Wala sa sariling umuwi si Kelly sa bahay nila Nilo. Hindi niya pa rin matanggap ang kanyang sinapit sa kagagawan ni Digna. Sinira ni Digna ang buhay niya. Iyon ang lagi niyang iniisip.
Wala naman siyang pinakitang kasamaan dito pero nagawa pa rin siya nitong lokohin at pahirapan ng ganoon.Isang malaking kalokohan ang ginawa ni Digna para kay Kelly. Hindi tuloy maisip ni Kelly kung paano siya makakaalis sa pagkabilanggo niya sa ganitong sitwasyon at sa pagkakalaya ni Digna na gawin ang mga bagay na hindi pwedeng mangyari lalo na't wala naman siyang karapatang gawin ang mga iyon.
Kinausap ni Nilo si Kelly dahil nakikita nito ang mukha ng dalaga na puno ng problema at kalungkutan. Noong una ay ayaw pa nitong sabihin ngunit hindi rin nagtaggal ay ibinuhos niya lahat ng kanyang hinanakit at mga nalaman tungkol sa pagkatao ng impostor.
Sa galit ni Nilo, nagawa niyang suntukin ang pader, bagay na ikinagulat ni Kelly at ng mga tao sa loob ng bahay nila.
" Pupuntahan natin sila Kelly. Panahon na. Panahon na para malaman nila ang katotohanan." May galit ngunit naaawang sabi ni Nilo kay Kelly habang hawak nito ang mga pisngi ng dalaga. Tumango si Kelly bilang pagsangyon, niyakap siya nito habang patuloy pa rin ang luha sa pag agos.
" Panahon na rin para mawalay ka sakin" mahinang bulong ni Nilo na nagpalabas ng luha niya.Hindi na pinataggal pa ni Nilo ang lahat at niyaya niya si Kelly at sila Paul na sumama papunta sa bahay nila Joshua upang patunayan na ang kasama nila ay si Kelly at upang malaman din nila na impostor ang kasama nila.
Masakit man para kay Nilo ang gawin iyon dahil alam niyang mahihiwalay na sakanya si Kelly sa oras na mangyari ang paniwalaan nga sila ng mga ito, ay ginusto pa rin niyang ipaglaban ang karapatan ni Kelly na kunin ang kanyang pagkatao na ninakaw ng iba.
Nang makarating sila sa bahay ni Joshua ay agad silang nag ingay. Tawag nang tawag sila Paul at Nilo sa loob ng bahay na halos gibain nila ang gate para lang buksan ito. Si Kelly naman ay nakayakap kay Tanya.
" Ano??!! Hindi niyo ba to bubuksan o gigibain ko to!! Joshua!!" Matapang, Malakas at Galit na sigaw ni Nilo habang hawak pa rin ang rehas ng gate.
Hindi naman nagtaggal ay nagsilabasan sila mula sa loob. Naunang lumabas si Joshua at kasama nito si Lambert. Hanggang sa nagsisunuran na ang lahat pati ang mga katulong ngunit si Digna ay nakasilip lang sa pintuan.
" Ikaw na naman?! Kayo na naman?! At nagdala ka pa nang dalawa pang back up! Ano ba kailangan niyo at gabi na saka niyo pa naisipang magwala dito at manggulo! " Sigaw ni Joshua habang pagalit niyang binuksan ang gate.
" May kailangan kayong malaman!! Hindi ito kasinungalingan kaya paniwalaan niyo!" Diin ni Nilo
" Ano na naman bang kalokohan to ha! Di niyo ba alam na pwede namin kayong ipakulong at idemanda sa ginagawa niyong to! Binalaan ko na kayo noon diba?! " sabat ni Kim habang namumuo pa rin ang galit.
" Isang babalang hindi dapat katakutan, Ms. Kimberly Esteban! Ang dapat matakot ay hindi kami! Kung hindi yung isa sa mga kasama niyo dyan sa bahay niyo na ngayon ay wala sa tabi niyo!"
Nang ipagsigawan ni Nilo iyon ay natahimik sila at hinanap nila kung sino ang nawawala sakanila.
" Nasaan si Kelly?" Mahinang bulong ni Joshua
" Tumpak!" Biglang sigaw ni Nilo habang may tawa at palakpak sa pagitan noon.
" Si Kelly nga ang tinutukoy ko! Ang kinikilala niyong Kelly!! "" Gago ka ha! Anong kinalaman ng Girlfriend ko dito?! Ha?! sumagot kang hayop ka!"
Sumugod si Joshua kay Nilo at kinuwelyuhan siya nito. Hindi lumaban si Nilo pero nakangiti ito na parang nangaasar pa.
" Bitawan mo si Nilo, Joshua! Tumigil na kayo! Ano ba! " Pag awat ni Kelly sa dalawa saka niya itinulak si Joshua. Bagay na hindi na intindihan ni Nilo.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...