PART 43

29 1 0
                                    

NILO POV

Dumaan ang maraming oras na natili lang ako dito sa kwarto.

Nang minsang pumunta dito si Paul, ay napagalaman kong hinahanap daw ako ni Kelly. Sinabi nalang niya na natutulog pa ko.

Wala naman akong ibang ginawa dito sa loob ng kwarto kung hindi mag isip ng isusuot ko at mga gagawin ko. Para nga akong tanga dahil kapag may naiiisip ako ay pinapractice ko talaga. At kunwari si Kelly yung malaking display na halaman dito.

Buti nalang talaga at may sariling banyo dito at dinadalhan ako ng pagkain nila Caloy. Pero palihim lang daw. Baka daw kasi mahalata na may plano silang mabubuking nila.

Nasabi rin nila sakin na nagpaluto sila ng masasarap na pagkain pero ang dinahilan nila sa mga kasama nin ay paluto lang yun ng isang kaibigan sa isa sa mga katiwala ng resort.

Naniwala naman sila dahil kinutsaba pala nila yung mga trabahador dito.

Bilib talaga ko sa abilidad at utak mo, Paul! Wala akong masabi.

Ngayon, ay gabi na. 7 pm na. Nakabihis na rin ako ng pormal pero hindi ko maiwasang maguluhan kung ano talaga ang bagay kong susuutin saka yung sa style ng buhok ko, di ko alam kung ano ang susundin ko.

Bahala na! Okay na ang gamitong ayos ng buhok! Okay na rin tong damit na to, para hindi halatang hindi ako masyadong excited.

"Pare, mag ready ka na! Okay na! Lasing na sila. Hinatid na naming dalawa ni Caloy sa mga kwarto nila. Okay na ang foods! Okay na ang venue! Si Kelly, pinuntahan na ni Caloy. E ikaw? Still nervous or still happy?? "

bungad sakin ni Paul pagkapasok sa Kwarto namin.

Grabe! Talagang nagawa nilang painumin ang Ate ng alak para lang sakin?

Ibang klase!

" Ano? Ready ka na ba? Gwapong gwapo ang dating mo ha! Hanep! Ang bango nama ng bestfriend ko! Para kang mag aanal ng binyag ha!" Natatawang sabi niya.

" Loko! Lasing ka na!" Biro ko sakanya kaya parehas kaming natawa. Inakbayan niya ko saka sabay sabing..

" Hindi ako malalasing lalo na't alam kong kailangan ako ng bestfriend ko. Lalaban tayo para sa puso mo!" Sigaw niya kaya lalo kaming natawa parehas.

" Gago! Haha... Pero... Paul! Salamat ha." Sabi ko sakanya. Tinapik naman niya ko sa balikat at sinabing wala iyon.

" O? Ano? Sino ba dapat mauna sa meeting place? Ikaw o siya?"

" ako."

" O e ano pa hinihintay mo? Lakad na! Nakakahiya kay Kelly kung maunahan ka pa niya doon. Baka buhayin ko pa si Andres Bonifacio maipaglaban lang yang kabagalan mo!"

" Loko!"

Abnormal talaga to. Maging lasing man o hindi e kung ano ano ang pinagsasasabi.

Paglabas namin ng kwarto ay saktong wala pa sila Kelly. Baka naman kanina pa siya nandun?

Wag naman sana! Ang bagal mo kasi e!

Naglakad kami papunta sa likod ng bahay. Naglalakad palang kami sa hagdan ay kinilabutan na ko sa nakita ko.

May mga christmas lights sa mga gilid ng hagdan tapos may mga red roses petals pa.

Pero di pa natatapos ang lahat dyan, dahil pag dating namin sa tuktok ng hadan ay nasilayan ko ang porma at ang ayos ng beach.

" Wow." Bulong ko sa sarili ko.

" Ano? Bilib ka na?" Tanong niya sakin saka ako hinatak pababa ulit ng hagdan.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon