PART 87

24 1 1
                                    

RYAN POV

Kanina pa kami naghahanap kay Kelly pero di namin siya makita. Madilim na pero wala pa rin kaming nakikita na anino niya. Paikot ikot kami dito sa Ospital ni Kim dahil baka sakaling nandito lang siya. Pero wala.

Saan ba nagsuot ang batang yun?
Kanina lang ay nag uusap kami at nagtatawanan, tapos ngayon ay nawawala na siya.

Wala kaming ideya kung saan siya nagpunta kaya kinakabahan kami.
Gusto niyang hanapin si Nilo. Pero saan?

Kanina pa kami nagtatalo ni Kim dahil pinabayaan ko daw ang kapatid niya at hindi ko binantayang mabuti kaya nakaalis.
Tapos daw ngayon ay parehas kaming nag aalala dahil hindi namin alam kung saan nagpunta ito.

Ang sabi ko naman ay baka umuwi ito sa bahay nila Tanya dahil gustong makita si Nilo o baka gustong magkaroon siya ng ideya kung saan ito nagpunta.

Nang sabihin ko yun ay agad niya kong niyaya para puntahan ang bahay nila Tanya.

Kaya habang nasa sasakyan ay di ko maiwasang marindi sa mga sinasabi niya.

" Kasi naman. Hindi mo binantayan! Alam mo naman na gustong gusto nung hanapin si Nilo! Napaka tanga. Paano kung mapahamak yun? Diyoa ko naman, Ryan! Ang tanga mong magbantay! Bagong operang babae ay natatakasan ka! Pag yung mukha noon ay nasira ulit dahil nabasa tatadyakan kita!"

Sita niya sakin habang ang boses ay napakataas na akala mong kay layo ng kinakausap.
Napaka O.A. naman niya na kapag nabasa ay masisira ulit ang mukha. Hindi naman ganoon yun. O.A.

Gusto kong patulugin itong girlfriend ko na to para makapag isip man lang ako ng matiwasay at malayo sa ingay ng bunganga niya kaso, ay baka hiwalayan ako neto. Wag na lang. Tiisin ko nalang. Tutal naman ay malapit na kaming ikasal at talagang pagtyatyaga lang ang kailangan kong gawin dahil araw araw at sa isang bahay ko lang siya makakasama.

" Pwede ba? Wag ako ang sigawan mo."
Sabi ko sakanya na pinipilit ang sariling maging mahinahon.

" E sino ang sisigawan ko! Sarili ko? Yung Doktora at Nurse! O sige. Tarantado ka kasi Kim! Kaya yung kapatid mo nakaalis nang di mo alam! Ayan tuloy! Naghahanap kayo kung saan! Wooo! Kasalanan mo to! Grabe!"

Malakas at nang aasar talagang sabi niya sakin. Gusto ko na talagang mainis pero bawal.

Okay? Pagtiisan.

" Tumigil ka nga! Hindi makakatulong ang daldal mo dyan." Naiinis na sabi ko sakanya dahil kanina pa siya putak ng putak pero pinipilit ko pa ring maging mahinahon.

" Diyos ko! Ala sais na oh! Pero di pa rin natin siya nakikita!"

" E kaya nga hinahanap diba?! Ano ba?! Pwede bang manahimik ka muna dyan. Nakakainis ka na! "
Medyo malakas na sabi ko sakanya pero hindi naman iyon kasing lakas ng sakanya.
Nainis na talaga ko e. Di ko naman gusto yung nangyari pero kung makasisi.

Naiintindihan ko naman na may kasalanan din ako, pero yung ganituhin ako at ulit ulitin sakin yung mga bagay na hindi ko naman ginustong mangyari, e nakaka buwang na.

" E bakit ba kasi nalingat ka at nawala yung kapatid ko?! "

Eto na naman po. Kanina ko pa pinaliwanag sakanya ang tungkol doon pero ngayo'y inuulit na naman.
Ganyan ba talaga kakulit ang mga babae?
Asar ha!

" Sabi na nga sayo na nagkekwentuhan kami, nakaramdam ako ng pagkapuno ng pantog! kaya nagpaalam akong iihi lang ako! Pagbalik ko wala na siya! Tapos hinanap ko pero wala! Tapos nga dumating ka! Ano ba! Ang kulit ha! Mamaya itatanong na naman sakin yan. Uulitin ko na naman. Nakakasira ng ulo!"

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon