PART 23

25 3 0
                                    

NILO POV

Kanina pa ko walang imik. Hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko yung natuklasan ko kagabi.

Ano kaya talaga yun? Gusto kong may gawin pero di ko alam kung saan magsisimula.

Gusto kong magsumbong, pero saan?? Sa pulis? Di naman ako paniniwalaan ng mga yun dahil wala akong sapat na ebidensiya.

Saka.... Di ko naman alam kung ano yung pinaguusapan nila para gumawa ako ng isang aksyon.

Kaso,....

Kinakabahan talaga ko e..

" Uy.. Nakikinig ka ba sakin?" Tanong ni Kelly kaya bumalik ang pag iisip ko sa realidad.

Magkasama kami ngayon, naglalakad lang kami papunta sa bahay ni Joshua.

Manhid na kung manhid ang puso ko, pero wala akong paki! Hindi ko naman siya mahal e.. Bakit ba ganyan kayo mag isip!

" Ah--mmm.... Ano ba yung sinasabi mo? Pasensya na ha.. Masama kasi pakiramdam ko e.." Pagpapalusot ko.

" Masama pala pakiramdam mo, dapat di mo na ko sinamahan. Di ka pa ata uminom ng gamot "

" ay, hindi! Okay lang sakin! Hindi naman big deal sakin ang nararamdaman kong sakit e." Sabi ko sakanya na parang may kakaibang dating para sakin.

Nakatingin siya sakin ng direrso at nagulat nalang ako ng bigla niya kong hampasin.

" Hindi pa rin kailangang pinababayaan ang ganyang sitwasyon! Mamaya pagdating sa bahay, uminom ka ha!" Bilin niya sakin at tumango naman ako.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito, parq kong Masaya na hindi ko maintindihan.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Medyo malapit na kami sa bahay ni Joshua ng magsimula ulit siyang magtanong.

" Nga pala,.... Saan nga pala kayo galing ni Paul kagabi?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kinabahan ako bigla. Hindi niya dapat malaman na nagpupunta ko ng palihim sa bahay niya.

Wala namang masama kung malaman niya, pero ayaw ko! Ayaw ko siyang mag isip ng masama laban sakin. Ayaw kong magtanong siya ng magtanong.

" Uy! Nagsisimula ka na namang matulala ha!"

" Ah... Wala. Nag road trip lang kami." Palusot ko ulit sakanya.

" Nang gabi??" Paglilinaw niya. At tumango naman ako.
" Ahhh... Sabagay, masarap naman talagang gumala kapag gabi lalo na kapag may sariling sasakyan at may mga kasamang barkada." Sabi niya kaya nangiti ako. Siguro ang dami niyang kaibigan.

" Namiss mo lang ang mga kaibigan mo e." Sabi ko sakanya. Nabigla naman ako ng magiba yung ngiti niya. Parang naging malata.

May nasabi ba kong masama? Wala naman ah??

" bakit? May---"

" Wala." Pagputol niya sa itatanong ko sana.

" E bakit parang nag iba yung itsura mo." Paglilinaw ko.

" Wala naman akong kaibigan diba? Si Joshua lang ang lagi kong kasama. Pero.... Hindi ko makakalimutan yung kaisa isang taong sobrang bait sakin..... Si Louise Best Friend ko siya nung HighSchool kami, kaso wala na siya... Nasa Father niya, sa States. "

" So, ibig mong sabihin? "

" naranasan ko na ang mag roadtrip syempre. Yun nga lang... Hindi madalas. Kahit na sabihin na may pera ako, mayaman, may sariling sasakyan, pero wala naman akong kaibigan. "

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon