PART 37

29 1 3
                                    

NILO POV

Dahil nga sa wala na kong narinig na ingay o kahit na ano pa man. Idinilat ko yung mata ko at nakita kong nakasubsob sa higaan niya at sa unan niya si Paul.

Gusto ko sana siyang lapitan kaso wag nalang muna. Kailangan niyang makapag isa at makapag isip ng maayos.

Tumayo ako sa higaan ko saka ako pumunta ng banyo. Paglabas ko ay nakita ko siyang nakatingin sakin. Gulat nalang ako ng bigla siyang lumapit sakin at saka yumakap.

Nagulat ako sa ginawa niya, pero di ko naman na pinansin pa yun dahil ganito talaga tong taong to.
Hinagod ko nalang yung likod niya para mapakalma ko siya.

" Pare, di ko kayang kalimutan talaga.. Ang sakit para sakin ee" umiiyak na sabi niya.

Alam kong narinig ko kanina yung pinag uusapan nila pero di ko naman alam kung ano talaga ang tunay na istorya sa likod ng salitaan nila. Basta ang alam ko lang tungkol doon sa nabuntis ni Paul.

" Pinagkatiwalaan ko siya... Pero siya yung gumago sakin. Pare, sinubukan niyang sirain yung buhay ko. "

" Alam mo, Pare.. Hindi naman sa kinakampihan ko si Loiuse... Pero siguro... Ito na yung oras para mabigay mo na yung pagpapatawad mo sakanya."

" Di ko kaya. Sa twing maaalala kong siya yung may kasalanan ng lahat, hindi ko magawang isipin na maaayos pa namin tong magpinsan."

" alam kong parehas kayong may pinaglalaban. At ayaw kong sumali sa kung ano mang away niyo... Pero, Pare... Isipin mo nalang... Iilan nalang yung mga taong nagmamahal sayo ng totoo,,hahayaan mo bang mawala ang isa sa mga yon nang dahil lang sa isang pagkakamali? " tanong ko sakanya. Hindi siya sumagot sakin at tiningnan niya lang ako na parang iniisip niya ng todo yung sinabi ko.

" Sabi nga diba, kelangan ng kapatawaran sa kung ano mang mga nagagawa natin, kasi di naman tayo perpekto. Si God nga di rin perpekto kasi... Ginawa niya yung mga taong kriminal, magnanakaw,mamamatay tao at kung ano ano pa... which is nilikha niya para sana pangalagaan ang mundo, pero hindi naman niya alam na magiging ganoon ang ugali o pagkatao ng nilikha niya diba? Yung sirain at bigyan ng sakit ang mundo. Pero still... Napapatawad pa rin niya tayo. Kahit nga sa simpleng salitang nasasabi natin may mga mali tayo ee pero di niya tayo kino'correct. Kaya, Pare. . " sabi ko sakanya saka ko hinawakan yun balikat niya.
" Hindi ko kinakampihan si Loiuse or kahit ikaw... Gusto ko lang magkasundo kayo, kasi maiksi nalang ang panahon natin at lalo pang umiiksi iyon sa bawat araw na nagdadaan. Wag na nating paabutin sa pagkakataon na... Nawalan na nga tayo... Nagsisisi pa tayo dahil hindi natin nabigyan ng halaga at importansya ang pagmamahal at pagpapahalaga ng taong mahalaga satin."

Hindi siya sumagot sakin kaya di na ko nagsalita pa. Tinapik ko nalang ulit ang balikat niya saka ako nagpaalan na kakain muna ko ng almusal saka ako lumabas.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sakin. Baka kasi inaasahan niyang kakampihan ko siya pero ang ginawa ko ay nagpangaral ako sakanya. Baka mamaya ayagtampo siya o magalit sakin dahil sa ginawa kong yun.

Pero... Wala naman akong kinakampihan, gusto ko lang magkaayos sila. Ipinaliwanag ko naman yun sakanya kaya alam kong maiiintindihan niya.

Pagkababa ko ay mga katiwala lang ang naabutan ko. Inalok nila kong kumain pero sabi ko hindi muna. Busog pa ko. Nanghingi nalang ako sakanila ng biscuit saka kape para kahit papaano ay may laman ang tiyan ko.

Nang pumunta ko sa terrace ay nakita kong nakatayo si Loiuse sa harap ng puno malapit doon sa upuan at isang table na bilog.

Gusto ko siyang iwasan, pero naisip kong kailangan kong mahingi ang side niya para malaman ko kung bakit din niya nagawa yun kay Paul.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon