JOSHUA POV
FLASHBACK
Ngayon ay magkakasama kami sa ospital. Ito na yung naging tahanan namin mula nang dalhin namin dito si Kelly. Napaka hirap at napakasakit na nakikita na yung taong mahal ko ay nag sa'suffer nang ganito.
Halos ilang buwan na kaming nandito. Masyado daw kasing mabusisi ang kailangan kay Kelly. Hindi madaling operasyon ang kailangan sakanya, mapanganib daw ito at pwede pa niyang ikamatay. Dahil isang maling galaw lang daw ng mga doktor o namin ay pwede siyang magkaroon ng bacteria sa mga katawan niya.
Ang sabi ko nga kay Daddy ay isang buwan lang kami dito pero hindi ko naman alam na magiging ganito katagal. Nagbagong taon kami dito sa ospital, nag celebrate ng mga birthdays, pasko at kung iba iba pang mga importanteng events habang nakaratay si Kelly.
Gusto kong angkinin ang kalagayan niya dahil hirap na hirap na kong nakikita siyang ganun. Hindi siya pwedeng gumalaw masyado at magsalita nang magsalita.
Pero ngayon... Malaki yung pagpapasalamat ko sa Panginoon dahil ngayon na ilalabas ang bagong Kelly na winasak ng isang pangyayari. Bagong Kelly na magiging katulad ulit ng dati. Yung Kelly'ng mahal na mahal ko.
Sana ay maging maayos ang surgery sa buong katawan niya. Sana ay ligtas ko siyang makikita ulit, namin.
Naghihintay lang kami dito sa harap ng Operating room. Si Daddy hindi ko alam kung bakit naiinis ako sakanya. Sumunod siya dito para lang inisin siguro ako. Di sa hindi ko siya gusto dito, naiinis ako sakanya dahil gusto niya iwanan ko si Kelly para samahan siya sa isang walang ka'kenta kwentang meeting niya.
Bagay na hindi ko kailanman uunahin kesa kay Kelly. Kahit takutin niya ko hindi ako masisindak sakanya." Insan! Ayan na yung Doktor!"
" Ate Kim!" Tawag ko kay Ate Kim dahil paplapit na siya sa doktor.
Nang makalapit din ako ay may sinabi ang doktor. Marami siyang dinada pero sa huli ay sinabi niyang.
" She's Okay.. But... She have to take a rest. 3 days or more than 3 days."
Naghintay lang kami hanggang sa dumating yung araw na tatanggalin na ang mga gasa sa katawan niya at sa mukha niya. Nasasabik akong makita si Kelly sa tunay niyang itsura, sa tunay na siya at yung Kelly na minahal ko.
Pero, kung hindi naman siya babalik sa dati ay hindi ko pa rin siya iiwan kahit hadlanamgan pa ko nang kung sinoman. Gagawin ko ang lahat para lang maalagaan ko siya. Ganoon ko siya kamahal.
" Okay.. Hold your breath guys."
Sabi ni Ate Kim. Kinakabahan kasi siya. Sinisimulan na kasing tanggalin ang gasang nakabalot sa katawan niya." Nag bi'brief si Ate Kim saka si Francine?"
" Gago! Tumigil ka dyan!" Sabi ko kay Lambert na nasa tabi ko ngayon.
Nang matanggal ang nasa katawan niya ay agad na binalutan siya ng mga doktor ng kumot. Sa dibdib kasi yung sunog niya saka sa braso at sa paa niya. Syempre sa mukha din niya.
Ngayon ay yung sa mukha na lang yung tatanggalin. Napangiti ako nang makita kong bumalik yung dating katawan at kulay ni Kelly, kahit na plastic surgery lang ang may gawa nito ay okay na sakin, samin, dahil ang mahalaga ay ligtas siya at bumalik sa dati.
Hindi nagtaggal ay nakita na namin ang kinalabasan ng surgery sa mukha niya. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa tuwa.
Agad na lumapit si Ate Kim at niyakap niya ito. Pero nagulat ako sa ginawa ni Kelly.
" Wait lang. Baka masira yung skin ko. Magpapa surgery na naman tayo."
" Sorry... Masaya lang ako.. Hindi ka ba masaya na nagbalik na yung dating ikaw?"
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomansaIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...