ONE YEAR AGOMabilis lumipas ang panahon para sa lahat. May mga nangyari nang pangyayari sa buhay ng lahat. Isang taon din ang dumaan matapos ang aksidente at ang lahat nang nangyari sa Batangas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinihintay ni Kelly.
Araw araw silang bumabalik sa bahay ni Joshua ngunit walang tao roon. Maging si Enrico ay umalis na rin daw at pumunta na ng States.
Nawalan na nang pag asa si Kelly na makita niya ang pamilya niya dahil hindi na niya alam kung babalik pa ang mga ito o hindi na. Gusto na niyang bumitaw ngunit laging pinalalakas ni Nilo ang loob niya at pinaniniwala siyang magkikita pa rin sila basta maghintay lang ito.
Kung tutuusin ay may pagkakataon na si Nilo para ligawan at angkinin si Kelly, pero hindi niya ginawa dahil alam niyang hindi ito tama.Sinabi na naman nung una palang ng magkakapatid na Herlindez na welcome siya sa bahay ng mga ito kaya doon na nanirahan si Kelly at dahil sa pagkakataong iyon ay mas lumalim at mas nakilala ni Kelly at Nilo ang isa't isa.
Mas lalo silang naging malapit sa isa't isa. Laging umaalis para mamasyal at kung tutuusin ay parang may relasyon na sila pero wala pa naman. Dahil tuloy pa rin ang deal nila about doon sa L.A. kahit na isang taon na yung lumipas mula nang pagpasyahan nila yun ay nanatili talagang pustahan sa kanila yun.
Ganun din naman ang iba. Si Tanya at Paul, Mabel at Caloy ay mag on na, Si Kelly at Nilo nalang ang malabo sakanilang anim.
Sa lumipas na isang taon ay tuloy ang buhay nila sa pagiging simple, makalokohan, pagtutulungan, pagmamahalan, at asaran. Kinabuhay nila ang pag dadrive ng tricycle ni Nilo ganun din si Paul na namamasada na rin. Yung naipon niyang pera na pinapadala sakanya ng mga Magulang niya ang pinambili niya ng tricycle. Ayaw daw niyang gitin ang diploma niya dahil hindi naman daw iyon ang passion niya. Hindi rin naman daw niya passion ang magdrive at maging driver nalang, kaso.. Yun lang daw ang pwede niyang pagkakitaan para makatulong. Pinadadalhan din siya ng Lola niya which is hindi alam ng mga magulang niya. At yun ang ginagamit nilang pang'gastos kung minsan ay magkulang sila sa budget. At nagiging pambili rin ng luho ni Paul.
Si Mabel naman ay tumutulong pa rin sa Ate niya sa pagiging Waitress doon sa panciteria/carinderia. Ayaw nitong mag aral kaya sabi niya tutulong nalang siya.
Si Caloy ay katulad pa rin ng dati. Nag aaral ng pagiging doktor at namamasada din kapag walang ginagawa. Gustuhin man niyang wag mag aral ay hindi pwede dahil papagalitan siya ng Tatay at Nanay niya. Pinag aaral lang din kasi siya nang nakatatanda niyang kapatid na nasa Dubai. Kaya kailangan niyang pagbutihan para sa kinabukasan niya at para na ring sukli sa ibinibigay sakanyang tulong.
Si Tanya naman ang punong abala sa mga kailangang budget'in at sa mga pagluluto. Kagaya nang dati ay wala siyang pinagbago. Maingay pa rin at puro sermon pero, mas nabawasan ng konti... Para sa kapatid niya. Kay Paul mas madami.
Kung tutuusin nga ay pwede nang magpakasal ang dalawang yan.. Ganun lang din naman, sama sama sila sa iisang bahay, sa gastusin.
Si Kelly naman ang laging nasa bahay upang gumawa ng mga gawain. Minsan ay tumutulong kay Mabel at lagi din ay gumagawa ng leche flan para maitinda ni Tanya dahil patok ito sa mga customers.
Pero mas madalas ay laging nasa lakwatsa si Kelly at Nilo. Laging magkasama at hindi natatapos ang araw nang hindi sila pumupunta sa bahay ni Joshua.
Kung tutuusin nga, parang tanga na si Nilo sa ginagawa niyang pagsasakripisyo. Tama si Paul noon, Pwede siyang ihelera sa tatlong paring GOMBURZA dahil sa kamartiran. Dahil pwede naman niyang angkinin si Kelly, pero palagi pa rin niyang pinipilit at pinagtutulakan si Kelly para kay Joshua.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...