PART 24

24 3 0
                                    

KELLY POV

Gusto kong magalit sa sarili ko, dahil sa twing makakaharap ko si Tito Enrico nawawalan ako ng lakas ng loob. Gusto ko siyang kausapin para humingi ng tulong pero alam kong sa simula palang ay ayaw na niya sakin para sa anak niya.

Gusto kong sampalin ng paulit ulit ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Pinlano ko na to kagabi na kapag nagpunta kami ni Nilo sa bahay na yun ay hihingi ako ng tulong kay Tito Enrico kung sakaling hindi pa nakakabalik ng bansa si Joshua.

Naisip ko na hindi niya ko makikilala sa itsura ko, pero alam kong tutulungan ako ni Nilo na magpaliwanag. Kaso.... Wala ee... Wala na naman akong nagawa sa buhay ko. Palpak na naman ako.

Hindi na ata talaga ako magiging masaya kasama sila..

" Kelly? Kelly? Ayos ka lang ba?" Tawag ng isang boses sa labas ng pintuan.

Si Nilo iyon.

Pinunasan ko muna ang mga mata ko at pisngi ko saka ako sumagot.

" Bakit?"

" Pwedeng pumasok?" Tanong niya at pumayag naman ako. Hindi naman nakalock yung pinto kaya nakapasok siya.

Nakatingin ako sa bintana nang pumasok siya. Hindi ko siya tinitingnan dahil makikita nuya yung mata ko.

" Alam kong may tinatago ka sakin... Oh... Punasan mo yung luha mo. " sabi niya saka may inabot na panyo sakin.

Tiningnan ko siya ng dahan dahan. Naiinis ako sakanya!

" Pang ilang panyo mo na ba ito na ibinibigay mo sakin kapag umiiyak ako?" Medyo nakangiti kong tanong sakanya kaya nangiti rin siya.

" Hindi mo kailangang bilangin yun.... Kahit ibigay ko sayo lahat ng panyo ko, gagawin ko. Matigil lang ang pag iyak mo." Sabi niya.
" Weh? "

" oo naman. Bakit naman hindi diba? Sabi nga nila, kung meron ka ibahagi mo sa iba kahit walang kapalit makuntento ka..."

Eto na naman siya! Nagpapaka mysterious type na naman.
Kinikilabutan na naman ako through his words.

" Nagsermon ka na naman father Nilo. " natatawa tawang sabi ko.

Ngumiti lang siya sakin saka ako hinawakan sa pisngi ko, na siyang kinagulat ko.

Nakatitig siya sakin. Hindi ko mabasa ang ibig niyang iparating through his moves. Ayaw kong magbigay ngalisya tulad ng dati, dahil alam kong wala naman.

" Nilo?" Usal ko. Para magising siya kung sakaling nananaginip siya ng gising.

" Itong mga luhang to... Gusto ko.... Ngayon ko nalang ulit makikitang papatak to ha. " sabi niya at sa hindi ko alam na dahilan ay parang may kung ano ang kumurot sa dibdib ko. Parang may nahugot na malaking buto roon, at akala kong may isang bagay ang inialis sakin.

" hindi ko naman maiiwasan yun, Nilo. Hanggang sariwa sakin ang lahat mahirap kalimutan."

" Hayaan mong tulungan kitang makalimot? " gulat akong napatingin sakanya ng sabihin niya yun.

" Anong--- ibig mong sabihin?" Medyo nanginginig na tanong ko dahil baka may iba siyang binabalak sakin at tama pala ang kutob ko kung magkakataon.

" hindi ako katulad ng iniisip mo. Maraming bagay ang pwedeng gawin para makalimot pero hindi sa tulong ng naiisip mo, o sa tulong ng bagay na nagpapakaba sayo. Kilala ko ang sarili ko, at di ko gagawin ang bagay na yun."

Medyo nahiya ako ng konti pero nabawi ko rin agad.
" So, sa paanong paraan?" Tanong ko pero di na siya sumagot at ngumiti nalang.

" mamaya na ang biyahe natin. Magimpake ka na kaya ng galit mo, imbes nag iiiyak ka." Mapang asar na sabi niya.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon