PART 78

29 1 0
                                    

PAUL POV

Naiinis ako kay Nilo dahil ilang araw na ang nagdaan ay hindi pa rin ito umuuwi.
Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Hirap na hirap na kong magpaliwanag.

Natatakot ako dahil sa mga pinag usapan namin nung isang araw na... May masamang mangyayari saming lahat.
Ito na ba yun? At tulad nang sabi niya ay posibleng siya ang unahin?

Taragis naman! Sino ba kasi ang mamamatay tao na yun at kailangan pang idamay ang mga taong walang alam sa kahibangan niya!

Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin ang tungkol dito o itago ko muna, kapag sinabi ko kasi na si Kelly ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ay posibleng lalong gumulo dahil sigurado kong mag ii'sterical ang mga ito at lahat ay kay Kelly ang sisi.

Hindi! Hindi!
Walang makakaalam. Sikreto ay sikreto!

Pinarating na namin ni Tanya sa mga pulis na nawawala si Nilo at sila na ang bahala daw maghanap.

Dalawa na sila ni Loiuse na nawawala.

Bakit ganoon?
Noong isang araw lang ay kausap ko siya, tapos ay biglang nawala at hanggang ngayon ay hindi makita.
Kung kelan naman ayos na kami ay saka pa nangyari ang ganito?

Ang pinagtataka ko lang... Bakit parang tanga siyang naghahanap ng plate number na LMR555?

May ano ba doon?
Panay ang isip ko pero di ko matandaan kung ano ang meron doon. Parang narinig ko na siya dati pero hindi ko matandaan kung saan.

Hinanap ko na rin ang posible niyang puntahan pero wala siya.

Nilo nasan ka na ba?!
Dalawang araw ka nang nawawala, Pare! Magpakita ka naman!

Panay din ang hanap ni Kelly kay Nilo pero hindi namin sinasabi sakanya na nawawala ito, ang sinasabi lang namin sakanya ay nasa bahay ito at may mahalagang bagay na inaasikaso.
Ang hirap hirap magsinunggaling. Shit!

Makalabas nga muna!

" Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Tanya. Nandito kasi kami sa loob ng kwarto ni Kelly sa ospital.
Natutulog siya.
Sigurado ko nakapag nagising ito ay maghahanap na naman kay Nilo ito.

" Ahh.. Lalabas lang ako. Baka makita ko si Nilo o kaya yung plate number na sinasabi niya."

" Paul, dito ka nalang. Baka pati ikaw ay bigla nalang mawala."  Kitang kita ko ang pag aalala niya. Kaya nangiti ako.
Nakakatuwa naman itong girlfriend ko.
Kaya mahal na mahal ko to e.

" Hindi ako mawawala. Promise yan." Sabi ko sakanya tapos ay hinalikan ko siya sa pisngi.

Hindi na siya nagsalita pero ramdam ko ang paghigpit ng kay niya sa kamay ko. Larang ayaw niya kong paalisin, pero hinalikan ko iyon saka ko sapilitan kong tinanggal nang dahan dahan at lumabas ako ng kwartong iyon.

Paglabas ko ay nakasalubong ko si Ate Kim at Kuya Ryan.
Naka black pa rin sila.

Ayon sakanila ay namatayan daw ang pamilya ni Joshua, yung pinsan daw nito yung... Lambert. Kahapon pa ito nailibing pero kailangan pa rin nilang magluksa dahil napamahal na sakanila yung tao. Saka nakakahiya naman nga kasi kung sila ay mabilis nang maka move on sa nangyari, parang pambabastos iyon sa side ni Joshua.
Actually,
Hindi ko siya kilala, pero kilala siya ni Kelly syempre.. Pero sa palagay ko ay.. Iyon siguro yung lalaking nakita ko nung pumunta kami sa bahay nila Joshua noon. Yung lalaking parang kengkoy na ewan.

Kawawa naman siya.
Hanggang ngayon daw ay hindi pa kilala ang pumatay. Wala naman daw nakakita at nakasaksi sa nangyari. Basta daw nakita lang ni Joshua yung pinsan niya na nakahiga at duguan sa hagdanan sa Fire exit.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon