Gabi na pero wala pa rin si Nilo. Nakapag sara na nang tindahan si Tanya st nakauwi na sa bahay pero wala pa rin si Nilo na kanina pa hinahanap ni Mabel.
Hindi kasi makalayo si Kelly nang mag isa lang dahil baka maulit ang nangyari sakanya nung kahapon. Kaya minabuti nalang ni Mabel na siya ang maghanap sa kapatid at si Kelly ang maiwan sa bahay.
Alam nilang pumapasada ang Kuya niya, pero kaya sila nangangamba ay dahil sa umaga pa ito nawala at hanggang ngayong gabi na ay hindi pa rin ito bumabalik. Ugali kasi ni Nilo ang uuwi ng bahay para mananghalian at kapag miryenda naman ay mangungulit ito sa tindahan hanggang sa mautusan na ito ng ate niya na magdeliver ng Pancit sa bahay bahay.
" Bakit kaya wala pa si Kuya... Gabi na. "
" Baka nagtampo dahil sa lugaw." Pinipilit na wag matawa ni Kelly.
" Hindi rin! Aarte pa ba siya! E totoo naman, saka kilala ko yun! Kahit galit yun uuwi yun ng tanghalian dito, pero diba kanina di naman umuwi.. Hinanap ko na sa pila wala naman. Pati si Caloy ko hindi ko makita."
" Baka magkasama yung dalawa? " tanong ni Tanya.
" Ate.. Malabo pa sa kanal ang sinasabi mo.. Alam mo naman kung gaano kainis at katutol si Kuya sa Labidabs ko.. Kaya hindi sila magkasama." Pagpupumilit nito habang parang tanga na ikot ng ikot.
" Di ka ba titigil kaiikot." Sabi ni Tanya.
" I.... I..... I... I... Nag woworry ako! Understand!"
" Malaki na yun. Kaya nun ang sarili niya. At sigurado ko na.. Baka marami lang pasahero kaya hanggang ngayon wala pa siya.."
" Well,thats not what i'm felt now"
" Wow." Sabi ni Tanya.
Hindi naman kumibo na si Kelly sa kanila dahil hanggang ngayon ay kinakabahan siya sa hindi pag uwi ni Nilo at nalulungkot dahil sa nangyari sakanya.
Hindi kasi madaling kalimutan ang ganoong pangyayari. At para sakanya.. Kailangan miyang balikan at ibalik ang dating meron siya.
" Mabel!. Ate Tanya!" Isang sigaw sa labasan na nagpatahimik sa dalawang magkapatid na nag iingay at kay Kelly na binging bingi na sa mga iniisip niya.
" Caloy??.. Caloy?!" Sigaw ni Mabel saka binuksan ang pinto.
Gulat silang tatlo ng makita si Caloy na akay akay ang bugbog saradong si Nilo.
Napuno ng ingay at tanong ang buong bahay. Inakay nila si Nilo para maihiga sa Sofa.
" Teka! Magpapakulo ako ng tubig.!" Sabi ni Mabel saka pumunta sa kusina.
" Ano bang nangyari?" Tanong ni Tanya habang si Kelly naman ay hinihimas ang mukha ni Nilo at pilit niya itong ginigising.
" Ate Tanya, ang taas ng lagnat niya. " sabi nito kaya lalo silang nataranta.
....
Naikwento lahat ni Caloy ang nangyari. Sinundan pala niya si Nilo dahil nagkaroon siya ng kutob na may gagawing masama sila Brando dito. Nakita niya ang nangyari pero hindi niya nagawang tulungan ito dahil alam niyang isang suntok lang sakanya ay makakatulog na siya.
Umokay na rin ang lagay ni Nilo nandun pa rin ang pagkakaroon niya ng lagnat pero hindi na ganung kataas." Ate, Matulog ka na. Ako na magbabantay kay Nilo." Sabi ni Kelly.
" Sigurado ka ba? E.. Baka mamaya ikaw naman ang lagnatin kasi diba... Kagagaling mo lang ng Ospital saka di pa masyadong magaling yung mga sugat mo."
" Okay na ko, Ate. Nakakalabas na nga ako e.. Hehe . wag mo na kong intindihin. Sige na. Alam ko naman na.. Magbubukas ka pa ng tindahan bukas e." Pagpipilit nito.
" Hmmm.. O sige. Sabi mo yan ha. Sige.. Good night. " sabi nito saka umalis.
Naiwan ang dalawa sa Sala. Si Nilo ay natutulog at balot na balot ng Kumot habang si Kelly naman ay nakaupo at nakatingin lang kay Nilo.
" Sabi, Kaya daw niya sarili niya. Hindi naman pala. Yan tuloy... Tingnan mo yung mukha mo. Para kang talaba. Hehe. Ang pangit mo na oh. " sabi nito habang nakaupo at nakatingin ng malapit kay Nilo.
" Sa susunod... Mag iingat ka kasi.. Paano mo ililigtas ang mga kapatid mo kung lalampa lampa ka. Saka.... Paano mo pa ko tutulungan para maka survive sa problema ko kung ikaw mismo, nagpapatalo agad. Sabi mo... Wag akong matakot at magpatalo, pero... Paano ko gagawin yun kung ikaw mismong nagsabi sakin nun... Nagpapatalo pala. "
" Ta...ma .... na... ayaw ko na... Ahh.. Ayaw ko na... Tama na." Gulat si Kelly sa usal ni Nilo habang natutulog siya kaya ang ginawa nito ay hinipo ang noo niya. At nalaman niyang medyo mataas ang lagnat nito.
Tatayo sana siya upang kumuha ng maligamgam na tubig ng bigla siyang yakapin ni Nilo.
" Dito ka lang.. Wag mo kong iwan. Parang awa mo na.. Please... " nanginginig na usal nito kaya kahit gustong kumalas ni Kelly sa yakap na yun ay hindi na niya nagawa, hanggang sa nakatulog na siya sa ganoong posisyon.
....

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
Lãng mạnIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...