PART 94

37 1 0
                                    

KELLY POV

Aligaga kami ngayon ni Ate Kim sa pagluluto. Wala akong alam doon, pero siya ay marami. Ako lang ang naghihiwa ng kailangan.
Sabi ko kasi kay Nilo ay pumunta dito sa apartment na tinitirhan namin para naman makita niya at malaman niya ang bagong nilipatan naming bahay pansamantala, kaya naisipan kong magpaluto ng maraming pagkain para sakanila nila Ate Tanya.
3 weeks nalang kasi ang hinihintay namin para makaalis.
Bonding na din itong matatawag.

Sabi nga ni Ate ay naayos na daw niya ang mga papeles ko, noon pa lang daw.
Actually, pwede ko ngang gamitin yung passport at visa ni Digna, kaso ay ayaw ko. Baka mamaya ay mahalata pa sa pag alis namin at hindi pa ko matuloy.

Ayaw ko talagang sumama papuntang France, pero dahil sa ikakasal si Ate Kim at si Kuya Ryan doon, ay napilitan ako. Maid of honor kasi ako ni Ate kaya di ako makatanggi.
Pupunta rin doon si Joshua, kasi ang kapatid niya ang bestman ni Kuya Ryan. Si Kuya Romano. Kinumpirma na ni Kuya Ryan sakin na kasama ito pagpunta sa France.
Actually, konti lang kasi ang kaibigan nila sa France, puro daw kasi mayayabang ang tao roon kaya di sila nakikipagkaibigan ni Kuya Ryan. Kaya... Ayun! Dito sila nangulit sa Pilipinas para umabay at tumuklas lang sa kasal nila.

Saka, hindi naman nga pala kailangang mag alala at magselos ni Nilo kay Joshua o sa pag alis ko, dahil may surpresa ko sakanya na naghihintay.
Ipinagawa ko siya ng Passport, Visa at ibang kailangan niya para makasama siya papunta sa France, dahil abay siya sa kasal. Kapartner pa nga niya si Loiuse.

Hahaha... Ano kaya magiging reaksyon niya? Pero.. Alam ko ay okay na naman silang dalawa dahil may boyfriend na ang bestfriend ko. At kung sino? E di isang pulis na kumidnap sakanya tapos ay niligawan siya.
Isa sa mga taong nagligtas sa buhay namin.

Ganun din si Ate Tanya. Pinagawa rin namin siya ng passport at iba pa, pero for vacation lang. Si Paul kasi ay mayroon nang mga ganoong requirements.. Pero, si Ate Tanya ay wala.
Alam din niya ang plano naming isama siya papuntang France, si Nilo lang talaga ang walang alam.

May times pa nga na kailangan niyang pirmahan ang mga papeles, takang taka siya kung para saan yun, pero ang palusot namin ay para lang sa isang survey.
Hindi na naman niya pinagtuunan ng pansin iyon at hindi na niya binasa, pinirmahan nalang niya, kaya tawa kami ng tawa dahil kung isa palang milyonaryong tao itong taong ito ay kayang kaya kong kuhanan ng kayamanan.
Haha.
Pero, mahal ko yan e.. Kaya hindi ko gagawin sakanya yun.

May sinasabi rin si Ate Kim, wag daw munang ituloy ang kasal dahil baka masukob lang ito, dahil sa nangyari kay Francine. Pero sabi naman ng iba, ay di na daw totoo yung mga bagay at pamahiin na yun.
Saka, sa Pilipinas lang naman may ganoong mga pamahiin e.. Dahil sa pagkakaalam ko ay wala namang ganoon sa ibang bansa.

" Kim! Bumili ako ng Beer, yayayain ko sana sila Paul na uminom. Okay lang ba? " sa pagpasok ni Kuya Ryan ay siyang sabi niya. Napatingin naman ako sakanya at nakita kong kinikindatan niya si Ate.

Naku, ang Ate ko naman ay pabebe.

" May magagawa ba ko? Kung sasabihin ko bang wag e gagawin mong wag uminom at ibabalik mo yan sa binilhan mo? Nakabili ka na nga diba? So, it means... Plinano mo talagang bumili muna bago ka magsabi para wala na talaga kong magawa. mga moves mo! Tadyakan kita!
Pero, Okay lang sakin na uminom kayo.
Basta wag lang sobra, saka pag nalasing na, tahimik lang at wag manggugulo."
Sabi ni Ate habang tumalikod ito samin saka hinalo yung niluluto niya na nasa kalan.

" bakit, Te? Magulo ba si Kuya pagnanalasing??"
Tanong ko habang naghihiwa.

" Oo. Sobra. Natutulog ako e bigla nalang manghahalik e kay baho baho ng bibig. Amoy alak."

" Ito mapag'gawa ng kwento. Ikaw nga ito e.. Sine'seduce mo ko kapag lasing ako. E ako naman, naakit sayo kaya bumibigay ako sayo. Ilang beses na bang may nangyari satin? Gusto mo bilangin ko pa?"
Nakangiting sabi ni Kuya Ryan habang inaasar si Ate Kim sa pamamagitan ng kanyang ngiti, kaya natawa ko at sinabayan niya pa ko.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon