ROMANO POV
Wala pa rin akong balita kay Daddy. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at nagtatago.
Ang huling balita ko ay napatay daw sa opisina niya mismo, ang pamangkin niyang si Lambert.
Bale pinsan kong buo, kahit anak lang ako sa pagkakamali.Alam ko rin kung sino ang pumatay sa kaawa awang si Lambert.
At iyon ay si Daddy.Sabi ko'y wag na niyang idamay pa ang inosenteng batang iyon pero itinuloy pa rin niya.
Kung sabagay kasi, hindi naman niya ko pakikinggan.
Sino ba naman ako? Ni pagmamahal nga hindi niya maibigay sakin, pagsunod pa kaya?Natatakot ako sa pwedeng ikahinatnan nang lahat ng ito.
Magkakasama sama nga kaming tatlo nila Joshua tulad ng pangako ni Daddy, pero madami munang nagbuwis ng buhay bago mangyari ang pangarap kong iyon.Hindi rin ako sigurado sa takbo ng utak ni Daddy. Baka mamaya ay kasama pala ako sa mga gusto niyang patayin or worst pati si Joshua.
Ayaw ko naman sanang isipin ang bagay na iyon pero sa ginagawa niya kasi ay parang kayang kaya niyang patayin kahit sino.
Hindi ko naman siya maireport at mapadampot dahil ama ko siya, at sigurado kong sabit ako kapag ginawa ko yun dahil nakipagtulungan akong kidnap'pin soi Loiuse.Ayaw ko nang mag isip.
Kaya nga nag'leave ako pansamantala sa trabaho ko dahil gusto kong maging malaya at makapagpahinga. Hindi para mag isip at takutin ang sarili ko." Roman. Halika na! Nakaluto na ko!" Sigaw sakin ni Loiuse.
Ewan ko, pero nagagandahan ako sakanya.
Hindi naman sa sinasabi kong gusto ko siya..
Humahanga lang ako sakanya. Kahit noong unang makita ko siya ay aaminin kong nagandahan na ko sakanya, kaso.. Turn off ang bunganga niya. Napaka ingay at napakadaldal.
Kung ito lang ang mapapangasawa ko, sigurado ako na alas tres palang ng madaling araw pumuputak na to.Haha.
Pero, kahit papaano ay pinabilib niya ko.
Dahil pinakawalan ko siya sa pagkakagapos niya pero hindi pa rin niya nagawang tumakas. Halos isa't kalahating linggo na siyang nandito.
Kaya aaminin kong kahit paano ay masaya ako dahil may nakakausap ako dito sa bahay. Halos ilang taon ba kong mag isa dito at sarili ko lang ang kinakausap ko." Oy! Ano ba't nakatulala ka riyan? Tara na! Lalamig yung pagkain!"
" Opo!"
' Opo, Misis!' Bulong ko habang papalapit sakanya. Ewan ko pero nung sabihin ko yun ay may kung ano sakin ang natuwa.Pakiramdam ko kasi ay asawa ko na siya dahil halos araw araw ay siya ang nagluluto dito at umaasikaso sakin, kahit hindi naman dapat.
" para kang timang. Nakangiti ka na naman!" Asik niya nang makarating ako sa lamesa harap ng lamesa at tinitingnan ang mga niluto niya.
" Maganda kasi ang gising ko."
" Bakit naman?"
Nagtatakang tanong niya habang nilalagyan niya ng kanin ang pinggan ko.Naks!
Parang asawa talaga ang dating niya sakin ha!
Dati ba siyang katulong at masyado siyang maalaga haha
" E ikaw unang nakita ko e. Kaya nabuo agad ang araw ko."
Nang sabihin ko yun ay tumingin siya sakin ng may pagtataka.
Tapos ay nagulat ako nang padbog niyang ilagay yung pinggan na may kanin sa lamesa." Ay naku! Tigilan mo ko! Baka nakakalimutan mo! Pagnakarating ako sa Maynila ipapademanda pa kita! Dahil kinidnap mo ko. Kaya hindi uubra sakin yang mga pick up pick up line mo na yan!"
Hindi ko siya pinansin sa halip ay nginitian ko lang siya.
" Baliw!" Sabi niya tapos ay umupo saka nagsimulang kumain.

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...