MABEL POV
Nag uurong lang ako kanina nang biglang may pumasok sa loob ng bahay na mga lalaking hindi ko kilala.
Maganda ang pakikitungo nila noong una pero di naglaon ay naging marahas sila at kung ano ano ang sinasabi.Noong una ay hinahanap nila si Kuya, kaya ang sinabi ko ay yung totoo. Na nawawala ito.
Pagkatapos ay hinahanap nila si Ate Kelly.
Tapos ay si Ate.
Si Kuya Paul.
Sa mga tinatanong nila ay parang kilalang kilala nila kami, pero hindi ko naman sila kilala.
At kahit kailan ay di ko pa mga nakita ang mukha nila. Ngayon palang talaga.
Pero, infairness.. Talagang may mga itsura sila, at napansin ko yun.Kinakabahan na ko noong una palang, Pero nang tanungin nila ang tungkol kay Caloy ay lalo akong kinabahan. May kinuwento sila sakin kung paano namatay si Caloy at kung sino daw ang pumatay.
Sa mga sinasabi nila pinapalabas nilang lalaki ang pumatay at mayaman daw yun, kaya kinabahan ako ng husto.
May sinasabi silang Boss daw nila ang pumatay. Marami na raw itong napatay at ngayong araw daw ay may napatay na naman ito.Nang sabihin nila sakin yun ay lumakas talaga ang kabog ng dibdib ko.. dahil baka si Kuya ang tinutukoy niya o kaya ay yung mga wala sa bahay. At kaya sila tanong ng tanong ay dahil binibigyan nila ko ng Clue.
Nang maisip ko yun ay pinalayas ko sila, dahil takutin na nila lahat, wag lang ako. Duwag ako.
Tapos ay babanggitin pa nila sakin si Caloy. Sino bang matutuwa sa mga pinagsasasabi nila.
Patay na nga yung tao, pero pinagchi'chismisan pa nila at binabalik pa sa alaala ko.Depress na depress na ko sa pagkawala niya tapos ay eto na naman! Ipapaalala na naman nila!
Hinayupak sila!Pero habang pinagtatabuyan ko sila, at habang may kasagsagan pa ng ulan ay nagulat nalang ako ng bigla nila kong hawakan sa braso at takpan ng panyong may nakakasulasok na amoy sa ilong ko.
Hindi ko alam kung saan nila ko dinala.
Basta pagkagising ko ay mag isa lang ako.
Nakaupo sa isang upuan at nakatali ang dalawang paa at ang aking kamay habang ito ay nasa likod ko. Pati bewang ko ay tinalian.
Diyos ko! Pag ako ay naging manananggal dito. Talagang pagpapapatayin ko kayo. Hindi ko kakainin ang dugo niyo dahil ayaw kong magkaroon ng dugo'ng kidnappers. Hmmm!.Sobrang dilim dito, pero alam kong isa lang ang nagbabantay sakin na nasa labas ng hinayupak na bulok na lugar na to. Dahil kanina ay nagpakita na siya sakin at iyon ang sinabi niya. Manahimik daw ako dahil siya lang daw ang bantay ko at naririndi na siya.
Dahil sa ginawa nila sakin ay ininis ko siya. Sumigaw ako ng sumigaw saka ako kumanta ng Chandelier.
Gusto ko pang sumigaw saka kumanta pero pinasakan na niya yung bibig ko ng panyo para daw di ako makapag ingay dahil naririndi siya sa boses ko. Akala niyang kay ganda ng boses niya! E di siya na! Sumali siya singing contest! Asar siya ha!
Wala naman daw makakarinig sakin dahil liblib daw ito at walang kalapit na bahay dito para marinig ako. Kaya manahimik nalang daw ako kung ayaw ko daw pasabugin niya ang bunganga ko.
Syempre, sa takot ko ay nanahimik nalang ako kahit nilagyan niya ng pasak ang bunganga ko.
Abnormal to e! Nilagyan ako ng busal tapos wag daw akong sisigaw. Paano nga ako makakasigaw e may busal nga!
Napaka tanga ng kidnaper na to!
Sa lahat ay siya ang pinaka tanga tapos ay pinaka pangit pa!
Hindi ko naman siya nakita kanina nung kidnap'pin nila ko e. Tatlong lalaking mga naglalakihan ang muscles at nag'gagwapuhan iyon pero ang isang ito ay payat na nga e para pang liliparin talaga ng hangin dahil walang muscles! Hipan ko kaya to! Saan kaya mapupunta to! Baka mauna pa to sa Japan. Haay!
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...