KELLY POV
" alam mo, Kelly... Ang totoo kasi niyan ay......."
Hinintay ko lang sabihin niya ang susunod na salitang sasabihin niya kaya nakatingin ako sakanya.
" Ano??" Mahinang bulong ko
" ang totoo kasi ay hindi ko pa talaga alam kung inlove ako sakanya."
" Hala!. E kelan mo pa malalaman! Ikaw naman!. Wag mo nang isipin na kabahan! Alisin mo yang daga sa dibdib mo! Kay lalaki mong tao e kay duwag duwag mo!"
" Hindi naman sa duwag.... Natatakot lang ako kasi alam ko.... May siyang iba." Sabi niya nang seryosong nakatingin sakin.
May naramdaman akong kakaiba sa mga tingin na yun kaya umiwas ako ng tingin.
Ayaw ko namang bigyan ng meaning yun kaya binura ko nalang agad sa isip ko. Hindi naman niya ko magugustuhan dahil sa itsura ko ngayon, at kung magustuhan man niya ko... Hindi pwede... Hindi pwede dahil may mahal na ko. At hinihintay ko ang pagbalik niya.
" E ikaw ba? Nagka boyfriend ka na? Bukod kay Joshua" tanong niya sakin.
" Hmmm... Si Joshua lang ang minahal ko. First crush... First love and first boyfriend. "
" Ganun din siya sayo?" Tanong niya pero umiling ako.
" may mga naging ex'es na siya. Siguro mga... Tatlo yun.. Tapos may humahabol pa sakanya mula nung naging kami at hanggang ngayon desperadang desperada siyang maagaw sakin si Joshua." Natatawa tawang kwento ko. Pero nang maalala ko lahat ng masasayamg araw namin ni Joshua, ay biglang nagbago ang itsura ko. Ang kaninang medyo nakangiti ay napalitan na nang lungkot.
" Sabi ko naman sayo... Wag mo muna siyang isipin. Saka mo na siya isipin kapag nandyan na siya. Kapag handa na ang lahat. Sa ngayon.. Magpapagaling ka muna. Sasamahan kita bilang bago mong..... Kaibigan."
Kinabahan na naman ako sa sinabi niya. Bakit ba ganun yung epekto sakin nang paraan ng pagsasalita niya. Parang may double meaning. Parang laging may ibig sabihin.
" Pwede mo ba kong samahan?" Biglang usal ko para maiba ang usapan.
" Saan?" Tanong niya.
Sinabi ko kung saan kami pupunta at pumayag naman siya. Umalis kami sa park na iyon at tinungo ang destinasyon para makapunta sa bahay ni Joshua.
Nang makarating kami doon ay nakatingin lang ako sa bahay nila. Nag aabang lang ako kung may makikita kong Joshua na lalabas mula sa bahay na to..
" Hindi ka ba mag do'doorbell? Tatayo lang ba tayo dito?" Tanong niya sakin.
" Hindi. Hihintayin ko lang kung may lalabas na Joshua diyan sa bahay." Walang tinginang sabi ko.
" Kung maghihintay ka. Wala kang mapapala. Ako na mag do'doorbell---." Sabi niya pero pinigilan ko siya.
" Anong ginagawa niyo dyan?!" sigaw ng isang lalaking kabababa lang ng sasakyan niya. Hindi namin napansin ang pagdating niya kaya hindi na kami nakapagtago.
" Sino kako kayo?! Bakit nandyan kayo sa labas ng bahay ko. Magnanakaw kayo no?!"
" Tito Enrico?" Mahinang bulong ko.
" Ahmm... Hindi po!.. Dadalawon lang po sana namin si Joshua! Kaibigan niya po ako! E... Mayroon po kasi kaming... Hang out. Kailangan niyo po sanang sumama." Gulat akong paliwanag ni Nilo kaya napatingin ako sakanya.
" Joshua is not here.. Nasa States pa rin hanggang ngayon. Next month pa ang uwi niya." Paliwanag ni Tito.
" Bakit po siya nandon?" patay malisyang tanong ko.
" Ginagamot kasi don yung bwiset niyang girlfriend. Sana nga natuluyan na e.. Mga tatanga tanga kasi.. Ayun! Nasunog ang buong katawan.. " Sabi niya kaya medyo kinabahan ako. Hindi direct to the point yung sinasabi niya pero kung iisipin mong mabuti... Parang may kakaiba.
" Ahh... So next month pa pala."
" So, nasagot ko na yung tanong niyo? Umalis na kayo. Baka mamaya mahawa kami ng virus o ano pamang uri ng galis dyan sa kasama mong yan." Panlalait niya sakin saka muling sumakay ng kotse niya saka bumusina nang pagkalakas lakas.
