tapusin.
Haay...
Nang matapos ko iyon ay tinipa ko ulit ang intro, pero naputol iyon dahil may naisip ako.
Ginising ko si Paul at kahit na pupungas pungas ay nagawa niyang bumangon para sa request ko sakanya.
Alam ko na darating ang panahon na hindi ko na to magagawa dahil sa ospital na ko maninirahan sa panahong iyon.. Kaya hangga't maaga ginusto kong makauwi. Mamimiss ko tong bahay e.. Kasi alam ko.. Mamamatay na lang ako sa ospital at hindi ko na to makikita.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...
