KELLY POV
" Ate bakit?" Tanong ko sakanya. Hindi nan siya sumagot at nanatili lang na nakayakap sakin.
" Pare, sobrang pagsisisi yung daladala ko araw araw dito sa puso ko. Araw araw hindi ko makalimutan yung kahayupang ginawa kong yun. Paano kung mabuntis ko yung babaeng pinakamamahal ko? Pero alam kong magagalit sakin si Daddy? Paano kung sakanya ko magawa yung ganung paraan. Sobrang Gago ko! Tang inis pare!."
" Tama na. Napasama pa na iyan ang nabunot mo e.. Tama na."
" okay lang pare.. Last na to oh.. One slot para sa pinagsisisihan ko... Guys, Sa apat na sinabi ko... May isa akong pinaka pinagsisisihan. Yun ay yung iniwanan ko nang hindi ko nasasabi sa taong mahal ko na mahal ko siya. Although, alam niyang may gusto ko sakanya... Pero yung malaman niya kung gaano ko siya kamahal... Yun ang hindi niya alam. Kaya ngayon... Sa mismong harap niya... Sasabihin ko yung totoong nararamdaman ko... Kahit sa daan daang babaeng nagalaw ko, napaglaruan ko... Wala akong ibang ipinalit sa puso ko. Ikaw lang yung nandito. Handa akong mamatay, para sayo. Handa akong gawin lahat para sayo... Kasi mahal na mahal kita, Tanya. Alam kong nagbago ang tingin mo sakin, pero mas mabuti na to diba? Walang tinatago.... Para.. Para mas matibay yung tiwalang ibibigay mo sakin... Hindi ko na naman gagawin yun ee.. Sawa na kong magkimkim ng sikreto at galit sa sarili ko. Tanggap ko kung hindi mo ko naiintindihan. Hindi naman talaga kasi dapat intindihin ang isang katulad ko na walang ibang ginawa kung hindi kagaguhan, katarantaduhan at kung ano ano pang kasamaan. "
Ramdam ko ang pag higpit ng hawak sakin ni Ate Tanya. Kinomfort ko naman siya dahil ako ang katabi niya.
Alam ko kung bakit to nagkakaganito. Nasasaktan to.
Wala na kong narinig pang sinabi ni Paul, malamang ay natapos na siya kahit paano. Hindi ko na rin kasi masyadong pinakinggan pa yung huli niyang sinabi dahil mas tinuon ko ang pansin ko kay Ate Tanya.
" wait! Ako na yung susunod! Teka lang magpupunas lang ako ng luha. Naiiyak pa rin ako hanggang ngayon." Sabi ni Mabel. Nakatayo siya ngayon habang nagpupunas ng mga luha niya sa mata at sa kanyang pisngi.
Nakasandal lang sakin si Ate Tanya habang hindi ko alam kung umiiyak ba siya o hindi. Tumingin ako kay Nilo at nakatingin din siya sakin. Nakaakbay siya kay Paul at parang inaamong wag ng umiyak.
Wag na kayang ituloy to? Baka mamaya saming mga susunod may mga umiyak din.
" Okay, Guys! Eto na. Wala nang iyakan ha! Naiiyak talaga ko e!" Panimula ni Mabel tapos huminga siya ng malalim saka muling nagpatuloy basahin yung tanong na napunta sakanya.
" Kung may mga tao sa buhay mo na hindi mo nakasama ng mahabang panahon, Sino sila at bakit gusto mo silang makasama? Kung mayroon ka namang taong ayaw mong makasama na kasama mo sa buhay mo ngayon, Sino sila at bakit ayaw mo silang makasama?"Mukhang iyakan to the max na naman to.
" Uunahin ko na yung huling tanong. Actually, wala akong mga taong ayaw makasama sa buhay na kasama ko ngayon. Masaya nga ako dahil kahit may mga problemang dumarating, kasama ko pa rin sila at still nadadagdagan pa.. Hindi nang iiwan. Hindi ako pinababayaan kahit matigas ang ulo ko. Lagi lang silang nandyan, Kayo.
Tapos Yung sa unang tanong naman... Kung... Sino yung... Mga gusto kong makasama na wala na ngayon... Siguro masasabi kong... Mga magulang namin. Nung nawala kasi sila... Nagkaroon kami ng tampuhan ni Tatay e.. Yung tampuhang yun, dahil lang sa isang fieldtrip na hindi ko nasamahan dahil walang pera. Pero dahil matigas yung ulo ko, ilang araw ko siyang hindi pinapansin... Katulad ni Kuya.. Parang nawalan ako ng respeto sa kanila kung tutuusin."
Nang sabihin ni Mabel yun, ay napatingin ako kay Nilo.
Suwail sa magulang si Nilo?Nang maramdaman niyang nakatingin ako sakanya,ay parang napahiya siyang nagbaba ng ulo niya.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...