NILO POV
Ngayon ang operasyon ni Kelly para mapaayos na ang kanyang mukha. Ayaw ko sanang mangyari ito pero kailangang maibalik ang dating siya.
Minahal ko siya sa itsura at ugali niya, pero ngayon ay mababago ang itsura niya at pwede din ang ugali niya.
Paano na ko?
Paano na ko kung mapagtanto niyang mahal pala niya si Joshua?
Lalayo na ako? Ganoon ba?
Pero, sabi naman niya sa akin ay wala na kong dapat ipangamba.
Nasa akin na daw kasi ang puso niya at hindi na daw niya yun bibitawan kahit ano pa ang mangyari.Naniniwala naman ako sa sinabi niya, pero wala pa rin akong tiwala sa tadhana. Pwede kasing pagtagpuin ang mga landas nila ni Joshua, at pag nangyari yun... Pwede silang magka inlove'an ulit.
Lagi ko kasing tinatandaan na, nagkakilala silang dalawa sa ganoong itsura at personality ni Kelly.
Nagkahiwalay sila dahil sa isang pangyayari na nagpabago sa itsura ni Kelly.
At ako... Noong sunog at kinatatakutan si Kelly, ay ako ang nagmahal sakanya.
Pero ngayong ibabalik na ang dating siya, ay pakiramdam ko na... Mawawala siya sakin at babalik siya sa dati niyang nobyo.Kinakabahan ako at natatakot.
Ang dami nang bumabagabag sa utak ko tapos idadagdag pa ito.Ayaw ko nang may mabawas pa sa pamilya namin, ayaw ko nang may magbuwis pa ng buhay sa mga kaibigan ko.
Kalilibing lang ni Caloy nung isang araw at hanggang ngayon ay sariwa pa rin samin ang lahat.
Mahirap tanggapin ang pagkawala niya lalo na't napalapit na siya sakin ng husto.
Kung kailan ko siya pinayagan maging parte ng pamilya namin ay saka naman siya sumuko para maging isa sa miyembro nito.Kasalanan ito ng demonyong lalaking iyon e! Hindi ko siya kilala pero makikilala kita pag nakita ko yang plate number mo na yan!
At sa oras na mangyari iyon ay ako mismo ang pupunta sa mga pulis para makulong ka na at mapagbayaran mo ang ginawa mo kay Caloy at sa iba pang nabiktima mo!Pero, hindi pa dyan natatapos ang problema. Dahil limang araw na mula nang nawawala si Loiuse at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Malakas ang kutob ko na napahamak na ito, pero ayaw ko pa ring isipin ang bagay na iyon, dahil ayaw ko nang mayroon kaming pagburulan ulit. Alam ko naman na ginagawa na ng mga pulis ang lahat para mahanap lang si Loiuse. Paghihintay lang ang kailangan naming lahat. Lalo na si Kelly.
Nakaupo lang ako dito sa may labas ng ospital. Hindi ko kasi kaya ang paligid na nakikita ko sa loob ng ospital. Pakiramdam ko habang nandoon ako ay sinasakal ako. Hindi ko masikmura ang amoy doon dahil pakiramdam ko ay nakakapit sakin ang amoy ng dugo ni Caloy nang dalhin ko siya dito sa ospital na ito.
At ngayon ay si Kelly naman ang posibleng nasa kapahamakan dahil nasa loob siya ng operating room.
Ayaw kong mag isip ng masama at ayaw kong may masabing hindi maganda kaya hangga't maaari ay nililibang ko ang sarili ko.Mahal ko si Kelly at ayaw ko siyang mawala sakin. Sa maikling panahon na yun, ay napatunayan ko ang nararamdaman ko. Siya lang naman ang walang kasiguraduhan e.. Pero tanggap ko naman iyon. Dahil alam ko ang sitwasyon niya.
Yun nga lang, mahirap para sakin dahil alam kong, pwede niya kong balewalain sa oras na bumalik si Joshua at malaki ang posibilidad na mangyari iyon.Magpaparaya na lang ako.
Yun naman talaga ang papel na gagampanan ko.Haay!!
Bakit kasi ikaw pa ang minahal ko. Bakit umibig pa ko sa katulad mo na may relasyon na. Nahihirapan tuloy ako kakaisip sa mga bagay na posibleng mangyari.
Lagi nalang iyan ang pinaglalaruan ng utak ko.
Haay!! Bahala na! Malulutasan ko naman ito. At alam kong.. Piliin man ako ni Kelly o Hindi... Magiging masaya pa rin ako. Dahil naging parte siya ng buhay ko at ako ay naging parte ng buhay niya.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomantikIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...