KELLY POV
Nagulat naman ako sa biglang pagharap ni Nilo. Akala ko ay magkakabungguan na naman kami.. Buti at hindi naman nangyari.
Ngumiti lang siya sakin saka naglakad.
Ang weird... Umiiwas ba siya? Sa tingin ko... Oo. Siguro dahil doon sa L.A. na yun...
Haay!! Kakalimutan ko na yun! Ayaw ko na mag isip. Ngayon... Kung magsasalita siya ulit nun kukulitin ko na talaga siya.
Pagharap ko kay Caloy ay parang umiiyak siya..
Hala! Pinaiyak kaya ni Nilo si Caloy? Ang sama naman ng taong yun! Ibang iba sa pagkakakilala ko sakanya.
" Caloy, Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya saka ko siya hinawakan sa balikat.
Nagulat naman ako nang bigla siyang ngumiti.
Hala!! May topak ang gago!
" Tears of joy." Sabi niya habang may ngiti pa rin sa kanyang mga labi.
Ano ba nangyari at nagkatoyo silang dalawa? Yung isa di namansin, umiiwas pa yata sakin. Ito namang matinong taong to na kanina ay nakakausap ko ng maayos, umiiyak tumatawa ngayon..
Yung totoo?? Uso sanib?
" Tara guys!" Biglang sibgit ng isang boses. Si Paul. Kasam na niya yung apat.
Mga nakabihis at halatang halata mong gustong gusto na talagang magswimming.
" Bakit ka umiiyak Caloy?" Tanong ni Ate Tanya.
Nakalapit na pala si Mabel sakanya hindi ko napansin.
" Wala to, Ate. Tears of Joy lang."
E di ikaw na ang may tears of joy. Ako??? Tears of pain. Haay!!
nakatitig pala sakin si Nilo. Hindi ko napansin. Napagtanto ko lang dahil nang lumingon ako kay Paul ay umiwas siya bigla ng tingin..
Baka hindi naman ako yung tinitingnan? Assumming lang ako.
" Guys... May bad news." Bigkang sabi ni Paul.
" Ano?" Sabay naming sabi ni Nilo, kaya napatingin ako sakanya at ganun din siya.
" Darating yung pinsan ko dito galing states. Shems! Sira ang bakasyon natin. " sabi niya habang parang bwiset na bwiset talaga ang aura niya.
Ano naman ang masama kung darating yung pinsan niya? Okay nga yun ee mas marami mas masaya dito.
" bakit? Ano ba problema sa pinsan mo at ayaw mo siya dito, Aber!" Sabi ni Ate Tanya.
" Hindi naman sa ayaw. Hindi lang kasi kami magkasundo nun. Masyado kasing maarte yun. At sigurado ko.. Mas aarte pa ngayon yun dahil galing siya ng states. "
Ang mean naman ni Paul sa pinsan niya. So, ibig sabihin.. Sa mga sinasabi palang niya... Babae ang pinsan niya..
" Ang arte mo! Mas maarte ka pa nga ngayon sa inaasal mo e! Bakla!" Sabi ni Ate Tanya saka umalis. Pero nagulat kani nang hilahin ni Paul si Ate Tanya.
Ngayon ay magkalapit sila. Mukha sa mukha.
" Sinong bakla? Ako?? Huh! Baka Gusto mong halikan kita ngayon? Para makita mo at mapagtanto mo kung sino ang bakla? Ano ba gusto mo? Soft o hard? Torrid o hindi?" Mayabang na tanong ni Paul.
" Bastos!" Sabi nito sabay sampal kay Paul. Napasigaw pa ko ng bahagya dahil sa pagkakagulat ko.
" Saglit nga lang, Tanya... " sabi ni Paul. Huminto naman si Ate Tanya.
" Sorry. "
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomansaIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...