" Wag mo nang isipin yun. Bakit? Akala ba niya gwapo siya? May kotse lang siya saka mayaman pero di siya gwapo. Akala mo kung makapanlait. Gago! "
" Huy! Akala ko ba huwag isipin? E bakit ikaw ang galit na galit?"
" E diba nga sabi ko sayo hanggang kasama mo ko. Ililigtas kita... Hanggang kaya ko."
" Kahit mamatay ka?"
" Kahit ikamatay ko maligtas lang kita." Ayan na naman yung mga paraan ng salita niya.
" Ewan ko sayo! Tara na... " walang ganang sabi ko saka nagpatiunang naglakad habang inaaayos ang balabal na nakatakip sa mukha ko.
Wala akong kibo habang nasa biyahe. Iniisip ko yung sinabi ni Tito Enrico tungkol sakin. Alam kong hindi niya pinapatukoy sakin ang salitang yun dahil ang alam niya ay nandoon si Kelly sa States pero, bakit ganun siyang magsalita? Galit ba siya sakin?
Pero ito yung tanong e....... May kinalaman kaya siya sa nangyaring pagsabog kaya ganun nalang siyang magsalita kanina na parang gusto niya kong patayin at mabura sa buhay niya. Ano bang nagawa ko?
Sana hindi tama ang kutob ko na meron nga siyang alam. Or worst.... Siya mismo ang may pakana nun...
Wag naman sana.
Haay!! Kelly! Don't think of that
Nang makarating kami sa bahay ay nakita namin si Mabel at si Caloy na naglalambingan sa loob ng bahay.
Wala naman silang ginagawang masama pero itong kuya niya.. O.A.
" hoy! Bakit nandito ka? Bakit nakakiya ka sa Kapatid ko? Linta ka ba?!" Tanong niya kaya medyo napangisi ako.
" Sorry po, nagmamahalan lang naman po kami e.. Saka di ko sasaktan yung kapatid mo. Kasi,... Mahal na mahal ko to e.." Sabi ni Caloy saka pinisil ang pisngi ni Mabel na ngayon ay parang iniihaw na bulate kung kiligin.
" Alam kong mahal niyo ang isa't isa. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras. Mag aral muna kayo, saka ko kayo papayagan. Pero kung susuway kayo... Tutulan ko kayo." Sabi nito kaya nagulat ako.
Nagulat ako dahil parang naiba ang pakikitungo niya dito.
Dahil ba sa?? Niligtas siya nito? O dahil sa.... Nakokonsensya na siya sa pagharang niya sa pagmahalan ng kapatid niya at ni Caloy." talaga Kuya? Wala kang sakit? Wala kang lagnat? Baka naman epekto lang yan ng pagkabagok ng ulo mo. Pacheck natin?" Naguguluhang tanong ni Mabel.
" Huwag mo kong inisin. Baka magbago ang isip ko." Sabi nito saka tumalikod.
" Salamat, Kuya Pogi." Sabi ni Caloy kaya napabuga si Mabel habang tumatawa.
" Hoy! Tinatawa mo? Pogi naman ako ha! Diba Kelly?" Tanong niya sakin kaya nagulat ako.
Bakit ba ganun! Bakit ba pagnagsasalita siya ng ganun.. Iba yung impact! Iba yung dating! Kinikilabutan nalang ako bigla.
Nataranta nalang ako at nangangapa ng isasagot, pero ewan ko ba! halos hindi bumukas ang bibig ko para magsalita.
Oo... Gwapo siya.
" O sige! Ganyan naman kayo e! Pero ikaw Caloy! Hindi dahil sa niligtas mo ko kaya nagbago ang isip ko na ligawan mo ang kapatid ko pagdating ng tamang oras, kaya kita pinayagan dahil narealize ko na... Mahalaga pala sa tao ang magmahal... At at importamte rin na... nagmamahal ka. Kaya wag kang assuming." Sabi niya saka lumabas ng bahay. At sa sinabi niyang iyon, kinuryente na naman ako ng mga salita niya..
Napapikit nalang ako habang sinasabi sa sarili ko na wag ipasok ang salitang yun sa sistema ko. Dahil alam kong hindi para sakin yun... At......
Bakit ba kasi iniisip kong para sakin yun! E hindi naman ako yung mahal niya! Saka..... Si Joshua ang mahal ko. At hindi yun magbabago!
Masyado lang ako kung mag isip..
Tama!. Don't think like that, Kelly! Do not! Okay?! Okay!!
.....
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...