"Aalis ka na naman ba, Raven?"
Tanong ni Isabelle sa kaibigan na halos tatlumpung minuto nang sinusuklay ang mahaba nitong buhok sa harap ng salamin. Sige na, siya na ang may mahaba at straight na straight na buhok. Yung para sa commercial ng shampoo.
"I have a date," nakangisi nitong sagot sa kanya. "Ikaw kasi Ish, ayaw mong sumama."
Napabuntong-hininga nalang siya at umiling.
Minsan nang sumama siya dito sa bar para gumimik ay naburyong lang siya. Wala siyang hilig makipaghalubilo sa mga lasing na nagsasayaw sa makapal na usok ng sigarilyo at nakakabinging tugtog. Mas gugustuhin nalang niyang magbasa ng libro sa bahay at doon magrelax.
"Hay nako. Maganda ka na. Mababasag na 'yang salamin sa kakaayos mo." Pabiro pa niyang kinurot sa tagiliran ang kaibigan. Pero parang napalakas yata dahil bigla itong ngumiwi.
"Ito talaga ang violent, hmp." Ismid ni Raven sa kanya.
"Grabe ka, kurot lang naman yan!"
Di talaga niya malaman kung bakit magkasundong-magkasundo silang dalawa. Magkaibang magkaiba sila mula sa pananamit, pagkilos at ugali. Lalo na siguro sa hitsura.
Maganda si Raven. Petite at meztiza, siya naman ay parang poste sa tangkad na 5'9" at morena. Ni hindi siya nagaayos ng sarili. Hinahayaan nalang nila ang kanyang kulot at malagong buhok na nakapusod. Mukhang may kaya din ang pamilya ng kaibigan, suportado ang halos gabi-gabing gimik, wala naman itong trabaho. Hindi nga niya malaman kung bakit kailangan pa nito ng roommate, mukhang kayang-kaya naman nitong bayaran ang renta mag-isa.
"Hay, ayaw mo ba talagang sumama?" tanong ni Raven sa kanya habang inaayos ang itim na tank top para lalong maemphasize ang dibdib.
Grabe. Kailangan pa talagang ipamukha sa kanya na wala siya noon?
"May ipapakilala sana ako sayo." Tuloy nito.
"Wag na, mapagkakamalan na naman akong yaya mo n'yan eh."
"Sira ka talaga, mas maganda ka pa sakin kung mag-aayos ka. Hindi yung nakapajama ka lagi, sayang ang figure mo saka yang legs mo." Puna nito sa kanya.
"Di bagay sa kin, no."
"You don't even try, Ish. Wala ka lang confidence, eh."
"Hay, sorry naman. Sabi ko nga, di ko talaga hilig yan."
"Talagang di kita mapipilit?"
Umiling siya. Ngumuso naman ang kaibigan. "Sige na nga. Alis na nga ako."
"Umuwi ka ng maaga." Paalala pa niya kay Raven nang tuluyan nang lumabas ng pinto.
"Bye Mommy!"
"Luka-luka!"
Dinig na dinig pa niya ang matinis na tawa ng kaibigan bago pa marating sa gate nila.
Napabuntong-hininga nalang siya.
Alam niyang magtwe-twenty four na si Raven pero batang-isip parin. Malamang kasi, wala naman kasi itong inaalala.
Siya, may tatlong kapatid pa siyang pinag-aaral sa probinsya. Kailangan niyang pagkasyahin ang kinikita niya para sa mga ito. Magkaedad lang sila halos ng kaibigan pero pakiramdam niya, mukha na siyang singkwenta anyos dahil sa stress at problema.
Pumunta nalang siya sa bookshelf at naghanap ng mababasa. Iyon lang naman kasi ang hilig niya, nawawala ang pagod niya kapag nakakabasa siya nang magagandang kwento. Para na rin siyang nadadala sa mundo ng mga characters doon. Sa totoo lang nabo-bore na rin siya sa takbo ng buhay niya. Trabaho-bahay lang kasi. Wala man lang bahid nang kung anong adventure.
Kumuha siya ng isang libro sa shelf. Umupo sa couch at nagsimulang magbasa.
Kay Anne Rice pala ang nadampot niya. Ilang beses na niyang nabasa ang librong hawak pero di parin siya nananawa.
"Vampires..Paano kaya kung totoo sila?" tanong niya sa sarili.
Nang nasa kalagitnaan na siya ng pagbabasa nang marinig niya ang sunod sunod na doorbell. Si Raven na naman, naisip niya. Medyo absent minded talaga ang kaibigan at laging may nalilimutan.
Tumayo siya at lumakad sa pinto. Binuksan niya pero walang tao. Nakasara din ang gate nila at sarado na rin ang ilaw ng mga kapitbahay.
"Rave?" tawag niya. Walang sumagot. Baka nasira lang ang doorbell, ipapaayos nalang niya ito sa landlady bukas.
Isasara na niya sana ang pinto nang may mga kamay na humawak at tumakip sa bibig niya mula sa likuran. Ni hindi na nya nagawang makasigaw sa pagkabigla.
"Don't make a sound." Utos nito. Lalaki. Mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada at malaki ang pangangatawan.
"Move."
Tumango na lang siya at sumunod sa utos nito. Nanginginig ang tuhod niyang lumakad habang iginagabay siya nito papalabas ng gate nila.
Binuksan nito ang itim kotse na nakaparada sa harap ng gate at itinulak siya papasok sa passenger seat saka sinara ang pinto. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya itong umupo na ito sa tabi niya.
"S-sino ka? Saan mo ako dadalhin?" Kinakabahan niyang tanong.
"Hindi kita sasaktan," sagot nito habang binubuhay ang kotse. "May kailangan lang ako sayo."
Napatitig siya sa kidnapper. Napanganga. Kung ibang babae lang siguro ang kinidnap nito ay malamang ay kusa na itong sasama.
Napakagwapo ng lalaki. Parang modelo sa isang fashion magazine. Mukha itong Pilipino na nahaluan ng European blood. Nakaponytail ang mahaba nitong buhok sa batok habang bakat naman ang muscles sa suot nitong hapit na white tshirt.
Bukod doon ay napakabango nito. Parang bagong lutong sinaing na masarap—
Shut it Isabelle! Kidnapper yan! Sigaw ng utak niya.
"A-anong kailangan mo?!"
Nag-panic na siya ng namalayan niyang nasa highway na sila. Bumubuhos na rin ang ulan. Palakas na nang palakas.
"San mo ako dadalhin? Wala akong pera! Wala akong pangbayad ng ransom sayo!"
"Look, I told you Miss, hindi kita sasaktan. Di ko rin kailangan ng pera mo." Seryosong sabi ng lalaki.
"Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" sigaw niya. Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso.
"Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!"
Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. Walang epekto ang pagwawala niya. "Itigil mo to! Ibaba mo ako!"
"Damn it woman, mababanga tayo sa ginagawa mo!" Sigaw nito habang inaawat siya ng isang kamay.
"I don't care! Ibaba mo ako!"
Isang malakas na ilaw ang lumitaw sa harap nila kasabay nang nakakabingi nitong busina.
"Shit!"
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...