Simula palang ba noong una alam na ito ni Vicky?
Binalik ni Raven ang cellphone sa bulsa pagbukas ng elevator. Tinawagan niya si Dom. Gising na nga daw yung amo niya. Mabuti naman at di na niya kailangang kalampagin ang kwarto nito.
D*mmit.
She don't know who to trust anymore. Pati si Vicky, naglilihim na sa kanya.
"Oy! Nang-iiwan ka." Pasara na sana ang pinto ng elevator ng biglang pumasok si Kiel.
"You should have stayed with your sister." Sabi niya.
Umaakayat ang elevator. Kailangan niyang pigilan ang galit niya. Inayos nalang niya ang pagkakahawak sa folder na binigay ng kapatid nito.
"Tapos ano? Hahayaan ko nalang bugbugin mo si Vicky?" tanong nito.
A oo nga pala. Yung babaeng yun ang nagpapasweldo kay Kiel. "Magkano ba ang ibinabayad sayo ng babaeng yon?"
"I'm not after the money Rave, wala na akong paki-alam dun." Sagot naman nito.
"Ano bang eksaktong pinagkasunduan niyo?"
"Bodyguard ang trabaho ko diba?"
"Yun lang?" Tiningnan niya lang si Kiel ng masama. May tinatago din ba ito sa kanya? "D*mmit Kiel, say it!"
"She just wanted me to protect you, no matter what."
Saglit siyang napalingon kay Kiel bago tumunog na ang elevator. Nasa penthouse na sila.
Yun ba talaga?
Gising na nga si Vicky, nakaupo na sa couch. Nakasuot ng pulang silk robe at kasalukuyang may hawak na isang bag ng dugo. Mukhang paubos na din.
"Raven, where have you been?" tanong nito.
Nakatayo si Dom sa may tabi ni Vicky. May kausap sa phone.
"Dom, get out. Mag-uusap lang kami." utos niya dito.
"But Baby Rave, may prob--"
"Just f*cking get out, Dominic!" She hissed.
Agad itong sumunod at lumabas. Tumaas lang ang kilay ni Vicky sa inutos niya. Di na nagsalita pa. Nakita niyang papalabas na rin si Kiel. "Stay here, Hunter."
"Problema Angie? Hindi ba dapat ako ang mainit ang ulo dahil kagigising ko lang?" tanong ni Vicky sa kanya. "At nasaksalan ng tranquilizer ng di ko alam?"
Hinagis lang niya ang folder sa lamesang katapat nito. "Keeping secrets from me, Vicky? Ano to?" tanong niya.
Di man lang ito nagulat. Tiningnan lang ang folder. Hindi man lang gumalaw. "Red folder na may lamang papel."
Sh*t.
Hinawakan na ni Kiel ang braso niya. Masasakal talaga niya ang babaeng ito, ang pilosospo.
"Hay, I don't like this but I need it," walang lakas na pagkakasabi ni Vicky. Inubos nito ang laman ng bloodbag bago nagsalita. "Ano ba kasi yan? Ba't nagwawala ka na naman."
"You know about Isabelle! D*mmit!" Napasuklay nalang siya ng buhok. "Bakit di mo sinabi sakin?!"
"Kasi magwawala ka kapag nalaman mong ginawang bampira ng ex mo ang kaibigan mo," kaswal na sagot ni Vicky. Kalmado parin.
"Tulad ngayon."
Sh*t, so totoo nga.
Kinagat nalang niya ang labi niya at huminga ng malalim. Sino ba naman di magagalit sa sitwasyon ngayon. Napahamak na ang kaibigan niya ng di niya nalalaman.
"Kaya ba tumawag si Pierre! Anong kailangan niya?!"
"Pwede ba Angie. Maupo ka muna," ani ni Vicky. Tumayo na ito at hinagis ang wala ng lamang blood packs sa sahig. Tumingin ito kay Kiel. "Hoy, lalaki. Pakalmahin mo nga yang--"
"You want me to fucking calm down, Vicky?! Sagutin mo ang tanong ko!" Sigaw niya.
"Rave, maupo ka nga daw." Sabi sa kanya ni Kiel. Hawak na siya nito sa balikat at pilit na pinapaupo.
"Shit Kiel! Isa ka pa eh!" Pumiglas siya dito at kusang umupo sa sofa.
Walang kahihitnan ang galit niya, alam niya. Pero nakakapikon na.
"Umalis ka nga muna!" Utos niya.
"Akala ko ba ayaw ko akong palabasin?" Tanong namanni Kiel.
"Labas!"
"Heard her, Hunter." sabat ni Vicky. "Ganyan yan kapag mainit ang ulo. Masanay ka na."
Nagbugtong-hininga lang si Kiel na lumabas. Silang dalawa nalang ni Vicky ang naiwan.
"Ano ba? Sasagot ka ba?" Tumingin lang siya ng matalim sa babae habang naghihintay nang sagot.
"Yes, matagal ko ng alam. Simula pa ng tumawag si Pierre. Pinatakas niya si Isabelle pero fail yung plano," inayos nito ang buhok at tumingin sa kanya. "He just asked me to make a cure for her."
A cure? "There is no such thing as cure."
"Yes there is. Meron na. Gumawa ako. It's not permanent though. Kailangan ng maintenance. I'm improving it para mas matagal ang effect," paliwanag nito. "Makakabalik pa si Isabelle sa dati. Magtiwala ka."
"And why should I trust you?"
"Angelique dear, hindi ako ang kalaban mo. I made a promise to your mother na aalagaan kita no matter what." malumanay na pagkakasabi ni Vicky sa kanya.
Parang may kulang. Pakiramdam niya talaga may kulang. May ayaw pang ipaalam sa kanya. Kung talagang balak nilang itakas si Isabelle. Bakit hanggang ngayon wala paring nangyayari? Silang dalawa na ng kapatid niya ang magkasabwat.
"How about Pierre?" tanong niya. Pinipilit niya talagang pakalmahin ang sarili. "Bakit siya nasa Valerius?"
"Sa kanya mo nalang itanong. Magagalit siya sa akin kapag sinabi ko."
"The hell Vicky!" sigaw niya. Napatayo na siya uli. "I want answers. NOW!"
"Fine, fine," sabi nito. Umirap pa ito sa kanya.
"It was the Council's punishment, kailangan niyang magsilbi sa kanila dahil pinagtangkaan niyang patayin ang asawa mo. There, I said it, was that enough?"
Malamang siya nanaman ang dahilan noon. Sh*t talaga. Bakit hindi pinaalam sa kanya?
"Kelan pa? Hanggang kailan?"
"Ten years ago," sagot nito. "Nasa Brazil ka na noon. Wag ko na daw ipaalam sayo dahil baka mag-aalala ka. Hindi ko alam kung hanggang kelan Angie. Ayaw niya ding sabihin," sagot sa kanya ni Vicky.
"Don't worry too much about Isabelle. He likes her. He would not care kung hindi. Kilala mo si Pierre, walang pakialam sa iba yon, pero kapag--" di natapos ang sasabihin nito ng biglang bumukas ang pinto.
"Good morning, my love."
"Fritz?!" kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha ni Vicky ng makita nito ang lalaki.
"How did he-- you little bitch."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...