“It's been three days…” Napabuntong hininga nalang si Raven.
Hindi parin gumigising si Vicky. Mukhang malala yata ang epekto ng traquilizer na binigay niya. Si Dom na ang nag-aasikaso ng mga kailangan sa company nito. Ci-nancel lahat ng appointments and meetings. Pinalabas na nag collapse at naospital ito dahil overworked na.
Noon lang niya nakitang umiyak at magwala si Vicky. Bukod sa pugsulpot ni Fritz, sa sobrang dami nang ginagawa na rin siguro kaya patong-patong ang stress na naramdaman nito. Mas mabuti na rin na mahaba ang tulog noon.
Nagawa na rin ni Liz ang pinapagawa niya. Naibigay na nito ang mga files na kailangan niya. She found out na nandito rin pala si Alejandro ng mga panahong iyon, lumalakas na ang ibedensya niya.
Pero andito din ang Daddy niya. And then si Pierre. Alam niyang pinaghahanap rin siya nga mga yon ten years ago.
No. She have to crossed out her brother. Hindi magagawa yon ni Pierre. Kahit may pagka-sutil yun noong mga bata pa sila, imposible nitong gawin yon.
"Ate,”
Napatingala siya sa nagsalita. Si Raffy. Kakauwi lang nito ng Pilipinas at dumiretso nang makipagkita sa kanila. “Umorder na daw si Kuya para sayo."
Nasa isang fast food chain sila ngayon. Malapit lang sa building ni Vicky. Si Dom muna ang nagbabantay ngayon, tapos na rin naman ang mga appointment nito sa opisina. Baka bumalik si Fritz at kidnapin ang amo niya kaya ayaw nitong iwan mag-isa. Thirty minutes lang din ang binigay sa kanila nito. Sinabi ring wag silang lumayo ni Kiel, baka kailanganin nito ang tulong.
Nakakunot ang noo si Raffy pag-upo sa silya sa harap niya. "Kumakain ka talaga? I mean, solid foods?" tanong nito.
Tumango siya. Ngumiti. Hindi talaga nagbabago ng ayos itong si Raffy, mas maganda sana ito kung nakapangdamit babae, naiisip niya. Maybe it's her way of coping sa nangyari.
"Asteg!" ngumisi lang ito ng malapad sa kanya. "Ngayon lang ako nakaencounter ng katulad mo. Promise di ko ipagsasabi sa iba. Friends tayo diba? Wala namang rules na bawal kaming makipagkaibigan sa inyo,"
Ngumuso ito sa nakapilang si Kiel sa may counter. "Tingan mo si kuya, daming naging girlfriends niyan na gaya mo."
“Girlfriends?” Tanong niya. Napataas nalang kilay niya. Naalala niya yung mga heiresses na naging clients nito. Yun ba tinutukoy nito?
Napatakip si Raffy ng bibig. "Opps, di niya binanggit sayo no? Don't worry, ex na niya ang mga yun." Kumaway pa ang mga kamay nito.
Napatawa nalang siya. Napaka-animated ng kapatid ni Kiel. Parang bata talaga, naiisip niya.
"Pero kailangan mo parin ng dugo diba?" Tanong uli nito. Makulit din pala, magkapatid nga sila ni Kiel.
"Yes, I still need to. Kahit kumain ako ng marami, mauuhaw parin ako sa dugo."
"I see, I see," tumango-tango ito sa sinabi niya. "Usually kasi di kaya ng digestive system niyo i-absorb ang solid foods diba? Paano nangyari ikaw, Ate Raven pwede?"
"My mother's an Ancientblood Raffy." Siguro pwede nang explanation yun. Alam naman siguro nito ang history nila. Namana niya ang mga bagay na iyon sa mommy niya. Silang dalawa ni Pierre.
"Whoaaaa," napanganga lang si Raffy sa kanya. "Wait, Ate. You mean, may natitira pa ba kanila? I thought extinct na ang mga Ancient. Di ba nagka away-away ang mga Coven noon? Sila ang natalo. Naubos pati lahat ang direct line ng lahi nila? May nagkwento sakin dati noon eh."
"Sa Europe nangyari yon. Ibang lahi, Taga-dito ang Mommy ko Raffy."
"Paanong taga dito Ate? Hindi Sang-Real Coven? Local vampires? Ano yun, Aswang?" Di talaga mauubusan ng tanong ang isang to, naiisip niya.

BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampiriEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...