89: Choices and Consequences

10K 245 16
                                    

Nagising si Isabelle na nakahiga sa couch. Napabalikwas siya nang bangon.

Nasaan ako?

Lumapit siya sa may bintana at sumilip. Malalim na ang gabi. Kitang-kita niya ang mga liwanag galing sa mga sasakyan sa kalsada sa labas.

Nasa Manila ba siya? Hotel? Mukhang nasa pinakataas ng building ang pinagdalhan sa kanya.

Asan na si Raven?

Napaatras nalang siya dito ng biglang bumukas ang pinto.

"So, you're Isabelle."

Ito ang bungad sa kanya ng babaeng meztiza na nakacorporate attire pagpasok. Mas matangkad siya dito pero parang nanliliit siya sa presensya nito. Parang may aura na kakaiba.

Kasama pa ang isang blond na lalaki na naka-hawaian shirt. May dala pa itong malaking maleta at mukang galing pa kung saan. Alam niyang mga bampira din ito. Naamoy niya.

Mga kamag-anak ni Raven?

"I see now, kaya pala mukhang patay na patay sayo si Pierre," nakangising sabi nito. Inikutan siya at tiningan mula ulo hanggang paa. Tumayo ang mga balihibo niya sa mga sinabi nang babae. "My name is Victoria, by the way." 

Lalo siyang kinabahan. Parang kakawala ang puso niya sa dibdib. Kahit na nawalan siya ng malay kanina, nadidinig parin niya ang mga sinabi ni Raven.

'I'll ask Vicky to get rid of it soon.'

Ito yung babaeng tinutukoy ng kaibigan niya.

Napahawak siya sa sinapupunan. Nagtaas lang ng kilay ang babae sa ginawa niya

"We're not going to hurt you. I'm well aware of that 'thing' inside you, I can almost hear the heartbeat. Sinabi narin sakin ni Angie ang lahat," sabi nito. Umupo lang ito sa sofa sa harap niya. "Alejandro's child I presume?"

Napayuko nalang siya. Di siya makasagot. Di talaga siya sigurado. Umiinit na naman ang mga mata niya. Naiiyak siya sa sitwasyon niya ngayon.

Wala siyang magawa. Kung tatakas siya o lalaban, baka mapahamak din ang pamilya niya.

Hindi pa niya nasabi kay Raven ang ginawa ni Pierre sa kanya. Kapag nalaman nito ang lahat, ano kayang gagawin nun? Natatakot siyang mas kampihan pa nito ang sariling kapatid.

"I think you should not ask her that, Gummibärchen," sabat ng lalaking blond. Inangat niya ang tingin at nakita niya ang pagkunot ng noo nito. Tumayo ito sa tabi ni Victoria.

"Is there something you want to tell us, Miss Isabelle?" marahang tanong nito sa kanya. “I can’t read minds, but I feel that something happened to you.”

Di parin siya nagsalita. Nakatayo lang siya.

"Please sit down, Miss," bigla siyang napangiwi at napaatras nang lumapit ito sa kanya. Di niya alam, pero bigla siyang natakot.

Kinagat nalang niya ang labi at lalong napayuko. Tuluyan ng tumulo ang luha niya pero mabilis niya itong pinunasan ng kamay.

"Schiesse. See, you really shouldn't ask her that, Victoria." Tuloy ng lalaki. Tiningnan siya nito na parang naawa. Di niya maintindihan kung bakit.

"Fritz?" tanong nung babae.

Hindi ito pinansin ng lalaki. Nakatitig lang ito sa marka niya sa leeg. "Did your mate forced you?" tanong pa nito.

Umiling siya.

"Fritz? Anong nangyayari?" nakakunot noong na tanong ni Victoria. Naguguluhan ito din ito tulad niya.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon