PART 42

26 1 6
                                    

KELLY POV

" Ahh... Dyan lang sa labas." Sabi ko saka pumunta sa bag ko para kumuha ng pamalit.

" Who's with you?" Medyo may pagkasarkasrikong sabi niya sakin. Hindi naman ako tumingin sakanya at ginawa kong abala yung sarili ko sa paghahanap ng mga pampalit.

" Hey, Kelly... I am asking you... Are you saying something or not? "

" Wala akong kasama. Ako lang mag isa. Sino magiging kasama ko e mga tulog pa sila." Sabi ko ng walang tinginan.

Ewan ko kung bakit kailangan kong sabihin sakanya yun at magsinungaling sakanya. Di ko naman kasi gustong magalit siya sakin kung sabihin kong si Nilo ang kasama ko.

Ayaw ko sanang magtago nang kung ano sakanya pero kailangan. Dahil kapag sinabi kong si Nilo ang kasama ko baka magisip siya ng masama at magalit pa. Knowing her na mataray at aawayin niya ko, dahil alam ko naman na gusto niya si Nilo pero dinidikitan ko pa... So, iisipin niyan na inaagawan ko siya. Ayaw kong mangyari yun kahit alam kong di naman talaga totoo.

" Do not lie, Bes. I saw you awhile ago with Nilo. Holding hands while walking. " sabi niya sakin kaya natahimik ako.

So.. It means... Hinuhuli miya lang ako? At nagawa niya yun! Shet!!

" Akala ko ba wala kang gusto sakanya? Diba sabi mo kayo ni Joshua? Bakit nilalandi mo siya?"

" Hindi ko siya nilalandi. May problema lang siya na ayaw niyang ipasabi sa iba. "

" Kaya magka holding hands kayo?" Maarteng tanong niya.

Teka!! Kayo ba at kung magdrama ka at manugod dito e akala mo kung sino ka?

Wala namang kayo at wala rin namang kami pero parang sinasabi mo sakin na pagmamay ari mo siya.

" Gusto ko lang maramdaman niya na may kakampi siya at may handang tumulong sakanya. And that is the meaning of that okay?" Sabi ko sakanya saka ako muling bumalik sa ginagawa ko.

Tumayo ako saka naglakad papuntang banyo nang bigla niya kong hatakin sa braso.

" You are my best friend..
But when you try to get what i want and what i have, i will tell you this... Makakatikim ka ng sampal ng taong nangangati ang palad!" Madiing sabi niya sakin saka lumabas ng kwarto namin.

Wala naman akong ginagawang masama ha? Bakit galit siya sakin?

Di ko naman mapipigilan si Nilo na lumapit sakin dahil kahit umamin siya ng nararamdaman niya sakin ay kaibigan ko pa rin siya at hindi yun magbabago.

Ayaw kong maging bastos na tao. Na matapos akong tulungan ay isasang tabi ko nalang yung kabaitan niya at hindi manlang susuklian ng kabaitan din.

Napaupo nalang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at kung saan ako lulugar.

Kapag iniwasan ko si Nilo, magtatampo siya dahil ang sabi niya wag ko siyang iwasan lalo't alam ko na yung totoo... Pero kung hindi ko naman gagawin yun... Si Loiuse naman ang magagalit sakin.

Bahala na! Wala naman akong dapat piliin sa dalawa dahil alam ko namang wala akong ginagawang masama.

NILO POV

Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko.

Dahil ba to sa alam na ni Kelly na may gusto ako sakanya at hindi siya nagalit

Dahil ba sa nalaman kong nagselos siya nang makita niyang hinalikan ako ni Loiuse kahit na may boyfriend siya.

O baka dahil sa... Pumayag siyang kumain kami sa labas mamaya.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon