NILO POV
Nang idilat ko ang mga mata ko ay ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit ng katawan ko. At ang sama sama ng nang timpla ng gising ko.
Pero merong isang bagay ang nagpatuon ng atensyon ko.
Si Kelly... Nakayakap sakin habang nakaupo sa lapag at natutulog!.
" Kelly.. Kelly.." Gising ko sakanya pero di siya magising kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap sakin.
Nananan'ching pa tong babaeng to e.. Haha
Nung maialis ko ang kamay niya sa katawan ko ay pinilit kong bumangon para mabuhat ko siya at mailipat sa mas komportableng higaan para makatulig siya ng mahimbing. Alam kong hindi ko pa kaya ang gawin yun pero kakayanin ko kahit masakit sa katawan.
Nang mabuhat ko siya at nailagay sa sofa ay nakita ko ng malapitan ang kagandahan na meron siya. Kung iisipin mong wala ang sunog sa mukha niya ay makikita mo na isa siyang magandang babae na kababaliwan ng isang lalaki.
" Napaka swerte talaga ng nobyo mo sayo... Sayang lang at, ganyan ang inabot mo... Pero kahit paano... Hindi ko hahayaan na maging malungkot ka. Gagawa ako ng paraan para makasama mo sila ulit. Pangako yan." Sabi ko sakanya saka ako umupo at yumakap sakanya.
...
" Wow. Chansing!" Sabi ni Mabel pagkamulat ko ng mata. Nagulat naman ako kaya napaatras ako. Akala ko kasi ay nuno sa punso.
" Ano bang ginagawa mo dyan! Akala ko nuno sa punso ka dyan! Or worst! Maligno! Papatayin mo ko e!" Sigaw ko dahil akala ko talaga maligno.
" wow! Makamaligno ka dyan! Akala mo naman kung sino kang perpekto dyan! Syokoy!!! E Ikaw! Anong ginagawa mo dyan! Bakit nagkapalit kayo ng pwesto. " tanong niya.
Umaga na pala. Akala ko gabi pa rin.. Magsasalita sana ko nang makita kong nagising si Kelly. Kaya ang ginawa ko ay nanahimik nalang ako.
" Bakit nandito ako? Ikaw yung nandito ha!. Wag mong sabihin??" Tanong niya.
" E paano kasi, nahihirapan ka kagabi kaya nilagay kita dyan."
" Ikaw talaga. Puro pasa na nga yung mukha mo, may sugat ka pa sa ulo tapos ang taas pa ng lagnat mo pero ang kulit mo pa rin." Sabi niya kaya nangiti ako sa di ko alam na dahilan.
Natutuwa ako habang nagagalit siya. Nakikita ko yung concern niya sakin.
" Naka ngiti ka dyan! Naalog ba utak mo ha! "
" Hindi.. Natutuwa lang ako sayo." Sabi ko pero hindi na siya sumagot. Sa halip ay tumayo siya at tumulong kay Mabel sa pagluluto.
Pinaupo lang nila ko at wag daw akong tatayo doon. Pinanuod ko lang sila.
Pero ewan ko ba?! Bigla nalang ako napangiti ng makita ko si Kelly. Napatulala na lang ako sa kanya sa di ko alam na dahilan.
Ayaw kong mahulog sakanya kasi alam kong masasaktan lang ako. At di kami bagay kung magkakataon man.
Mas gugustuhin ko pang maging masaya siya sa piling ng taong mahal niya pagdating ng tamang oras kesa magkalamat ang pagkakaibigan namin kung sakaling malaman ko nalang ba.. Nahulog na pala ko sakanya.
Teka nga!! Ano bang pinagsasasabi mo! Ha, Nilo!.
Haay!!.
Erase nalang!! Okay!!.
Wala namang nangyaring mahalaga sakin nang araw na to.. Puro pagtulog lang at pagkain ang nangyari sakin. Halos tatlong araw rin ang lumipas at nasa loob lang ako ng bahay, paulit ulit ang ginagawa habang nagpapahinga at nagpapagaling.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...