DRA. SHANE POV
Ngayong araw na malalaman kung ano ang naging kalalabasan ng ginawa kong mukha kay Kelly. Alam kong hindi ito palpak dahil hindi pa naman ako pumapalpak na gawin ang mga bagay na ganito.
Minabuti ko itong gawin agad agad dahil gusto kong maibalik ang dating siya.Wala akong masamang balak sakanya, hindi tulad nang iniisip nila sakin lalo na ni Loiuse yung bestfriend niya.
Alam kong nagdududa sila sakin dahil sa mga kinikilos ko at pananalita ko at lalo ko pang napagtibay iyon mula nung makita nila ko sa prisinto.Oo. Wala akong dinalaw na preso sa bilangguan noon, sila talaga ang sinusundan ko dahil gusto kong masiguro ang kaligtasan nila, kahit na alam kong wala akong magiging laban, dahil alam ko ang plano ng demonyo kong kapatid sakanila. Papatayin niya, sila.
At kaya ko nagawa ang magpanggap na parang masama ay para mapaniwala ko ang kapatid ko na kampi ako sakanya, pero ang totoo sa bawat galaw ko ay may kaakibat na kaligtasan ang ibinibigay ko para sa mga taong nakapaligid kay Kelly, at syempre lalo na kay Kelly.
Alam ko lahat ng plano ni Enrico. Alam ko ang pagsugod niya dito sa ospital at pagbabarilin si Paul at Tanya lahat yun ay alam ko pero di ko sila nabalaan, at isa pa nakita ko ang pagpatay niya kay Lambert.
Sa pamangkin ko.Gusto kong tulungan noon si Lambert pero hindi ko magawa. Wala akong laban panigurado. Adik si Enrico at naka'shabu siya nung araw na yun kaya alam kong mas malakas siya sakin.
Hindi ko ginawang tumulong dahil alam kong may plano pa ko kay Kelly na tinututulan niya.
Iyon ay ang pagandahin ito at ibalik sa dati niyang pagkatao.
Ang gusto kasi ni Enrico ay papatayin niya ito sa kung ano ang itsura nito ngayon.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na yun, pwede naman niyang kausapin ang dalawa para paghiwalayin pero bakit kailangang patayin pa. Saka pinilit ko na sakanya na si Nilo at si Kelly na, kaya wala na siyang dapat pang ipangamba at gawin ang lahat ng kasamaan niya, pero ayaw niyang makinig. Nasimulan na daw niya ang lahat kaya tatapusin na niya.
Kinakabahan ako dahil binalaan niya ko noon, ang sabi niya sakin ay papatayin niya ko sa oras na likutin ko ang mukha ni Kelly. Pinanindigan ko ang takbo ng isip ko at tinulungan ko si Kelly, hindi ako nagpasindak sakanya dahil alam kong ito ang tama.
Sa twing tatanungin ko siya para itigil na ang lahat ay lagi niya lang akong sinasaktan at sapilitan niya kong gustong pagamitin lagi ng shabu'ng ginagamit niya.
Pero, kahit natatakot ako ay lagi ko pa ring sinusubukang kausapin siya para itigil ang kahibangan niya, pero walang nangyayari lagi.Sinubukan kong magsumbong sa pulis noon, pero nakita niya ko kaya napigilan niya ko.
Hindi ko na talaga kilala ang Kuya ko. Pero hindi ko na siya kinikilalang Kuya, mula nang lumayas ako samin.
Binalak niya kong pagsamantalahan at patayin noon, hindi lang isang beses kung hindi tatlong beses. Buti at nandun ang isa ko pang Kuya para iligtas niya ko.Mula nang umalis ako ay marami nang nangyaring mga kagimbal gimbal na bagay. Nakita nalang na walang malay si Kuya Hilario at yung asawa niya, pero ang nakakatakot pa roon ay putol ang dalawa nilang mga kamay at paa noong natagpuan sila sa mismong bahay nito sa Nueva Ecija.
Gusto kong kunin ang tatlo kong pamangkin pero, hindi ko kaya. Ang alam ko lang ay mabuti ang naging kalagayan nung dalawa which is si Joshua na anak niya at si Lambert na pamangkin niya. Pero ang pinagtataka ko, pinabayaan niyang mabuhay mag isa ang legal niyang anak. Si Romano, na pinatira niya sa Nueva Ecija, sa bahay nila Kuya Hilario at tinutustusan niya lang ang mga pangangailangan nito para mabuhay. Gusto kong puntahan si Romano noon, pero nanghina ang loob ko. Natakot ako na baka ako ang isunod niya at ang mga kumukop sakin. Kaya hinayaan ko nalang siya kahit masakit para sakin ang makita siyang ganoon.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...