NILO POV
Wala namang nangyaring maganda o di maganda nang nagdaang oras kahapon, basta bago magpakita ang buwan at bituin ay napagpasyahan ko nang matulog. Hindi na ko nagaksaya pa ng oras para kumain ng dinner, feeling ko kasi ay tumataba ako kakakain ng masasarap na pagkain dito.
Ngayon ay tanghali na.. Talagang sinadya kong wag bumangon ng maaga dahil tinatamad ako. Hindi ko alam kung bakit.
Gusto kong makita si Kelly, pero sa twing maaalala kong kasama niya si Loiuse na pinsan ni Paul at bestfriend ni Kelly, ay nagbabago bigla ang isip ko.
Noong una sabi ko, wala namang problema kay Loiuse dahil sa maayos naman itong tingnan at mukhang mabait naman, napagtibay ko pa nga ang paniniwala kong iyon nang malaman kong magbestfriend sila ni Kelly. Hindi naman kasi magkakaroon ng bestfriend si Kelly na salbaheng tao. Dahil sa halos isa't kalahating buwang pagsasama namin sa iisang bubong nakabisado ko na ang ugali ni Kelly, at hindi iyon nagbabago patungo sa masamang katangian.
Nasabi ko pa nga sa sarili ko na... Ano kaya ang problema ni Paul kay Loiuse? Mabait naman ito? Maganda? At mukhang close pa nga sakanya ito dahil madaming pasalubong sakanya? Pero bakit nung nalaman niya na uuwi ito from states ay parang ang mean'mean ng dating niya at ayaw niya talaga itong makita dito....
Yun pala, kaya siya ganun... Ay may taglay din pala itong kayabangan at kaartehan talaga. Mga bagay na ayaw ni Paul sa isang tao. At ayaw ko rin naman talagang katangian ng isang tao.
At ngayon, kaya ako umiiwas dahil narinig ko siya kahapon sa lakas ng boses niya na... She likes me, yun ang sabi niya kay Kelly. Nakita ko pa nga ang mga reaksyon ni Kelly kahit sa malayo, at sa pakuwari ko'y... May ipinipilit siya.
Haay!!
Sa hina ng boses niya nung time na yun, ay wala akong naintindihan. Sa pakiramdam ko'y itinutulak pa niya ko sa babaeng yun.
Ayaw ko nga! Kung si Carol nga na maganda at sexy di ko pinatulan ee, yung mga babaeng humahabol sakin na sobrang kikinis, di ko pinansin... Siya pa kaya na made from states?
Isa lang namam ang gusto ng puso ko. At alam ko kung sino yun. At kailanman.... Hindi yun magbabago. Yun nga lang.... Mukhang pinagtatabuyan pa ko papunta sa ibang babae... Pero sabagay... Di ko naman siya masisisi... May boyfriend siya at hindi malabong gusto niya lang na maging masaya ang bestfriend niya dahil matino akong tao.
Tatayo na sana ko ng biglang parang may naramdaman akong papasok sa kwarto namin. Narinig ko kasing may nagpasok ng susi doon sa doorknob.
Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit kinailangan ko pang magtulugtulugan.
Pagpasok niya ay pinakiramdaman ko siya.
Noong una ay walang nagsasalita pero noong mapagdesisyunan kong tumayo na ay naramdaman kong dalawa sila na kasama ko. Kapapasok lang nung isa...Hala! Hindi nagsasalita? Usually ay maingay si Paul kapag pumasok sa kwarto namin.
Magnanakaw kaya ito??? Hala!!
Teka!! Ano gagawin ko!!Wait... Sanay naman akong dumepensa para sa sarili ko ee.. Kung lalaban sila makakalaban din ako.
Tama!! Pero... Paano kung may patalim o baril??
Hala!! Wala akong laban!!
"Paul! Talk to me naman!" Isang boses na nagpawala sa nerbyos ko. Boses ni Loiuse yun.
Ibig sabihin... Silang dalawa ni Paul yun... Pero bakit di nagsasalita si Paul???
Baka na badtrip kay Loiuse??

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...