PART 33

26 3 1
                                    

NILO POV

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit alam ko naman ang maaari niyang isagot, pero nasaktan ako. Ayaw ko sanang umalis doon, pero hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at umalis na ko. Ayaw ko kasing mas lalo pangadurog ang puso ko.

Alam ni Paul na may tumulong luha sa mga mata ko. Kaya hinayaan nalang niya kong umalis.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay tumuloy na ko sa kwarto namin nika Paul at pagkatapos ay humiga ako sa kama ko habang inilagay ko ang braso ko pantakip sa mga mata kong hanggang ngayon  ay nagpapaagos ng luha.

Bakit ganun? Bakit nagmahal pa ako sa isang taong alam kong may minamahal na? Bakit kaya hindi nalang ako binigyan ng tapang o lakas ng loob para magmahal ng iba at manligaw ng ibang babaeng halos magkandarapa sakin?
Bakit sa loob ng iilang araw lang, nahulog na ko sayo? Bakit minahal kita?

Kelly! I love you, pero ang manhid mo ee... Pero alam ko naman na kahit hindi ka manhid, hindi mo rin ako kayang mahalin. Sino ba naman ako diba?

Hindi ko naman kayang talunin at palitan si Joshua sa puso mo.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ko sa kakaisip ng mga ganung bagay.

Nagising nalang ako na hirap na hirap akong idilat ang mata ko. Siguro ay dahil sa pag iyak ko kagabi.

Grabe kasi si Paul, si Mabel, saka Si Kelly. Sakanila ko naiyak ng husto ee..

" Oh, Gising ka na pala, Kuya. Tara sa ibaba? Kumakain na sila doon e.. Tara?" Anyaya sakin ni Caloy.

" Sige.. Maliligo lang ako, susunod ako." Sabi ko sakanya. Tumango naman siya saka lumabas na ng pintuan.

Nahiga lang akong muli habang nakatanaw sa kisame...

Ayaw ko nang umiyak okay? So gay!.

Hindi ko na iisipin pa yun, at patutunayan ko nalang kay Kelly na mahal ko siya kahit hindi ko sinasabi. Yun ang dapat kong gawin.

Nang isipin ko yun, ay nangiti ako. Alam kong mali yung ginagawa ko. Pero wala namang masamang intensyon yung gusto ko.. Mahal ko siya, kaya gagawin kong mahulog siya sakin. Hindi ko gagawin yun para lang maagaw at masira ko ang relasyon nila ni Joshua. Gagawin ko yun dahil katulad nila... Nagmamahal lang din ako.

Nang matapos akong maligo ay naisip kong bumaba na. Tapos na nga silang kumain nung bumaba ako pero inintay ako ni Paul.

" Bakit di ka pa sumabay sakanila? Nasaan sila? " tanong ko sakanya.

Katulad ko ay namamaga rin ang mata niya.

" Hinintay talaga kita, pre. Gusto kong may makausap. At alam ko... Gusto mo rin na may makausap ka."

" tungkol saan? Sa kagabi? Hindi ah... Okay na ko dun." Sabi ko sakanya saka ako sumubo ng pagkain.

" Wag mo nga ko lokohin. Babanatan kita e! Haha. " sabi niya sakin.

Kakaiba rin talaga tong bestfriend kong to e.. Kahit full of pain na.. Nakukuha pang tumawa at ngumiti.

" Pero, seryoso pare... Tanggap ko na.. Kaya nga ang gagawin ko... Lahay lahat mahalin kang niya ko. Desperado na kung desperado pero... I will... I will do that."

" Ang alin?"

" Na paibigin nga siya. "

" e kung mapaibig mo siya? Pero.... Mas mahal pa rin pala talaga niya si Joshua? Ano gagawin mo?"

" Titigil na ko. At least... Ginawa ko yung best ko diba? Kahit mali " sabi ko sakanya saka ako muling sumubo ng pagkain.

Nagkwento siya tungkol doon sa nabuntis niya. At doon sa batang pina'abort niya dahil natatakot siyang magulpi siya ng Daddy niya.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon