NILO POV
Nang magising ako kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko. Sigurado ako ito ay dahil sa pag inom ko kahapon ng alak.
Pero nagtataka ko...
Bakit ba tinablan ako ng sobra. E, okay lang naman ako kahapon. Hindi ko nga nararamdaman na may tama na ko hatid ng alak dahil iniisip ko pa kung paano ko makakaalis sa inumang iyon.
Dahil, sa twing aalis ako ay may dadating, tapos manunumbat pa kapag pinilit ko ang sarili kong aalis na ko.
E ano magagawa ko? Baka sabihin at isipin nila, dumating lang sila umalis na ko. Parang walang pakikisama..At isa pa... Kagaya ni Paul, hindi ako mabilis malasing, pero bakit ganoon? Ano ba pinainom nila sakin at ang bilis kong nalasing?
Haay!
Peste!Bumangon ako at pagbangon ko ay nakita kong nandoon sa gilid yung mga pinamili ko kahapon.
Bakit nandito to? Diba, ibinigay ko to kay Kelly kaha----
" Shit!! "
Napahawak nalang ako sa ulo ko at napasabunot nang maalala ko na hindi ako nakapunta sa bahay nila Kelly!
Hindi nga ba?
Putsa! Bakit hindi ko maalala!Baka naman nakapunta ko??
Ano ba?!
Shit!Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga ko at pati ako ay nagtaka sa sarili ko.
Bakit ako nakahubad? E.. Hindi naman ako ng huhubad ng t-shirt kapag natutulog e..
Putsa!
Ano ba nangyayari sakin! Shems!
Pinuntahan ko yung mga pinamili ko kahapon at kumpleto iyon. Walang bawas! Pati yung gitarang binili ko para sakin ay nandito din.Shems!
Ano ba talaga ang nangyari?
Nakapunta ba ko sa bahay nila, tapos ay hindi niya tinanggap kaya inuwi ko ito? Ganun ba?O di talaga ko nakapunta?!
Diyos me!
Ano naman ang nagawa ko kung bakit hindi niya tinanggap ang mga pasalubong ko sakanya?
Teka?!
Nasabi ko ba sakanya na walang laman yung tiyan ni Carol?
Kung nasabi ko yun.... Bakit nagalit siya kung totoo ngang nagalit siya sakin?
Ibig sabihin.. Nagalit pa siyang hindi ko nabuntis si Carol?Ganun ba?
Hala!
Ano ba!! Naguguluhan na ko!
Putsa!
Asan ba ang mga kasama ko sa bahay!" Paul?! Paul?! Ate!! Nasan ba kayo?" Tawag ko pero walang sumasagot.
Shemay! Nasaan sila!
Wait nga.. Sumasakit talaga ang ulo ko.
Naupo ako sa upuan at napayuko ako habang hawak ko iyon. Kumikirot talaga yung utak ko.
Kakaiba yung kirot nun. Hindi ordinaryo. Gustong gusto ko na siyang ihampas sa pader, sa pagbabakasakaling mawala ang sakit nun.
Shit!!
Tumayo akong muli at nakita ko si Ate na lumabas sa kwarto niya lalapitan ko na sana siya pero napansin ko naman ang pagdating ni Paul galing labasan kaya napahinto ako.
" Ate? Paul? Anong nangyari?"
Mahinahong tanong ko habang nakahawak ang iaang kamay ko sa sintido ko." Ikaw?! Anong nangyari sayo!!"

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...