JOSHUA POV
Ilang araw ang lumipas mga 13 days na, at nanatili na si Nilo sa ospital. Sabi ng Doktor ay mas mabuting nandito muna siya at mas matitingnan ang kalagayan niya.
Sobrang laki ng pinagbago niya. Physical man o Emotional.
Ang dating malaking katawan niya ay siyang biglaang pagpayat niya.
Ang dating matinong pag iisip niya ay parang hibang na rin ngayon, pero minsan lang. Mas madalas ay nasa katinuan siya.Okay lang naman si Nilo, normal pa naman siyang tingnan.. Yun nga lang pumayat siya at nawala yung mga muscles niya at sa panahong ito ay unti unti ng nalalagas ang buhok niya dahil sa therapies na tine'take niya.
Ganoon ba talaga kapag may tumour? O?? Depende sa taong nagkakaroon? Kasi.. Bakit parang biglaan at kay bilis nang kanyang kumalat?
Sa loob ng mga araw na nagdaang iyon ay unti unting naglabasan ang iba pang sintomas ng sakit niya, pero hindi nawala doon ang pananakit ng ulo niya. Lagi siyang inaatake ng ulo niya kaya lagi kaming nag aaalala sakanya.
Naka schedule ngayon ang chemotherapy niya.
Nasa loob sila ng ospital pero ako naman ay pinili kong sa labas muna.Naaawa kasi ako kay Nilo.
Bakit niya inabot ang ganito?
Sa twing nakikita ko siya at napapagmasdan kong sobrang laki ng pinagbago niya ay parang minamartilyo ang puso ko.
Ewan ko kung bakit pero, maawain kasi akong tao.Tinanggap naman nila yung mga tulong kong pinansyal para makatulong sa pagpapagamot. Si Paul din kasi ang gumagastos sakanila dahil mayaman naman pala ito. Kaso'y napapagalitan na daw siya ng magulang niya kakahingi ng pera araw araw.
Hindi naman niya masabi kay Tanya ang sitwasyon niya dahil alam niyang mangungutang ito ng mangungutang kung kani kanino. At ayaw daw niyang mangyari yun.Noon palang ay gusto ko nang tumulong, kaya ng ialok ko ang tulong ko ay tuwang tuwa siya.
Di ko alam sa sarili ko kung bakit araw araw akong nandito para lang dalawin siya. At Bantayan. Pero, ang alam ko lang... Kaya ko to ginagawa ay dahil sa kaibigan ko siya at gusto kong makita ang paggaling niya.
May inaayos din kasi ako para sakanilang dalawa ni Kelly. Gusto ko kasing maganap iyon sa lalong madaling panahon.
Pero, sabi sakin ni Paul tinapos na daw ni Nilo ang kung ano man ang namamagitan sakanila ni Kelly, bagay na hindi ko pinaniniwalaan.
Alam ko na ayaw ni Nilo na makita siya ni Kelly sa ganitong sitwasyon, kaya nagawa niya yun. Pero ang totoo. Mahal pa rin niya si Kelly. At kahit hindi ko nakikita at nakakausap si Kelly ay alam ko rin na mahal niya si Nilo dahil sa mga kwento ni Loiuse kay Kuya Romano na lagi daw itong umiiyak at lagi daw itong naghahanap kay Nilo, pero di daw niya magawang puntahan dahil sa galit daw ito sakanya.
Gusto ko na nga siyang puntahan at magpakita sakanya para sabihin ang kalagayan ni Nilo, kaso ay ayaw kong sirain ang gusto ni Nilo. Ayaw kong ako yung maging dahilan para magalit siya.
May sakit na nga siya, tapos bibigyan ko pa nang sama ng loob.Pero, paano si Kelly? Paano kapag nalaman ni Kelly ito at lalo siyang magalit saming tatlo na nakakaalam nito, dahil sa hindi namin siya sinabihan.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati ako ay nalilito sakanila.
" Joshua, Pare." Tawag nang isang boses sakin kaya tumingin ako sakanya.
" Pare, bakit?" Tanong ko sakanya.
" Naaawa ako kay Nilo." Sabi niya saka siya pumasok sa kotse ko kung saan nandoon din ako.
Naka open lang kasi iyon dahil umiinom ako ng beer in can.

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...