PART 44

23 1 8
                                    

KELLY POV

Nang makita ako ni Nilo na naglalakad sa hagdan ay napansin ko ang pagtayo niya at pagkamangha niya sakin.

Nainlove na naman siya. Haha.

Hindi ko naman inaasahan na yung kakain sa labas na sinasabi niya sakin ay dito lang pala.

Pero okay lang... Bongga.

Pero?? Paano niya nagawa to? E di naman siya lumalabas kanina? Saka... Nandito sila Ate Tanya kanina saka sila Paul at nag iinuman sila.

Ano yun?? Mabilisang pag se'set?? Pero, sabagay... Lalaki siya. Kaya niyang gawin ang lahat nang ito ng mabilisan.

Yung mabilisang paglalagay ng mga ilaw sa hagdan. Mabilisang paglalagay ng mga makukulay na tela. At pag aayos nang kung ano pang maraming bagay, na hindi ko man lang nahulaan. Akala ko nga kanina hindi na kami tuloy dahil hindi siya bumababa. Ang sabi nila Paul tulog daw... Yun pala.. May pinaplano.

Mukhang may budget siya para dito. Akala ko simple lang, pero ginarbuhan pa niya.

Aaminin ko... Kumakain kami ni Joshua sa labas at nagdedate. Pero hindi ganitong kagara ang lugar. Hindi masyadong espesyal kung sasabihin.

Pero, sa mga dates namin, ang pinaka espesyal na sigurong masasabi ko para sakin ay yung kauna unahan naming date. Na kahit hindi magarbo at simple lang, alam ko naman na mahalaga sakin.

Ayan ka na naman, Kelly! nagsisimula ka na namang ikumpara silang dalawa!

" Tara?" Sabi niya nang makarating ako doon sa aisle na yung kandila ang nagsisilbing line sa dalawang side. May mga rose petals pa nga sa mismong dadaanan e..

Masyadong romantic pala si Nilo. Hindi manlang ako naabisuhan. Bagay na hindi ko rin nakikita kay Joshua lagi.

Inabot ko naman yung kamay niya saka kami naglakad parehas.

Hindi ko alam ha... Pero... Lalo siyang gumwapo ngayon. Sa tingin ko lang naman.

" Yan ba ang silbi ng pag amin mo sakin? Ang maging set designer?" Nakangiti kong tanong sakanya habang naglalakad.

" e ikaw?? Life Designer kita..."

" Ewan ko sayo. Hindi ko nga alam kung bakit pumayag ako dito sa dinner na to ee. "

" Sabihin mo... Gusto mo lang talaga ko makita ngayong gabi."

" Wow ha... Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan kong isuot itong white dress na to ee.. Ano ba purpose nito? Pinilit lang sakin ni Caloy na isuot ko daw ito ee.. Don't tell me... Sayo to?" Nang aasar na tanong ko sakanya.

" Hindi ako nagsusuot niyan. Ano akala mo sakin? Saka... Bagay naman sayo e.. Sumobra kaya kagandahan mo." Sabi niya habang nararamdaman ko ang paghina nang boses kiya kaya tiningnan ko siya.

Namumula siya at nakangiti. Kinilig na naman.

" Maupo ka. " pormal na sabi niya sakin saka inayos yung upuan ko para makaupo ako.

" Gentleman. 1 point"

" ha? Ano sinasabi mo? Hindi ako nagpapa impress. Ginagawa ko lang yung part ko as a real gentleman."

" Kaya nga. Gentleman ka nga. Dami mong anggal ee.."

" Kamusta ka?"

Gusto kong matawa sa tanong niya dahil parang kanina lang umaga ay magkasama at magkausap kami tapos ngayon ay mangangamusta na naman.

Iba na ba talaga ang takbo ng utak ng taong to?

" Bakit nanginginig yung kamay mo?"

Napansin ko kasing hindi siya mapakali at parang kabado.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon